24. Selfish

12.1K 208 6
                                    

DALAWANG linggo pagkatapos mag-propose ni Ed kay Alyssa ay itinakda ang kasal nila. Dahil pareho silang mamayan ng Medoires ay napagpasyahan nilang doon ikasal. Lumipad sila ni Ed isang linggo bago ikasal para ayusin ang mga dokumento na hindi maaring maayos ng wedding planner na kinuha nito.

Sa Royal House of Ferreira tumuloy si Alyssa. Doon siya tutuloy hanggang sa araw ng kasal niya. Ed doesn't like him far away from him since the day she said yes to his proposal. Hindi nito gustong mawala siya sa paningin nito.

Wala namang kaso kay Alyssa kahit sa pamilya ni Ed ang pagtuloy niya sa palasyo. Masaya pa nga ang mga ito dahil kahit hindi natuloy ang kasal ni Ed at ni Aliciana ay may mangyayari pa rin na kasal. Nagustuhan rin ni King Rodrigo na nagpakasal ang pinsan nito hindi dahil sa tungkulin nito sa palasyo. Nagpakasal raw ito sa pag-ibig kaggaya ng nangyari rito at sa reyna nito. Ramdam niya na masakit pa rin para kay Rodrigo ang pagkawala ng asawa pero unti-unti rin naman na nakaka-move on ito dahil pinauuna nito sa isip ang mamayan at pati na rin ang natitira sa buhay nitong nag-iisang anak na si Julia.

Ang buong akala ng mga ito ay magpapakasal sila ni Ed dahil sa pag-ibig kaya masaya ang mga ito. Sa wakas raw ay nakahanap na ng katapat si Ed ng hindi pinipilit. Gusto niyang itama ang mga ito pero ayaw rin naman niya na sirain ang pantasya ng mga ito. Isama pa na napag-usapan nila ni Ed na huwag na munang sabihin ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil baka maging malaking issue pa iyon at maging masakit ang magiging reaksyon ng mga tao tungkol roon. Pumayag siya dahil natatakot rin siya sa iisipin ng mga ito.

Hindi nagustuhan ni Alyssa ang buhay niya noon bilang prinsesa. Pakiramdam niya ay nasasakal siya, lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. Parehong vain ang ina at kapatid niya. Gustong-gusto ng mga ito ang titulo ng pagiging prinsesa kaya naman pati siya ay pilit na hinahawaan ng mga ito. Hindi niya gusto ang ganoong personalidad pero wala siyang pagpipilian. Kaya nang tanggalin ang pamilya nila sa komunidad ng mga royal families ay naging masaya pa siya. She felt free.

Pero napagtanto ni Alyssa na hindi naman pala ganoon kasama na maging prinsesa dahil ngayong nasa palasyo siya ng mga Ferreira ay malaki ang pinagkaiba sa kanila. Mababait ang mga tao roon at hindi mapagmataas---hindi kaggaya ng pamilya niya. Kahit ang mga katiwala ay pinapayagan na kaibiganin, hindi kaggaya niya noon na nang ilapit ang sarili sa yaya niya dati ay madalas pang pinagagalitan. Ibang-iba ang mga tao sa palasyo ng Ferreira. She liked it here. And she was going to be a princess under the highest royal house in the whole Medoires Island.

Hindi man kaggaya ng isang fairy tale ang kuwento ni Alyssa ay masaya na rin siya. Pinipilit niya na gawing kontento ang sarili sa kung ano ang natatanggap niya kay Ed. Passion and care. Sapat na siguro iyon para mapanatili ang isang masaya na relasyon.

Dalawang araw bago ang kasal ni Alyssa ay dumating si Aliciana sa palasyo. Bahagyang kinabahan siya dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila nang aminin niya rito ang tungkol sa kanya ni Ed.

"So you are really decided to marry him, huh?" tila may inis sa boses nito nang komprontahin siya.

"Aliciana, why do you look so irritated? We all know I didn't steal him from you. You were just engaged because of royal command. Technically, I---"

"You shouldn't be in that place, Alyssa! How many times did you tell me you really don't want to be a princess? That you don't like the life of a royal? Then now you are marrying a Prince? Hah! Who are you kidding?"

"I-I fell in love with him. We can't choose who to love, right?"

"Love?" tumawa si Aliciana. "Love is just for fools. Do you think a heartless man like him could love you? Think again little sister,"

Naguluhan si Alyssa sa sinabi ng kapatid niya. "What are you talking about? You love Charles. If you said that---"

"I love Charles? Do you really believe that?" tumatawa pa si Aliciana. "Oh yeah, maybe I love him. I love him because of his money, all right! You're such a fool to believe that I fell in love with him. I'm not born to do that."

Namutla si Alyssa sa narinig. "You don't mean that..."

"I am not feeling bad that Ed chooses to marry me. How can I? I am born a lady, a princess, a royal and it took everything away for me when I lose the title. And even if I have a hint that he would just do that for revenge because of what I did to him when we were younger, it doesn't matter. I only wanted the title. The life. The life that I lose..."

"You're greedy! Selfish!" hindi na niya napigilan na akusahan ito.

"So what? At least, I am not a hypocrite. And I won't be a hypocrite to tell you that I hate you because you'll have the life that I wanted. The life that should be mine!" inis na inis si Aliciana.

Hindi alam ni Alyssa kung ano ang gagawin. Hindi rin niya alam kung ano ang mararamdaman. Iniligtas niya ang kapatid sa akala niya ay kapahamakan nito, sa akala niya na magiging kalungkutan nito. Pero nagkamali siya. All the time, gusto talaga ni Aliciana ang ikasal kay Ed kahit alam nito na lolokohin lang ito ng binata. All for her selfish love for being a princess... for having a royal life.

Naawa siya kay Charles. Masyado itong nabulag sa kanyang kapatid na hindi naman pala talaga ito mahal. Pero ganoon nga yata talaga ang pag-ibig. Kahit alam o may nararamdaman na mali, mahirap pa rin na pigilan. Patuloy pa rin na nagmamahal dahil napakamakapangyarihan noon. Alam iyon ni Alyssa dahil ganoon rin siya.

Mahal niya si Ed kaya naman kahit alam niyang hindi nito masusuklian ang nararamdaman nito sa kanya ay pumayag siya sa gusto nito.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon