Chapter 04

14 0 0
                                    

--

Maaga akong nagising. Nag-cr muna ako, naligo at naglagay ng kung ano-ano sa mukha ko. Nag-highwaist pants ako at mustard crop top at rubber shoes. Bumaba na ako at nakita ko si Tita North na nagluluto ng agahan.


"Good morning, Tita North." Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa cheeks.


"Ops. Ha-ha. Good morning, Allison." Nagulat siya sa ginawa ko. Sanay naman akong ganito.


"Sorry I scared you." natatawang sambit ko.


"It's okay. Kain ka na. Aalis na kayo maya-maya ng Daddy mo. Susunod na lang kami don."


"Oh, okay. This looks delicious." Tinikman ko ang sunny side-up na may hotdogs na maliit na nakadikit sa gilid.


"Yes. I made it special just for you. Now, eat up." Kumuha siya ng plato at nilagyan ng fried rice at yung niluto niyang egg.


"Thank you, po." sabi ko sa kanya.


"You're welcome." Nakangiting sagot niya.


Pagkatapos kong kumain ay niyaya na ako ni Daddy para makapunta na kay Lola. Nagpaalam na ako kina Tita at sumakay na.


"Are you ready?" tanong ni Dad.


"Actually, I'm nervous. Pero masaya po ako dahil makikita ko si Lola."


Tumango na lang siya at pinaandar na ang sasakyan niya. Isang oras ang biyahe dahil malayo ang lugar namin sa mismong bayan. Kaya naman nakinig nalang ako ng kanta ng One Direction na plinay ko sa mismong sasakyan.


Now playing: Through the Dark


Kakamiss ang One Direction. Yung as one sila. Natatandaan ko non na kaming magpipinsan ,sa Barnum, ay tuwang-tuwa kapag napapakinggan namin ang mga kanta nila. Tuwing concert nila ay pumupunta kami. Pero nung nag-concert dito ang One Direction sa Pilipinas ay hindi kasama si Zayn. Yun pa naman ang bias ko. Hindi nila pinapunta si Zayn just because he's reported in using drugs? What kind of country is this? Dito nga ay madaming nagda-drugs tapos hindi naman nila hinuhuli. Toxic talaga dito! Iyon ang ayaw ko dito! I can't wear whatever I want cause judgemental people are everywhere. They judge you, not knowing the whole story. Tss.


Maya-maya lang ay nakarating na kami sa hospital. Bumaba na ako at sumunod kay Daddy. Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Daddy ang button na number 6. Kinabahan ako. Napatingin sakin si Daddy at binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti.


"You okay?" tanong niya.


"Yes." Tipid kong sagot.


Nang makababa na kami sa elevator ay agad naming hinanap ang room ni Lola. Pumasok kami sa room 657. Nadatnan namin dun si... Socks. Nandito siya! Nanlaki ang mata niya at ako naman ay nagtatakbo sa kaniya at niyakap siya.

Begin Again (COMPLETE)Where stories live. Discover now