Chapter 15

0 0 0
                                    

MOMO'S POV

Dumating na sila Papa galing province. Gusto ko sanang dito nalang sila manirahan kasama namin eh kaso ayaw ni Papa. Masyadong toxic daw dito sya syudad. Buti pa daw sa probinsya fresh which is totoo naman.

"Oh? kailan naba ang kasalan? Malaki na din naman itong apo ko. Bat hindi pa kayo magpakasal at bigyan na nang kapatid itong si Blue?" Naku Papa. Kung alam mo lang talaga.

Walang sumagot kahit kanino samin. I look at my son after hearing those things. Di ko mabasa kung anong nasa isipan ng anak ko. Then, he suddenly smiled at me.

"Lolo, its fine. let Mama decide for everything." Nabigla ako sa nadinig ko galing sa anak ko. Blue is a just 6 years old kid! He's too young for this. I don't want my son to suffer. I did everything to win this family pero, daig talaga ng malalandi ang magaganda.

Magfa 5 Years old palang si Blue nung nagkaroon kami ng matinding away ni Paul. Oo ang tanga ko. Ang tanga ko kase nagpaloko ako. Alam ko na ngang ginagago ako, I still let myself stay and suffer in this set up. Kim and Paul became a couple 1 year old palang si Blue. I cried and beg for Paul na wag niya kaming iwan. Na wag niyang hayaang lumaking walang ama ang anak namin. Sa loob ng limang taon, nagpakamartyr ako para sa anak ko. Di ko na iniisip yung sakit na nararamdaman ko as long as may kinikilalang ama ang anak ko. Yung feeling na mas gusto ko pang isipin ng anak ko na kompleto pa din yung pamilya niya kahit na ginagago na kami ng ama niya.

Then, a year ago, He ended up everything. Mas pinili niya si Kim. Napagod nadin yata ako kaya nagpaubaya na din ako. Binigay ko na yung gusto niyang kalayaan. But I was amazed by myself kase di ako nasaktan nung nilet go ko na siya. I feel relieved. Then, things went well as long as nagpapakatatay pa din siya sa anak niya. Pero kami, still not in good terms. Di ko alam kung bakit palaging galit sakin tong mga traydor na to.

Maggagabi na nung napagdesisyunan nila Papa na umuwi na. I suggested them na dito nalang magpalipas ng gabi pero, baka hindi daw sila makatulog ng maayos. Namamahay kasi sila.

"So, since umalis na yung parents mo, aalis na din ako. Kim needs me. Baka ano na namang iisipin nun kung magkasama na naman tayo."

"As far as I remembered, wala din naman akong sinabi na dito ka matulog. Alis na kung aalis ka. Magpaalam kana sa anak mo wag kung anong nonsense pinagsasabi mo jan." As if naman gusto ko din siyang makasama sa iisang bahay. kapal din.

"Blue? Papa will go na. Be a goodboy ha? Iloveyou son." Naks. May pa iloveyou sa anak. Napakababaw na pagmamahal.

"Okay." Tanging naging sagot ni Blue sa Papa niya. Nagulat si Paul sa sagot ng anak pero umalis din.

"Nak? Are you okay? You can tell Mama about how you feel. Wag mong kimkimin okay?"

"Yes Mama I'm fine. How about you Mama? Are you okay?"

Di ko alam kung anong isasagot ko sa anak ko. Saksi si Blue sa mga pasakit na ginawa ng Papa niya sakin. Nakikita niya akong umiiyak noon. Pero kailangan kog magpakatatag para sa anak ko.

"Ofcourse anak. I'm fine."

Bigla akong niyakap ng anak ko. I feel at ease with his warm hug while saying,

"I'm hoping you'll be happy Mama. I don't want to see you cry again. I hope you'll met someone who can make you happy. Thats my dream po."

Awwwww ..
I'm touched with what my son were saying. At a very young age, he's open with everything. tinanggap niya lahat ng nangyayari sa buhay namin. I'm so blessed having Blue in my life.

beep...

Arturooo
"Hi babe! Busy kaba? Di mo kase ako tinitext eh. Di mo ba ako namimiss? 😓

Ang drama niya!

"Kakauwi lang kase nila papa. Sorry. Di na ako busy. 😊"

Arturooo
"Eh yung ex mo? Jan pa ba? jan ba matutulog?"

"No. Umalis na din siya."

Arturooo
"Can I come?"

Ahhhhmmm..

"Ma? whose that? Is that your boyfriend? Can I meet him?"

Nagulat ako sa tanong ng anak ko habang nakangiti. Di ko alam kung natutuwa ba siya o ano.

Is it the right time for them to meet?

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon