6. The Choice

15K 255 4
                                    

"WOULD you be all right, man?" naniniguradong tanong ni Augustus kay Ed. Isang linggo rin na nanatili ang mga malalapit niyang kaibigan sa Medoires upang damayan siya. Ngayon ay nasa isang malaking krisis ang buong Medoires Island. Kasalukuyang nasa maselan na kondisyon ang kanyang pinsang si Rodrigo dahil sa isang malagim na aksidente at sa kasamaang palad ay namatay pa dahil roon ang asawa nito. Nasa isang matinding pagluluksa ang buong isla dahil na rin sa malagim na nangyari.

Kakatapos lang ilibing ni Victoria---ang asawa ni Rodrigo at reyna ng Medoires. Sa buong durasyon ng burol nito ay nasa tabi niya sina Nikos, Vincent, Jet, Cedric at Augustus para damayan siya sa mabigat na pinagdaraanan niya. It was a very tragic incident for his family. Nahihirapan si Ed na hawakan ang sitwasyon. He was not used to this. Puno ng kalungkutan ang palasyo. Isama pa na alam niyang lubos na naapektuhan si Julia, ang anak ni Rodrigo, sa mga nangyayari.

Simula nang sumikat si Ed bilang modelo ay bihira na siyang umuwi ng Medoires. Kung may kasiyahan na lang o kaya may importanteng pangyayari na kailangan ng presensiya niya. Masyado na siyang abala sa buhay niya sa labas at sa career niya. Isama pa na hindi naman malaki ang responsibilidad niya sa Medoires dahil sa kanyang pangalawang linya. Si Rodrigo na ngayon ang namamahala roon and he was doing very well. Naniniwala siya na hindi na nito kailangan ng tulong niya. Pero mali pala na basta na lang pinayagan ni Ed ang pinsan at hindi na nag-abala pang tumulong sa mga gawaing pampalasyo.

"I'll be all right. Ano namang tingin niyo sa akin? I can handle this," paninigurado niya sa kaibigan.

Hinawakan ni Nikos ang balikat niya. "Nag-aalala lang kami sa 'yo. Alam namin na mabigat para sa 'yo ang lahat ng ito. Ilang taon pa lamang simula nang mamatay si Tita at pagkatapos ay ang nangyari naman kay Rodrigo at sa pamilya niya. Alam namin na hindi kayo malapit sa isa't isa ng pinsan mo pero pamilya mo pa rin siya. A family is still a family. And with all the responsibilities that he left---"

Itinaas ni Ed ang kamay para patigilin sa pagsasalita ang kaibigan. "I know, I know. Nandiyan naman si Benjamin. Aalalayan niya ako," aniya na ang tinutukoy ay ang kanang kamay na tauhan ni Rodrigo na siya na rin na nagpresinta sa kanya na tutulungan siya sa pag-aasikaso ng mga naiwang gawain ng pinsan niyang ngayon ay hari na ng Medoires.

Tumango-tango si Nikos. "All right. Kung may problema ka, you can always call us. Kilala namin ikaw. Hindi magiging madali para sa 'yo ang lahat ng ito dahil hindi ka naman sanay sa leading. We are your friends and we are also the one who take care of your shares in our company. We'll always be here for you. But we are hoping that everything will be fine soon,"

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya. Nagpasalamat siya nang husto sa mga ito dahil ang presensiya ng mga ito ang nag-divert sa isip niya para huwag isipin ang realidad. Nagpasalamat siya sa pagsuporta ng mga ito sa mabigat na pinagdadaanan niya sa kasalukuyan. Kaya naman sa pag-alis ng mga ito ay purong kahungkagan ang nararamdaman niya.

Time to face the reality, Ed. Sulsol ng isang bahagi ng utak niya. Pagkaalis nina Nikos ay dumiretso siya sa library ng palasyo. Doon ay kinuha niya ang folder na nakapatong sa may dulong lamesa. Napatiim-bagang siya kahit hindi niya pa nababasa ang laman noon. Paano kasi ay naipaliwanag na iyon sa kanya ni Benjamin kahit hindi niya pa nababasa. Hindi niya gusto ang nalaman niya kaya hindi na siya nag-abala pa na buksan o sabihin iyon sa kanyang mga kaibigan. Pero hindi na niya puwedeng takasan pa ang kanyang kapalaran.

Walang kasiguraduhan ang maaring mangyari kay Rodrigo. Naging masama para rito ang aksidente at malubha ang kalagayan nito. Isang linggo na itong comatose at hindi pa rin masabi ng mga Doctor kung hanggang kailan ito sa kondisyon na iyon.

Dahil sa nangyaring trahedya, marami ang nagtatanong kung ano na raw ang maaring mangyari sa isla. Hindi maaring si Julia ang mamumuno dahil walong taong gulang pa lamang ito. Wala pa itong kakayahan. Technically, si Ed ang papalit bilang hari. Sa mga nakalipas na taon kasi ay nagging hindi maganda ang pangyayari sa aspetong pangkalusugan ng pamilya Ferreira. Namatay sa sakit sa puso ang ama ni Rodrigo sampung taon na ang nakakaraan. Ilang taon naman makatapos noon ay ang ina nito dahil sa depresyon. Sina Amelia at Henry naman ay ganoon rin. Si Amelia ay namatay dahil sa sakit na breast cancer at si Henry naman ay dahil rin sa komplikasyon sa puso. Wala ng sino man ang maaring mamuno galing sa Royal House of Ferreira kundi si Ed. At kahit hindi pa man sigurado ang lagay ni Rodrigo ay nagsisimula ng mag-panic ang mga tao sa maaring imposibleng pagkabuhay nito kaya inihahanda na siya kung sakali man na mangyari iyon. Pero bago mangyari iyon, may mga certain requirements muna bago niya makuha ang titulo.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon