NAGULAT si Alyssa nang kinabukasan ay makita niya si Aliciana sa palasyo. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon ay umalis na lang ito basta-basta sa kanya. Simula noon ay hindi na niya ito muling nakita kaya inakala niya na umalis na ito. Pero ngayon ay nasa hapag ito kung saan mag-aalmusal siya.
Si Aliciana lang ang natagpuan niya sa malaking formal dining room ng palasyo. Inaasahan na rin naman niya na wala siyang magiging kasabay dahil tinanghali siya ng gising. Nitong mga nakaraan ay mas lumalala pa ang mga nagiging sintomas ng pagbubuntis niya. Isa na roon ang madalas na tanghali niyang paggising.
Alam rin ni Alyssa na wala si Ed ngayong umaga sa palasyo. Ayon rito ay may aasikasuhin raw ito kasama ang pinsan na si King Rodrigo. Mamayang hapon pa ang balik nito kaya hindi talaga siya nito masasabayan.
"Finally, you are awake, minha irmã," nakangiti pang wika ni Aliciana. Mukhang maayos na ito kaysa kahapon. Pero nandoon pa rin ang sarkasmo sa boses nito.
"What are you doing here?"
"Why, tomorrow is my little sister's wedding. Don't tell me I am not invited, huh? I need to be here to watch you. I am the only family you have. Besides, let me experience to have some royal life again even if its just a little bit, okay? Surely, you won't deny me that?"
"After Ed and I got married, we won't live in the palace," napagdesisyunan nila ni Ed na bumase sa Pilipinas sa kagustuhan niya. Kahit maganda sa palasyo ay hindi niya pa rin gusto ang ganoong buhay. Gusto niya pa rin na magmukhang ordinaryo kaggaya noong nasa Pilipinas siya. It sounds a little weird but she felt belong to a foreign country. Kung dati ay gusto niyang magsilbi sa sinilangang lugar, nagbago ang pananaw niya ng makapagtrabaho siya sa Pilipinas. Gusto niya ang mga kasamahan niya roon, ang lugar.
"That was not so nice to hear," komento ni Aliciana. Wala na ang ngiti sa mga labi nito.
"I am not a little girl anymore to have your approval so I don't need the comments. We will live the life we want it to be,"
Hindi nagsalita si Aliciana. Umupo si Alyssa sa hapag pero napatayo rin dahil nakaamoy siya ng hindi kaaya-aya. Napahawak siya sa kanyang bibig. Napatakbo siya papunta sa banyo ng formal dining room dahil pakiramdam niya ay masusuka siya na siya ngang nangyari. She felt weak.
"You are an early riser, Alyssa. Now you woke up late. And the vomiting... Tell me, are you pregnant?"
Nang magsalita si Aliciana ay saka lang niya nalaman na sumunod pala ito. Inayos ni Alyssa ang sarili bago humarap rito.
"That's why you are marrying the Prince because he got you pregnant?!" halos isigaw ni Aliciana ang naisip. "Why, that was worse than his marriage proposal to me!"
Tinignan niya nang masama si Aliciana. Pero hindi man lang ito natinag.
"I should have known. Ed was a heartless Prince. He was a playboy. How can someone believe he would really marry because of love? He would just marry because of duty. Because he got someone pregnant. Oh what a pity!
"Do you really want to live like this, Alyssa? You are different to me. You didn't deserve a life without love. He would just make you a fool."
"Ed wouldn't do that to me... He cares for me," alam ni Alyssa na kakaunti lang ang laban niya sa maaring iakusa sa kanya ni Aliciana pero gusto niyang lumaban.
"But he doesn't love you. Care is different from love. Love is powerful. I wouldn't worry if he loves you. But care? We can give care to everyone. Even to our friends. And because you'll going to be a mother of his child, that will be inevitable. He is protecting his child inside you so he does really care for you.
"Alyssa, look at my point. Ed is a playboy. He is heartless. You should know that. He'll just fool you. He can't stick with only just woman. If gets tired with you, what he will do? He will go to the other girls. He'll have mistresses. Can you live with a life like that, Alyssa?
"I always knew you as a good girl. As an innocent one. You don't deserve someone like him. I maybe mean most of the times to you but I also do care for you. You still have time. Think about it,"
Nagulo ang isip ni Alyssa sa mga binitawan na salita ni Aliciana. May punto ito. Tama ang mga sinabi nito. Ano ba ang mga ipinangako sa kanya ni Ed? Hindi ba at poprotektahan lang naman siya nito at ang kanilang anak? Aalagaan siya nito. Ibibigay ang pangalan sa kanya, para sa anak nila, magpo-provide sa pamilya. Pero hindi kasama sa mga ipinangako ni Ed na magiging loyal ito sa kanya.
Mahal niya si Ed at pinipilit niya na tanggapin na hindi nito maibabalik sa kanya ang nararamdaman. Maatim niya iyon pero makaya ba niyang maatim na makita si Ed na may kasamang iba kaggaya ng naiisip sa kanya na maaring gawin nito sa kanya? Malaking katibayan ang nakaraan nito para maisip niyang posible iyon.
Sa pag-iisip pa lamang ng mga iyon ay lubos ng nasasaktan si Alyssa. Paano kung nangyayari na?
I can't do this...
Gulong-gulo si Alyssa. Hindi maaring mangyari iyon. Lalo na bukas ay ikakasal na siya. Ikakasal sa isang taong walang pagmamahal sa kanya...
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida