NAGGISING si Alyssa sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Nahulaan na ang dahilan kung bakit dahil mabilis na nagbalik sa isip niya ang mga nangyari kanina. Nahimatay sita at malamang ay dinala siya ng kung sinong tumulong sa kanya sa ospital---base na rin sa kulay ng kuwarto na puro puti. Ngunit kinilabutan si Alyssa sa isipin na kilala niya kung sino ang tumulong sa kanya. Hindi naman nagkamali ang pakiramdam niya.
"So you're awake. How are you feeling now, minha querida?" Ed sounded relieved. Malayong-malayo sa nararamdaman ni Alyssa ngayon.
"I-I'm fine. I think I could handle my condition on my own now," tatayo sana siya kung hindi lang siya nakaramdam nang kung anong masakit sa kaliwang kamay niya. Doon lang niya napagtanto na naka-dextrose pala siya.
"What the hell?"
"Lumabas sa diagnosis mo na dehydrated ka,"
"Right. Iyon lang ba?" nanalangin si Alyssa na sana ay iyon nga lang ang sinabi sa kanya ng Doctor. "Kung ganoon ay---"
"Nope. Hindi lang iyon. Alam ko na ang lahat, Alyssa."
Inaasahan ni Alyssa na makakarinig siya ng galit sa tinig ni Ed. Pero mahinahon lang ito. Tumungo siya. "I'm sorry..."
"So you knew. Bakit kailangan mong itago sa akin? Kailan mo pa nalaman?"
"Just a few days ago," sinabi ni Alyssa ang dahilan niya kay Ed.
"I understand," tumango-tango si Ed at hindi na muling nagsalita. Mahinahon ito pero mukhang may iniisip. Nagkaroon ng oras si Alyssa para pakatitigan ito. Hindi ganoon ang naiisip niyang reaksyon ni Alyssa na magiging reaksyon nito. Naiisip niya na magagalit ito dahil masamang balita iyon.
Kilala niya si Ed. He was a player and being like that, she was expecting he wouldn't like the news. Isang malaking responsibilidad rito ang bata at maaring maging dahilan iyon para matali ito sa isang babae. Gugustuhin ba ng isang lalaking kaggaya nito ang ganoon?
"I'll marry you," kapagkuwan ay sabi ni Ed.
"No! Hindi mo gagawin iyon!" naisip na ni Alyssa na maaring isuhewistiyon iyon ni Ed kaya mabilis siyang nakaresponde.
Ginanap ni Ed ang kamay niya at tila lahat ng lakas ng loob ni Alyssa ay natunaw. "Hindi ko hahayaan na magkaroon ako ng anak na bastardo. Isa pa, taga Medoires ka. Alam mo ang kultura. Kailangan kitang pakasalan,"
"Nasa modernong panahon na tayo. Don't be so old fashioned. We can live well on our own. Ang mahalaga ngayon ay nalaman mo na. Iyon lang naman talaga ang gusto kong iparating sa 'yo," iniwas ni Alyssa ang mukha mula rito.
Doon na lumalabas ang inaasahan niyang galit kay Ed. "You can't just simply put things like that! Anak ko ang batang 'yan. Kailangang kasali rin ako sa pagpapalaki sa kanya. We will get married. Whether you like it or not!"
"Inaasahan ko na maaring gawin mo ito. Pero ayaw ko, Ed. Hindi ako magpapakasal dahil lang sa kinakailangan o dahil sa isang responsibilidad. I will marry because of---"
"Love," putol ni Ed. "I should have known."
"I-I don't love you," bahagyang nautal si Alyssa nang sabihin iyon. Pakiramdam kasi niya ay nakapagsalita siya ng isang kasinungalingan dahil hindi man niya maamin sa sarili niya, pakiramdam niya ay may higit pa siyang nararamdaman kay Ed bukod sa paghanga. Pero ayaw niyang aminin iyon dahil alam niyang sa huli, masasaktan lang siya. Isama pa na sandali pa lang naman ang pinagsamahan nila. Tanging sa mga artikulo at showbiz news niya lang nasubaybayan ito. Doon nakilala nang husto. She couldn't love someone that far, could she? "And we all know that you aren't capable of loving,"
Sandaling natahimik ito. "Siguro nga. But I do care for you. I do care for our child, too. Poprotektahan ko kayong dalawa, Alyssa. I won't let anything harm you that would surely happen if you won't agree with me. Gusto mo bang mailagay sa eskandalo? Nabuntis ka ng isang lalaking hindi ka pinanagutan..."
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida