18. Ways

13.5K 217 3
                                    

"TELL me how did you make Melanie love you?" maawtoridad na tanong ni Ed sa kaibigang si Augustus. Dahil may problema siya, niyaya niya ang mga matatalik na kaibigan na samahan siya para makapag-confess. As usual, naging tambayan na naman nila ang Golden Cash Clubhouse Resort na silang pinupuntahan nila kapag may mga gusto silang pag-usapan.

"Seriously, Ed. Nagyaya ka sa Golden Cash para lang itanong 'yan?" natatawa pero bahagyang naiinis rin na wika ni Augustus.

Kumunot ang noo niya. "Magkakaibigan tayo. We should share everything."

Tumikhim si Jet. Ito, si Augustus at Nikos lang ang present sa kanila ngayon dahil may malaking problema si Vincent sa Korea na hindi nito masabi-sabi sa kanila at baka magtagal raw ito roon. Si Cedric naman ay nasa Pilipinas rin pero kasalukuyan itong nasa private island nito at hula nila ay naglilihim rin sa kanila. Ayon kasi sa bali-balita ay may nali-link raw na babae rito. Sa tantiya nila ay iyon ang model na hinahabol nito noon dahil nakagawa ang babaeng iyon ng malaking kasalanan sa pinakamailap na kaibigan niya. Pero nang kinompronta nila ang pinakamailap sa kanilang anim ay puro tanggi lang ito.

"Pero alam mo na abala na ang dalawang ito sa buhay nila. May pamilya na si Nikos at malapit na rin ang kasal ni Augustus. Magkakaanak na rin siya. Sana ako na lang ang niyaya mo. Magaling rin naman ako sa mga payo, ah,"

Muntik na niyang mabatukan si Jet sa sinabi nito. "Ikaw? Hah! Ang pinakawalang alam sa pag-ibig sa grupo? Come on," sa kanilang anim ay si Jet ang pinaka-romantiko. Sa katanuyan ay nakarating na sa lagpas tatlong dekada ang edad nito pero wala pa rin itong nagiging nobya o kahit sino man na link na babae. Inaantay pa raw kasi nito ang "The One" nito.

Bumaling si Ed kay Augustus muli. "Sagutin mo ako. Paano mo nga na---"

"Pinakita ko lang na mahal na mahal ko siya. That simple,"

Napangiwi si Ed. Scratch it, hindi niya kayang gawin iyon. Paano niya mapapaamo si Alyssa sa suhewistiyon ni Augustus kung wala nga siyang pagmamahal na nararamdaman rito? Tumingin siya kay Nikos. "Ikaw Nikos, paano mo napaamo si Irene?"

Ngumisi si Nikos. "There's no need. Siya ang unang nagkagusto sa akin,"

Napabuntong-hininga si Ed. He felt doomed.

"Bakit mo ba tinatanong 'yan, Ed? 'Wag mong sabihin na may nililigawan kang babae at kailangan mo siyang mapasagot?" tanong ni Augustus.

"It was worst than that," kinuwento niya sa mga ito ang sitwasyon.

"Holy shit!" halos sabay-sabay na mura ng mga ito.

"Ang babae ba na ito ay ang tinutukoy ni Melanie na nakuha niyang fashion designer para sa wedding dress niya? Iyong nahimatay daw at dinala mo sa ospital?"

Tumango si Ed. " And I need to marry her. I won't have a son out of wedlock. But it wasn't just that. I wanted her, too. Inamin ko na iyon sa kanya. Pero hindi pa sapat ang mga iyon sa kanya. She wanted love in a relationship. Kilala niyo ako. Hindi niya makukuha iyon sa akin kaya sinabihan ko na siya na lang ang gagawan ko ng paraan para roon."

"Bad move. Kahit kailan talaga palpak ka sa babae," wika ni Jet.

"NGSB, 'wag mo akong sermunan riyan. Wala ka ngang alam sa babae pero teka, may inililihim ka na rin ba sa amin?"

Natahimik ito sandali. Napaawang-tiklop ang mga labi. Tumawa ito pero mukhang kinakabahan. "B-bakit naman ako maglilihim sa inyo? We're almost brothers,"

Gusto pa sana niyang usisain si Jet pero mas matimbang ang problema niya para problemahin pa kung ano ang mayroon sa buhay nito.

"Hindi mo ba talaga kayang magmahal, Ed?" untag ni Nikos.

"I believe so. 'Yung mga naikuwento dati sa akin ni Augustus tungkol sa nararamdaman raw sa pag-ibig, hindi ko pa nararamdaman---" napatigil siya nang may maalala. Ano nga ba ang sinabi sa kanya ni Augustus noon para malaman kung in love sa isang tao? Malakas ang tibok ng puso kapag magkalapit, gusto mo siyang makasama, nararamdaman mo na parang hindi ka maka-get enough sa kanya at natatakot ka na may mangyaring masama sa kanya...

Lumalakas ang tibok ng puso niya kapag magkalapit sila ni Alyssa. Nagiging abnormal ang takbo noon nang hinalikan niya ito. Gusto niya itong makasama dahil hindi niya malimutan ang gabing pinagsaluhan nila kaya hindi rin siya maka-get enough rito. Kahit sa pagiging abala niya sa maraming bagay at nitong nakaraan na lang siya muli nakaramdam ng kalayaan nang magsimula na muli si Rodrigo sa pamumuno ay gusto niya pa rin itong hanapin. Hindi nga lang siya nagkaroon ng pagkakataon noon dahil sa sunod-sunod na nangyari.

Physically ay mabilis lang na naka-recover ang pinsan at ngayon ay hari na muli ng Medoires na si Rodrigo. Nagkaroon lang ito ng head trauma kaya ito naging unconscious. Pero nang maggising ito ay magaling na ang mga sugat nito. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay basta-basta na lang niya mapapabayaan ang pinsan. Naging mahirap naman kasi ang pang-emosyonal nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinamayan niya ang pinsan. Kaya gustuhin man niyang hanapin si Alyssa ay naging mahirap para sa kanya. Gumawa naman siya ng paraan at nang malamang umalis ito ng Medoires, nawalan siya ng pag-asa na magkikita pa sila muli.

Hanggang sa paglaruan siya ng pagkakataon.

Natatakot ka na may mangyaring masama sa kanya. Naalala niyang ang bagay na iyon ang palagi niyang nararamdaman sa dalaga. Noong bata pa sila, noong umiyak ito pero ang higit sa lahat, ay iyong nakita niyang bigla na lang itong nahimatay sa kanya. She brings out all the hellish fears inside him. Natakot siya sa nangyari dito mas higit kaysa sa nalaman niya na buntis ito. Hindi na niya kailangang magduda pa na siya ang ama. He felt like trusting Alyssa, too. Siya ang nakauna rito. Isama pa na kung bibilangin ang panahon kung ilang linggo na ang dinadala nito, siya talaga ang masasabing ama.

"Pero sinabi mo na gusto mo siya. You wanted her. You are in lust with her. Alam mo ba na 'yan rin ang inaamin ko na nararamdaman ko kay Irene noon? And it eventually turned to love. O siguro nga ay mahal ko na talaga siya, hindi ko lang talaga maamin dahil mas pinanaig iyon ng galit ko kaysa sa kanya. So you better be careful in your plans, Ed. Not that we don't want you to feel it. It was actually wonderful. The most amazing feeling you'll ever feel. Its good. Kaya maari ako na pumusta, ikaw ang madedehado sa huli. Pero iyon lang ba talaga ang nararamdaman mo para sa kanya?"

Hindi nagsalita si Ed. Ayaw niyang sagutin ang tanong ni Nikos dahil kaggaya nito kay Irene noon, mukhang masasabi niyang hindi lang rin niya maamin iyon dahil natatakot siya. Bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. Sandaling panahon pa lang ang pinagsasamahan nila ni Alyssa. Hindi siya kaggaya nina Nikos at Augustus na matagal ng kilala ang mga nakarelasyon nito. Kailanman ay hindi pa siya nakakapagsabi ng tatlong salita na iyon sa isang tao. He maybe a lot of things but he is an honest man. Kailanman ay hindi siya nagpa-asa ng isang tao.

Sinubukan na rin naman ni Ed na magseryoso sa isang babae. Sinubukan na rin niyang tignan kung magagawa niyang mahalin si Karylle noon dahil alam niyang nababagay ito sa kanya. Pero hindi ba't kahit anong pilit niya ay hindi niya naggawa na itatak ito sa puso niya? Naakit siya sa iba. Naging unfaithful siya.

Pero hindi naman siya nakakaramdam ng kakaiba kay Karylle noon hindi kagaya ng nararamdaman mo kay Alyssa ngayon 'di ba? Nais mapabuntong-hininga ni Ed. Naniniwala siya na hindi niya kayang magmahal dahil na rin sa karanasan niya na iyon kay Karylle. Pero si Karylle, naisip niya na maaari sana niyang mahalin ito dahil perpekto ito. Magiging mabuti ito para sa kanya. Pero iba iyon kay Alyssa. Maybe she was imperfect but whenever he was with her, everything seems so perfect. Masaya siya na makita at makasama ito...

Maaari na nga ba niyang maisip na maaaring magbago na ang pananaw niya sa sarili dahil sa mga nararamdaman na iyon? Pero paano kung sa huli ay sa halip na si Alyssa ang mahulog sa kanya ay siya iyon? Would it be that bad?

It would be bad because she won't be feeling the same for me. Maaaring gusto siya nito pero paano kung ang pagkagusto nitong iyon ay kaggaya lang ng nararamdaman niya sa mga babaeng iyon dati?

Hindi. Hindi dapat magmula kay Ed ang pagmamahal na hinahanap ni Alyssa sa relasyon. Kung may paniniwala si Alyssa sa buhay na gusto nitong panatilihin, ganoon rin siya.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon