Chapter 4

0 0 0
                                    

From 1st meeting na nasundan pa ng nasundan. Ilang beses na kami nagkikita. Kadalasan, kapag may gig kami tapos restday nya. Minsan din pag may oras, bago duty nya, nagkikita kami. Call center agent si Momo. Minsan nga, naghohome based work pa yan. English tutorial. Kapag graveyard shift sya sa work, sabay muna kaming nagdidinner tapos hinahatid ko na sa work place nya.

Sa mga curious jan, kahit di naman kayo nagtatanong, di ko pa pinakikilala si Momo sa tatlong kumag. After nung 1st meet namin, pagkatawag saken ni Kuya Bong for our next set, umuwi na sya. Inaantok na after nakainom ng 3 bottles of san mig. Hahatid ko sana kaso nagalit. Wag na daw baka ma issue pa kami pag nakita kami ng mga fans. Iba din.

Nagkikita kami minsan pag gusto nyang mamasyal, may bibilhin, gusto kumain ng ganito ganyan, para na nga akong jowang sunod-sunuran sa girlfriend eh. Pero sad to say,

Walang kami. Period.

Natotorpe ata ako eh. I liked her since the 1st day we met. Sino ba namang hindi magkakagusto sa babaeng to. Di ko sya ideal type pero, may something sa kanya eh. Something special that can make my heart go hmmm ... (commercial ng kape. Haha.)

Ano ba dapat kong gawin para mapanatag yung kalooban ko. Gustong-gusto ko ng umamin eh. Ang kaso, takot ako sa magiging sagot nya. Buti pa mag antay nalang ng konti baka sakaling may progress.

"Huy Arturo! Pagod kana ba?"

6:40am. Kasama ko si Momo ng ganito kaaga kase, nagjojogging kami. Mqy jogging-jogging pang nalalaman tong babaeng to eh ang payat na nga tpos puyat pa palagi dahil sa trabaho.

"Alam mo Momo, wag kana mag exercise. Payat payat mo na. Sexy ka naman na eh. Puyat ka pa palagi. Baka mapano kana nyan."

"Uyyyyy! Yung Arturo ko concern! Inlove kana nyan? Hahaha!" Sabay takbo nya. Di man lang ako pinasagot pagkatapos nung sinabi nya. Natigilan ako dun ah.

Arturo ko ...

Naknang! bumilis tibok ng puso ko dahil sa sinabi nyang yun. Kinikilig ba ako? Nakakabakla ano ba yan!

Ano kaya kung aamin na ako mamaya? Ano kaya kung ligawan ko na? Total, parang MU na kami ni Momo eh. May mutual understanding na yatang naMOMOo. yiiie!

"Huy Arturo! Uso move on! Dali na! Bagal bagal kalalaki mong tao! bilis!"

Kung di ko lang talaga mahal to - wait. Mahal?! Mahal ko na ba talaga si Momo? Oo alam ko. Di ko pa sya masyadong kilala pero kase, I feel comf'table when I'm with her. Masaya akong kasama sya. Parang ayokong may kaagaw sa oras nya. Gusto ko, sakin lang sya. Gusto kong-

"Yes baby. Oo. See yah later love you! mwuah!"

Baby? See yah later?

Putcha! Sino yon?! Bat baby? Anla?! May boyfriend na sya?? pero bakit?? Paano?? Halos palagi na kaming magkasama ah pero may boyfriend na pala sya?? Bat di na sinabi?? Bat gan'to? Bat parang sumasakit dibdib ko?? Bat parang -

"Huy Arturo! problema mo? dali na nga. Uwi na ako. Maliligo muna ako tapos, mamaya ah! sabi mo sasamahan mokong mamili ah? promise mo yun! Text yah later Arturo ko!"

Ano ba Momo! Paasa ka ba? Pinapaasa mo lang ba ako? False Hopes ba to? Okay ba tayo? Bat parang anlabo? Parang nagpapakita ka ng motibo pero parang ayaw mo?

Haaaaayssssh! Kaasar!

Baka mamaya na yung chance para masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko.

Sana magwork ..
Laban! Para sa kinabukasan!

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon