26. Confrontation

13.3K 219 0
                                    

NAG-UUMPISA ng mag-alala si Ed. Mag-a-alas singko na ng hapon pero hindi pa rin lumalabas si Alyssa ng kuwarto nito. Ang sabi nito kanina nang bisitahin niya ito pagkatapos ng lakad nila ni Rodrigo ay masama ang pakiramdam nito kaya gusto sana nitong mapag-isa dahil nagpapahinga ito. Inintindi niya ito at bumalik ng alas tres y' medya para tignan ito. Hindi pa rin ito lumalabas mula roon. Nakailang katok na siya pero hindi na siya nito sinagot. Ganoon ba talaga kasama ang pakiramdam nito para magpahinga nang ganoon katagal?

Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasiyahan para sa kasal nila bukas ni Alyssa. Dapat ay kanina pa ito naghahanda. Pero mukhang wala itong balak.

Nang lumagpas na ang alas singko ay napagdesisyunan na ni Ed na kuhanin ang susi para buksan ang kuwarto nito. Nakita niya ito sa kama, hindi naman ito tulog, pero napansin niya agad na may kakaiba sa mga mata nito. Mapula iyon. Mukhang umiiyak.

"Meu deus! Anong nangyari? Ganoon ba talaga kasama ang---"

Nagulat si Alyssa sa pagpasok niya pero nang magsalita siya ay naglihis ito ng tingin sa kanya. "I don't want you here, Ed. Lalabas ako kung gusto ko,"

Umiling si Ed. "Malapit ng magsimula ang party."

"Hindi ako dadalo sa party," may kalamigan sa boses nito.

Nagtaka si Ed. Hindi ganoon ang Alyssa na kilala niya. "Pero bakit? Masamang-masama ba talaga ang pakiramdam mo? All right. I'll cancel it. After all, ang pinakamahalaga naman ay ang kalagayan mo."

Nag-umpisang lumapit si Ed kay Alyssa. Umupo siya sa kama, sa tabi nito. Pero tumayo ito nang malapitan niya.

"Cancel the wedding tomorrow, too,"

Kumunot ang noo ni Ed. "What the hell are you talking about?! Hindi natin iyon puwedeng ikansela. Sigurado ba na masama pa rin ang pakiramdam mo bukas? I'll have the doctor send here. You'll be better."

"No. Kahit na maging maayos pa ako, nakapagdesisyon na ako. Hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal sa 'yo,"

Napatayo si Ed. Nagsisimula ng mawala ang lahat ng pasensiya sa katawan niya sa inaasal nito. "At bakit? Bakit ka ba nagkakaganyan, Alyssa?!"

"I-I just realized I can't marry a man who doesn't love me..."

Natigilan si Ed sa sinabi nito. "B-but you agreed to marry me. Kahit na ba ang pagmamahal na mayroon sa relasyon natin ay ang pagmamahal sa anak natin." Kahit wala ang pagmamahal mo...

"Nagbago na ang isip ko. Hindi ko kayang manatili sa ganito. But don't you worry about the child, hindi ko naman siya ipagkakait sa 'yo. Puwede mo pa rin siyang makita, makasama---"

"Hindi iyon ang punto rito! Can't you see? Bukas na ang kasal natin tapos biglang magbabago ang isip mo? How can you?!"

"I can't do it, Ed. Maaring may pagmamahal sa anak pero wala sa isa't isa. At ikaw? Paano ko masasabi na maalagaan mo talaga ako? Kami ng anak mo? You only promise those things. How can I be so sure that you'd also protect us from heartaches? Wala kang ipinangako sa akin na magiging isa kang faithful na asawa,"

"Iyon ba ang nasa isip mo, Alyssa? Na dahil lang sa alam mo na hindi kita mahal, dahil hindi ko ipinangako sa iyo na magiging tapat ako na asawa ay ititigil mo na ang lahat ng ito? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?"

Hindi umimik si Alyssa sa sinabi niya. Lalong nanglingas ang galit kay Ed. Hindi niya nagustuhan ang mga inakusa nito.

"Paano mo naisip ang mga 'yan sa kabila ng mga nangyari sa atin ng nakaraan? I stick with you. Sa loob ng ilang buwan ay hindi ako nagkainteres sa babae maliban sa 'yo. It was not the normal me. Hindi mo ba nakikita ang mga ginawa kong iyon? How can you accuse that of me?"

"You are a playboy---"

"That was then! I might be known as an infamous, jetsetter Prince but I also have respect! Lalo na sa 'yo dahil magiging asawa kita. Magiging ina ka ng anak ko. Karespe-respeto kang babae at malinaw sa isip ko na nararaparat sa 'yo na respetuhin. That was my plan to you. I may do a bad thing about your sister but she's different from you. Alam mo iyon. May kasalanan siya sa akin at hindi ka ganoon. I wouldn't put that a lot of effort for you if I've levelled you with her. Naging sandali pa lang ang pagsasama natin pero umasa ako na pagkakatiwalaan mo ako. Pero nagkamali ako..."

Nasaktan si Ed sa mga naging akusa ni Alyssa. He felt mad. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya rito ay ganoon pala ang iniisip nito sa kanya?

Nirespeto niya si Alyssa. He adored her. Kaya niyang ibigay ang lahat rito---kahit ang puso niya. Pero gusto niyang isumpa ang sarili niya na naisip na iyon. Mahal na niya si Alyssa. Pero mali siya. Paano niya mamahalin ang isang babae na walang tiwala sa kanya?

Hindi alam ni Ed kung paano nangyari pero sa pagtagal ng pagsasama nila ay mas tumitindi ang nararamdaman niya rito. Hindi niya gustong makasama lang ito dahil dinadala nito ang anak niya---gusto niya itong makasama dahil masaya siya kapag nasa paligid ito. Lahat ng mga sintomas ng umiibig ay nararamdaman niya rito. Pinilit naman ni Ed na ipakita iyon rito. He doubled the effort to let her know that there was something going on between the two of them. Hindi siya madalas na magpahalaga sa babae, hindi siya marunong maghintay dahil bilang kinikilalang tao sa lipunan, hindi na niya kailangang gawin iyon. Ang mga iyon ay ginawa niya kay Alyssa. Pero natakot siyang aminin iyon kay Alyssa dahil maaring wala iyong katugon.

Si Alyssa ang una niyang pag-ibig at natatakot siyang masaktan dahil alam niya na wala itong pagmamahal sa kanya. Noong pumayag itong magpakasal sa kanya ay laking tuwa niya dahil nag-iibig sabihin lang noon ay nagtagumpay siya. Pero mali siya dahil ang pagmamahal pala na tinutukoy nito ay pagmamahal lang para sa anak nila. Nasaktan siya dahil roon pero pinilit niya na huwag ipahalata rito.

Ngayon ay iiwan na siya ni Alyssa. Ibig sabihin lang noon ay hindi talaga siya nagtagumpay---he doesn't fall for him. Siya ang nahulog sa plano niya. The feeling was worse than hell.

Sa sobrang sakit ay tinalikuran niya ito. Nag-umpisa siyang maglakad palabas ng kuwarto nito nang magsalita ito.

"E-Ed, I---" hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ba ang gusto nitong mangyari kaya bakit pa siya lilingon muli?

"Ed!" pagtawag pa muli ni Alyssa. Hindi muli siya lumingon.

Malapit na siya sa pintuan ng kuwarto nang tawagin muli ni Alyssa ang pangalan niya. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na siya ng kung anong mali sa boses nito kaya naman sa kabila ng walang dahilan na pagtawag nito ay lumingon siya.

Nakita niyang nakatayo pa rin si Alyssa. But there was something flowing on her legs.

Nanlaki ang kanyang mata. Its blood.

She was bleeding.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon