Chapter 06

14 0 0
                                    

--

"C-Chase." Halos mamutla at himatayin ako nang makita ko ang isang napaka-gwapong nilalang sa harap ko.

"Hi, Allison." Nakangiting sabi niya sakin. Wala man lang akong nakitang bakas ng pagkatuwa sa mukha niya. Parang pang-iinis lang.

"Um, hi. Ba-bakit ka n-nandito?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko inaasahang sa ganitong paraan uli kami magkikita.

"Did you forget about it, too?" takang tanong niya habang nakatingin sakin.

"H-huh?" nauutal kong tanong.

"I live here, too. Remember?" Nakangising sabi niya.

Doon lamang nagsink-in sakin na dito nga pala din siya nakatira.

"Oh, r-right. Nawala sa isip ko, sorry." Medyo nakahinga ako ng ayos dahil nakapag-salita ako ng hindi nauutal.

"Hindi ka pa ba papasok sa inyo?" tanong niya habang naka-kunot ang noo.

"Ha? Ah- ah, oo. Papasok na ako. Sige, bye." Hindi ko na siya tiningnan muli dahil pakiramdam ko ay babagsak ako. Nangangatal ang tuhod ko at pinagpapawisan ako.

Ang laki parin ng epekto niya sakin. All these years. Nakaramdam ako ng tuwa ng mapagtantong kinausap niya ako. Akala ko ay magagalit siya sakin at hindi ako kakausapin. Pero, narinig niya kaya yung usapan namin ni Daddy. Hindi niya pwedeng malamang na magdi-disguise ako pagpasok sa school.

Hindi ko na muna iyon inisip. I went straight to the kitchen where Brie is.

"Oh? Nakaalis na si Tito?" tanong niya sakin.

"Huh? Ah, yes." sagot ko. Hinihingal ako at medyo hindi makahinga.

Napansin iyon ni Brie at agad kumuha ng tubig at binigay sakin. Ininom ko naman iyon.

"Anong nangyari sayo? You looked like you just saw a ghost?" pag-aalala niya.

"I-I saw Chase." Alam naman nila ang tungkol kay Chase. Lalo na si Brie. Tiningnan ko siya na malawak ang ngiti. "What are you smiling at?"

"May gusto ka pa rin kay Chase? Grabe ha! You're so damn loyal. It's been five years simula nung umalis ka." Tiningnan ko lang siya. Napatungo ako.

Of course I am. Hindi ba't yon naman ang pangako ko sa sarili ko? That I'll come back for him. Always.

"Does he- does he have someone now?" Nahihiya kong tanong.

Napatawa siya ng malakas na ikina-kunot ng noo ko. "Al, ever since you left, two months ang pinaka-matagal niyang relationship. At nagpalit-palit na yan ng kung sino-sino. At, model nga pala yan. Nakarating na yan ng ilang beses sa ibang bansa. Lalo na sa LA. Hindi ba kayo nagkikita ron?" Tanong niya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. He went to LA. At di man lang niya ako hinanap.

"Really? No, hindi kami nagkikita. Maybe he lost his interest in me. I don't deserve him anyway. Iniwan ko siya noon. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito kaya naman sinabi kong maghanap siya ng iba." Pagpapaliwanag ko.

"Talaga? No wonder he's like that. Sa BSU din siya pumapasok. Pare-parehas tayo ng course." May part sakin na natuwa sa sinabi niya. "Oh siya, tara na. Kanina ka pa nga pala namin inaantay. Kakain na tayo." Hinila niya ako papunta sa dining room.

Actually, di naman ako sa mismong bahay na ito mag-iistay eh. May sarili kaming bahay two blocks away. Which is, malapit kina Chase. Lilipat ako don at baka isama ko si Brie. Kasi medyo malapit din sa BSU. Mag-thi-third year college naman kami ni Brie maya sobrang excited na kami. Tutulungan din nya daw ako sa pagdidisguise.

Begin Again (COMPLETE)Where stories live. Discover now