Allison's POV
"Chase." Tawag ko kay Chase na nakaupo sa kahoy sa tambayan namin.
"Bakit?" tanong niya ng hindi ako tinitingnan.
"You know that my feelings for you are true." malungkot kong sinabi sa kanya nang nakatungo.
"If that's true, then why are you leaving me?" I heard his voice broke when he said that.
May namumuo ng luha sa mata ko. And I can't control it.
"I have to. This is for us." sabi ko. Tumulo na ang luha ko.
"For us? No. That's just for you. Pwede naman na tumanggi ka kila Tita at Tito diba? You could have said that! Pero pumayag ka agad!" galit nitong sabi.
"Because we're too young. At alam mo iyon. I'm really sorry Chase. But I've made up my mind. And if this is what it takes for you to focus on your business and studies, I'm sorry but I have to go. And you should find someone else too." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at saka umalis.
"Find someone else? That's your idea? Is that what you want?" Galit nitong sabi.
Natigilan ako sa paglalakad. "Yes, Chase. That's what I want for you."
"Okay then. But don't crawl back here in the Philippines looking for me, Allison. And if you do come back here, wala ka na talagang aasahan. Leave! Get out of my face!" sigaw nito at saka ako nagtatakbo.
Nabigla ako sa sinabi niya. Nasaktan. I don't know if he can do that, or maybe he would really do that. For 8 years I've known him, he was really true to his words. I'm really sorry Chase. Promise, babalikan kita. Pero may babalikan pa ba ako? Tuloy-tuloy ang pagluha ko at hindi ko na alam kung anong daan na ang dinadaanan ko.
Nakarating ako sa bahay ng hapon na. Namumugto na rin ang mga mata ko. Sinalubong ako ni Manang Gilly at niyakap ako.
"Hija! Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong niya.
"I said it, Manang. Nasaktan ko siya. And it badly hurts what he said to me. What if it's true? What if he find someone else? Hindi naman kami pero that thought breaks me into pieces. Ayokong may iba siya, Manang. Kahit na iyon ang sinabi ko sa kanya." sabi ko habang humahagulhol ako kay Manang.
"Okay lang yan, hija. Napaka-tapang mo at nasabi mo sa kanya. Totoong mahal mo nga ang batang iyon. At kung talagang mahal ka din niya, ay maghihintay siya sayo kahit gaano ka pa katagal bumalik." Manang said, sincerely.
Sana nga ay totoo ang sinasabi ni Manang. I hope you'll wait for me, Chase.
"Tara na, anak?" sabi ni Mommy.
Tumango na lang ako at sumunod sa kanila ni Daddy. Ngayon ang punta namin sa LA. May bahay na kami doon kaya hindi na kami magho-hotel pa. Sumakay na kami sa plane at nag-shades na lang ako. Pugto pa rin kase ang mata ko simula nung nangyari samin ni Chase. And that was two days ago. Simula nung araw na iyon ay hindi na kami nagkausap ni Chase.
There's a probability that I won't go back here in the Philippines. I have to train in LA. Magiging singer ako after training. Mom and Dad are my managers. Sabi nila, it takes 5-10 years ang training but I don't know about that. I'm only 15. They say I get to collab with different artists. I'm excited about that part.
Umaandar na ang plane. Kinakabahan naman ako at the same time, malungkot. I promise, Chase. I'll come back whatever happens.
![](https://img.wattpad.com/cover/187911991-288-k375465.jpg)