Chapter 08

9 0 0
                                    

--

Masakit ang ulo ko pagkagising. Tumingin agad ako sa wall clock at nakita kong 6:30 palang. Aah! Ang aga pa pala. Halos madaling-araw na ako nakatulog. Naalala ko agad ang mga nangyari kagabi. Sumakit ang puso ko nung naalala ko ang mga yon. I really have no chance in Chase. I guess it's okay. Alam ko namang hindi siya sasaya sakin so bakit pa natin pipilitin, right? As long as he's happy, I will be happy too.


Nagluto agad ako ng breakfast namin ni Brie. She's still sleeping. Magpapasama ako sa mall mamaya. We're gonna buy things for school. Pagkatapos kong magluto ay naligo muna ako. Nag-crop top akong yellow na turtle neck. Ang pagka-yellow nito ay mustard. Tas black high-waist pants at black rubber shoes na Nike. Brinaid ko ang mahaba kong buhok ng dalawahan. At kinuha ang mustard color na satchel bag ko from Gucci. Ginawa ko ang lahat para hindi mag-mukhang si Allison Ferrera. Ngayon, ako muna si Reign Gomez. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Gising na si Brie.


"Good morning, couz? Who are you right now? Where are you off to?" taka nitong tanong.


"We. And this is my disguise, as for now, I am Reign Gomez okay?" pagtatama ko. Kumunot ang noo niya. "Good morning, too." bati ko pabalik.


"Okay. Where are we going?" tanong niya habang kumakain ng niluto ko. "Ooh. This one's delicious." Puri niya sa niluto ko.


"Thanks. Sa mall lang naman. Mamimili na tayo para sa school. Excited na ako eh." Hindi na siya sumagot.


Maya-maya ay may tumawag sa phone ko. Si Camila! Hala, shiz. Nakalimutan ko siyang i-update. I'm so dead! Sinagot ko agad yon.


"What's up, Camila Cabello?" napakagat ako sa labing nag-aalala. I hope she's not mad at me. Napatingin sakin si Brie at nanlaki ang mga mata.


'Is that really Camila?' mahinang tanong niya. Tumango ako at umasta siya nang parangnagtititili pero wala namang boses. Lumapit siya sa amin para makinig sa usapan. Ni-loudspeaker ko nalang para mas lalo niyang marinig. She loves Camila so much.


"Hi, Allison! I'm sorry I didn't call you these days! I miss you so much! How's your grandma?" tanong niya. Nalungkot na naman ako.


"Camila. She, um, she died last week." malungkot kong sabi.


"Oh my. I'm sorry, Allison. Are you okay now?" tanong niya.


"It still hurts but I know grandma's in a safe place." saad ko.


"Aw, I'm sorry I wasn't there for you." malambing na sabi niya. Napangiti naman si Brie.


"It's okay, Camila. I know you're busy and hey, you're on tour. Don't worry about me too much, okay?" sabi ko naman.


"Just, much. Haha. Be safe there, okay?" paalala niya sakin.


"Thanks! Um, hey Camila. Do you still remember, Brie? My um, cousin?" tanong ko naman.

Begin Again (COMPLETE)Where stories live. Discover now