--
It's been three days since she left us. Fresh pa rin sa amin lahat ang nangyari. Dalawang araw na lang at ililibing na siya. I miss her so bad. Halos mugto lahat ang mga mata namin. Hindi pa kami nakakain ng ayos. Pati pagtulog nang mahimbing ay hindi namin magawa.
Lumapit sakin si Tita Love at inakbayan ako.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa po." sagot ko habang nakatungo.
"Come on, join me. Please?" Hinimas niya ang likod ko as comfort.
"Okay po." simpleng pag sang-ayon ko.
Nakita kong ngumiti siya at sumunod na lang ako sa kanya. Umupo ako sa table kung saan nandoon sina Tita North at Tito Manchester na kumakain. Tumabi ako kay Tita North na niyakap ako. Madami na ang tao ngayon at nasa private room kami. Ilang subo lang ang ginawa ko dahil sobrang pagod na ang katawan ko. I have no energy right now. Kahit pag ngiti ay di ko magawa.
Pagkatapos namin kumain ay lumapit ako sa mismong kabaong ni Mama Lola. Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Hi, Mama Lola. I know you're in a safe place right now. Makakasama nyo na po si Papa Lolo. And that would make you happy, right? I will miss you. I think, everyday. I'll pray for you always. Tutuparin ko po ang pangako ko. Thank you po dahil binigyan nyo po ako ng chance para makasama pa kayo ng kaonting oras. And- and I'm sorry I'm late. I'm sorry because I was busy that I forgot to visit you. Mahal na mahal ko po kayo, Mama Lola." Nagtuloy-tuloy na ang iyak ko. Masakit sa pakiramdam.
Dumating na ang libing ni Mama Lola. Sobrang daming tao ang dumating. At buti naman at walang medias. Kung meron man, ay susugudin ko sila. But that would ruin my reputation and my image so I'll just probably kill them on my mind. Pagkatapos ng libing ay nagsi-uwian na ang mga tao. Kaonting oras lang kami tumigil don at nagpaalam kay Mama Lola ay umuwi na din kami. Tahimik kaming lahat. Pati si Tito Manchester at Tita Love ay kasama namin sa pag-uwi.
Binigay ko kay Tito Manchester at Tita Love ang mga pasalubong ko sa kanila. Tinanggap nalang nila ito at nagpasalamat. Ako naman ay nagpunta sa kwarto ko. Gusto ko munang magpahinga. Hindi pa ulit ako nakakatulog ng ayos. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Niyakap ko na lamang ang mga unan na nakapaligid sakin at sumubsob doon hanggang makatulog ako.
"Allison. Allison!" tawag sakin ng isang babaeng pamilyar ang boses.
Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Tita Love. Kinusot ko ang mata ko at umupo sa kama.
"Yes, tita?" nakatinging sabi ko sa kanya.
"Have your breakfast na. Nung isang araw ka pa hindi kumakain ng ayos, diba?" Malambing niyang tanong.
"Opo pero I feel like I can't eat at the moment." Malungkot ko naman sabi.
