"I'M LOSING the baby. I'm losing our baby," hindi mapigilan ni Alyssa na mapaiyak habang unti-unti nang pumapasok sa isip niya ang nangyari. She was bleeding. Mawawala ang tanging bagay na naglapit sa kanila muli ni Ed. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso dahil alam niyang hindi lang ang anak ang mawawala sa kanya. Ganoon rin si Ed.
Matinding ginulo siya ng mga sinabi sa kanya ni Aliciana. Nagkulong siya sa kuwarto niya pakaisipin ang tungkol roon. Nagpadalos-dalos siya. Kahit gaano pa man kabuti sa kanya si Ed, iba pa rin ang pagmamahal. Maaring may pagmamahal sa kanila pero sa pagitan lang iyon dahil pagmamahal lang iyon para sa kanilang anak. Napagtanto niya sa sinabi ni Aliciana na kulang para sa kanya ang mga pagmamahal na iyon. Napagdesisyunan niya na umatras sa kasal.
Inaasahan na ni Alyssa na ikagagalit iyon ni Ed. Sino ba naman ang hindi? Bukas na ang kanilang kasal pero umatras siya. Matinding pinag-isipan rin naman niya iyon. Napagtanto niya lang talaga na hindi niya kaya na dahil wala namang pag-ibig sa pagitan nila ni Ed. Kahit nararamdaman niya base sa sinabi nito nang magkomprontahan sila kanina na may higit pa sa mga ipinangako nito sa kanya ang nararamdaman nito, hindi pa rin sapat iyon.
She needed the words.
Pero hindi na siguro niya maririnig iyon rito. Nagalit ito sa kanya, naramdaman niya iyon. At ngayon ay mawawala na ang anak nila. Ano pa ang dahilan para magsama sila?
"Sshhh... Don't cry, minha querida."
Minha querida. Ilang beses na ba siyang tinawag ni Ed ng ganoon? It's a love endearment in their country. It should just mean something. Pero ayaw paniwalaan iyon ni Alyssa. Pangkaraniwan naman iyon.
"I'm sorry... I'm sorry..." patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa dalhin siya sa tingin niya ay Xray room. Mula roon ay inantay nila ang radiographer para tignan siya. "Natatakot ako..."
Hinawakan ni Ed ng mahigpit ang kamay niya. Hinalikan nito iyon. "Huwag. Magiging maayos ang lahat."
Umiling si Alyssa. Hilam pa rin sa luha ang mga mata. Hindi nakabawas sa sakit na nararamdaman niya ang ginawa ni Ed. "I'm going to lose our baby..."
"Marami pang darating na bata, Alyssa. Magiging maayos ang lahat. Tahan na..." nakita niya ang matinding kalungkutan at pag-aalala sa mga mukha ni Ed.
Umiling siya. Hindi niya maggawang kumalma. "Paanong mangyayari? As I lose the baby, I'm going to lose you, too. I'm scared, Ed. Ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong mangyari ito."
Niyakap siya ni Ed. "Hindi ako mawawala sa 'yo, Alyssa. Hindi ako aalis sa tabi mo. So please..."
"No! Sinasabi mo lang 'yan dahil sa masamang sitwasyon natin. Hindi mo ako mahal. Ang bata ang tanging nagtatali sa ating dalawa. Sinabi mo sa akin na mahalaga ako sa 'yo pero alam namin natin lahat kung bakit. Its just because of the baby....The baby I'm going to lose now..."
Matamang tinignan ni Ed si Alyssa. "Hindi totoo ang lahat ng iyan. Mahalaga ka sa akin hindi dahil sa dinadala mo ang anak mo. Its something deeper than that. I have feelings for you. I love you."
Dapat ay matuwa si Alyssa sa mga narinig. Mahal siya ni Ed! Hindi ba at iyon lang naman ang natatanging gusto niya bukod sa kaligtasan ng anak niya ngayon? Pero ramdam niya na ginagawa lang nito iyon para palakasin ang loob niya. "Mas gusto kong marinig ang katotohanan, Ed. Don't sweet-talk me just to make me feel better...."
"Pero ito ang katotohanan. I love you, Alyssa. At kanina, kaya ako naggalit sa 'yo dahil sa kabila ng mga ginagawa ko sa 'yo ay hindi mo pa rin pala nakita iyon.
"I maybe a lot of things but I never lie. Well, I did lie. At iyon ay noong sinabi ko sa 'yo na wala akong kakayanan na magmahal. Hindi totoo iyon. I can love, but I just don't want to believe it. Natakot ako, bago sa akin ang damdamin na iyon at natatakot ako na hindi ko kayang panagutan iyon. Minsan ko ng sinubukan na subukan na magmahal pero nabigo ako. Simula noon ay hustong naniwala na talaga ako na hindi ko magagawa. Na tama nga siguro ang ama ko noon. Nasa lahi namin na hindi kami makokontento sa iisang babae. Na hindi naming kayang magmahal. Pero naggawa ko. I've been with you for the past months without thinking another girl. Ikaw lang. Ayaw ko na malayo ka sa akin dahil ayaw ko rin na mawala ka isip ko. But even though you are out of my sight, you are never out of my mind.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida