Chapter 19

0 0 0
                                    


Nakiusap si kumare mong magandang medyo may kakapalan ang mukha na wag ko daw sabihin kay Art na magkikita kami. At sa tingin niya talagang sasabihin ko. Baka pagsinabihan ko yun, walang meet up na magaganap.

We decided to meet at a coffee shop instead. I arrived 10 minutes earlier sa napag-usapan naming 3PM in the afternoon. Siya na nag aya, siya pa itong late. Ang galing din naman. Well anyways, di tayo papaapekto. I ordered my all time favorite cookies and cream frappe then when my order finally served, dumating din yung feeling VIP.

"Sorry about getting late. May dinaanan lang." Okay. I just nod my head while sipping my frappe. Mas importante frappe ko so, okay. Buti dumating pa siya. "So, alam mo naman siguro kung anong pag-uusapan natin." Ginawa pa talaga akong manghuhula ng ate niyo.

"Actually, Oo. About Art right? So, ano nga? Babawiin mo? Ano? Manika lang na naiwan mo't napulot ko tapos babawiin mo kung kelan mo gusto? Hanep ka din eh noh." Pigilan niyo 'ko guys. Sasabunutan ko talaga 'to! Okay inom muna ng frappe. Chill Momo. Chill...

"I know that I'm the past and you're the present. But, do you really think that Art and me is really over? Like, have you ever wondered how Art and I was before? If tou only knew. Head over heels si Art saken before."

"BEFORE. Dati, Noon, B-E-F-O-R-E. Sa'yo na nga mismo galing na before yun. Oh, eh ano naman ngayon? What's your point ba? Are you trying to persuade me or something? 'Coz I'm not buying it." 'Bat ko ba pinatulan 'to? Dapat talaga hindi na ako nakipagkita dito eh.

"No. Well, wait. I wanna ask you something. Do you even know that Arturo is so rich? His family is an owner of some well-known company here in the Philippines. They even have different companies outside the countries too. Does Art tell you about it? I bet not."

Oh my God. I just remembered. Hindi nga pala talaga ako nagbackground check kay Art! All I know is that, nagbabanda siya, normal na namumuhay same as me, yung hindi gaya nung nababasa ko dati sa pocketbook o wattpad na nakakapagjowa ng mayayamang lalaki, Damn! Why didn't I ever think about that! Ang tanga ko! "I-I'm so-sorry pero may pupuntahan pa pala ako. I've got to go." At lumabas ako ng coffee shop na lutang. Bakit self? Sa lahat-lahat ng pwedeng kalimutan, bakit ang pagbabackground check pa talaga ang nakalimutan mo? Akala ko ba, gagawin mong lahat, maiwas mo lang ang sarili mo sa mga bagay na posibleng ikakasama na naman ng loob mo? Sa mga taong maaaring humusga sayo dahil sa katayuan mo? Aisssh! Nakakaasar!

Umuwi ako at dederetso na sana sa kwarto ng may tumayo galing sa pagkakaupo sa sofa. Nagulat ako dahil si Art pala yun. Pinipigilan ko ang sarili kong wag muna siyang kausapin pero, "Sa'n ka galing, Momo? Bree just called me and said, magkasama kayo earlier. Bakit di mo sinabi saken? Anong pinag-usapan niyo?"

"Ahhh.. ang bilis namang magreport sayo ng ex mo. Reporter ba siya?" Wala talaga ako sa mood. Tatalikuran ko na sana si Art ng magsalita siya ulit. "What did you guys talked about? Ano ba Momo? Mag usap tayo ng maayos! Akala ko ba No Secrets?!" Ah Okay. So binanatan mo'ko niyang No Secrets na yan ha. Teka...

"Ayy! No secrets ba Art?! Sayo talaga nanggaling?! Oh Sige! May hindi ka ba nasabi sakin? O nakalimutan mo man lang sabihin sakin Art?! No Secrets diba?! Paliwanag mo nga sakin Art kung bakit may isang bagay kang hindi sinabi sakin?!"

"Momo, what are you talking about?!" Maang-maangan at it's finest! Namaaaan! Gigil mo si ako Art!

"Di ka ba talaga aamin Art?! Bakit di mo sakin sinabing mayaman ka pala?! Anak ng isa sa mga multi-millionaire sa Pilipinas o baka nga billionaryo eh! Bakit Art? Bakit mo tinago sakin? Takot ka bang baka pera lang ang habol ko sa'yo? Ganun ba yun Art?"

"Momo, hindi! Wag ka namang mag-isip ng ganyan oh. Kaya ko lang naman tinago sa'yo kase kahit ako mismo, ayoko sa mundong yun. Mas gugustuhin ko pang mamuhay ng normal kesa maging mayamang puro pera nalang ang nasa isip. Gusto kong maging masaya kaya ko mas piniling umalis sa mundong kinalakhan ko. Sorry kung di ko man sinabi sa'yo agad. Ayoko lang na kapag nalaman mo kung saan talaga ako nanggaling, baka di mo pa ako sagutin dati. Hirap mo na ngang ligawan, lalo pa't nalaman mo kung anong pinanggalingan kong angkan." Nakapout pa talaga para convincing.

"Alam mo Art, sana man lang sinabi mo bago tayo nag 1 year. Langya ka. Nagulat ako dun eh. Nafeel ko tuloy, ang dami dami ko pa palang hindi alam tungkol sa'yo. Feeling ko, napahiya ako kanina kase, mas kilala ka pa ng ex mo at sa kanya pa talaga nanggaling yung mga bagay na dapat kong malaman tungkol sa'yo. Nagkainsecurities ako bigla." Totoo naman. Ang pangit pala sa feeling kapag yung ex ng jowa mo nagbibigay impormasyon sayo tungkol sa jowa mo.

"Ano kaba! Sige. Dahan-dahan kong ipapakilala sa'yo ang Arturo na dapat mong malaman ng hindi kana nabibigla sa mga nalalaman mo." Sabay hug. Pampalubag-loob ata. haha

So, ayun. Nagkwentuhan kami, sharing of memories, buhay simula nung pagkabata, almost lahat ng mga bagay na dapat kong malaman, nalalaman ko na nang unti-unti. Natutuwa ako kase, hindi niya talaga hinahayaang dalhin ko yung bigat sa dibdib ko hanggang kinabukasan. Hangga't kaya niyang ibsan ngayon pa lang, ginagawan na niya ng paraan. Kaya minahal kita agad eh!

Pero, bakit nga ba niya mas ginustong takasan yung yaman nila, at piniling mamuhay ng simple?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon