Love really is something. Ang daming discriptions. Most people say, "Love is Blind." Some would say, "Love is powerful." Totoo nga naman. Pinakamakapangyarihang bagay na alam ko.
Ang hirap balewalain. Mahirap rin kalabanin.
Pero ako, If I'll describe what Love is, para sakin, "Love is complicated." Napaka COMPLICATED!
Ako nga pala si Arthur. My friends call me Art. A guy who loves music. Mahilig magluto kase mahilig ding kumain. Gwapo (gwapo daw ako sabi ng mga fans ko eh), Matangkad, tisoy, mabango, marunong maglaba, magligpit ng kalat, maghugas ng pinggan, mabait sa magulang, medyo matalino, at higit sa lahat, Marunong magmahal.
Naranasan ko nang magmahal noon. Nagkagirlfriend. Di naman karamihan pero mga lima. Hahaha. Pero di flings yan ah? mabait ako. Di ako playboy. tumagal din yang mga yan. Yung pinakamatagal kong naging girlfriend, umabot ng 2 years. Pasensya yan lang nakayanan ng powers ko eh. Pero yang si 2 years na yan, si 1st love yan. Seryoso ako dun pero, she left me. Ewan anong nakain nun bat nang-iwan bigla sa ere. Pero, Di para sakanila tong kwento.
I met a girl whose name is Momo. Maganda pero may pagka-boyish. Tisay, mahaba buhok, medyo matangkad, mataray. Palagi nalang akong sinusungitan. Nasa babae na talaga yata yang pagiging mataray eh. Gusto palaging sinusuyo.
Pero, our story is not that simple you know? Ang hirap. Di ko maintindihan masyado. I love her but she always refuses my love. Di ko din alam kung gusto ba talaga nya ako. Pero actions speak louder than words di ba? Haaaayss .. mga babae talaga ang hirap intindihin minsan.
Pero mahal ko eh. Ipaglalaban ko to. Kahit ga'no pa kakomplikado basta ba, mahalin nya rin ako. Kahit di ako sigurado sa magiging resulta nito. Haaaaays!!
BINABASA MO ANG
Complicated It Is
RomanceHow to love normally when everything seems to be complicated? Highest rank #48 - complicated