Chapter 10

6 0 0
                                    

Tahimik kaming lahat na kumakain ngayong ng agahan. Himalang walang nagsasalita ngayon. Tameme yung mga madadaldal na itago nalang natin sa pangalang Jepjep at David. Sabagay sino nga namang gugustuhing magsalita matapos ang nangyari kanina.

flashback*

Nagulat ang mga kaibigan ko ng makita si Momo na umiinom ng tubig sa kusina. Nakapikit itong naglakad pabalik sa kwarto. Pagkapasok niya sa kwarto, biglang nabaling ang atensyon ng mga kaibigan ko sakin. Kitang-kita sa mga mata nila ang mga katanungang nasa isip nila. Magsasalita na sana ako ng biglang...

"Aaaaaaaaaah!!!!!!! Arturooooooooooo!!!!! Aaaaaaaaaaah!!!!!"

Dali-dali akong pumunta sa kwarto.
"Bakit? Anong nangyari? Bat ka ba sumisigaw??"

"Tinatanong moko kung bakit ako sumisigaw?! Ha?! Ano to?! Bakit suot ko damit mo?! Bat wala akong pang-ibabang suot?! Ha?! Ano?! Magsalita ka! Ano ha?! Ginahasa mo ba ako?! Sinamantala mo ba ang pagkakataong lasing ako?!" Hinahampas niya ako habanang walang preno sa kakatanong. Ako na nga nagmalasakit, ako pa napasama. Ayoko na nga maging mabait. haaaysss..

"Teka nga! Ano ba yang pinagsasabi mo?!" Hinawakan ko yung kamay niyang kanina pa pinaghahahampas sakin. "Para matigil ka jan sa kakatanong mo, binihisan po kita kagabi. Kase po, Dumuwal ka lang naman sa sofa. Nadumihan yung damit mo, yu g sofa puno ng gross na bagay kaya dito na kita pinahiga ang binihisan sa kwarto. hinubad ko yung pantalon mo kase nga, nadumihan kaya nilabhan ko para naman may masuot ka kung sakaling ayaw mong umuwi ng ganyan suot mo." Sabay turo ko sa suot niya ngayon.

"Di mo ba ako ginalaw? Baka nirape moko ng di ko nalalaman ah! Baka, na gangrape ako! Ano?! Pinagtulungan nyo ba ako ha?! Magsalita ka!" Aba?! Judgemental to ah?

"Ano bang pinagsasabi mo? bat ko naman gagawin yun?! At isa pa Momo, nirerespeto kita kaya pwede? Wag madumi utak mo! Di nga kita ginalaw! Ang judgemental mo!" Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos ng bangayan naming yun. Baka kase ano na naman sabihin nun. Hahayaan ko nalang. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko yung tatlo kong kaibigan. Narinig pala nila yung usapan namin ni Momo.

"Sino yun tol? Girlfriend mo? kala ko ba single ka?" David.
"Parang nasaktan sa nakita David ah? Pero, Oo nga tol. Sino ba yun? Naks ah. Bangayan agad sa umaga. Thats good bro! Tatagal relasyon niyo nyan! Hahahaha!" Eto pa isang judgemental! Utak talaga netong Jepjep na to!

end of flashback*

Kala ko mamaya pa lalabas si Momo pero parang nagutom na ata kaya lumabas. Haha. Nilapitan ko kase parang nahihiya sa mga kasama ko eh. Nakasuot na sya ng boxers ko ngayon. Kita mo to. Aarte pa eh. Gusto lang pala pati boxers ko suotin niya. haaay nakuuu.

Pinaglagyan ko ng pagkain sa pinggan niya. Nakayuko lang siya. Hiyang-hiya ata sa nasabi kanina kaya ayaw umimik...

"Sorry."

"Shhhh.. Its okay. kain kana." Nginitian ko siya. Nagulat lang talaga siguro siya kaya niya yun nasabi. Pero ang totoo, nasaktan ako ng konti sa sinabi niya kanina. Pinagbintangan ka ba naman ng mahal mo na rapist ka?! Sakin nun ah!

Pero, napaisip ako eh. Bat ganun nalang ang reaksyon niya? May nararamdaman akong hindi tama eh.

Ano ba kaseng nangyari sayo noon Momo?

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon