Chapter 5

2 0 0
                                    

Nasa mall na ako nag-aantay kay Momo. 30 mins. na akong nag-aantay Diyos ko ang bagal! Usapan 5pm eh 5:30 na wala paring Momo na dumating. Hays.

"Arturo! Sorry late ako. May nangyari kase. Pasensya." Dumating din sa wakas.

"Ayos lang. Oh tara na." Kinakabahan na ako sa gagawin kong pag amin mamaya. Ano kaya magiging reaksyon niya? Does she like me too? Tatanggapin niya kaya? Sasagutin niya kaya ako kung sakaling ligawan ko siya? God! I'm so nervous right now! Give me strength po. Huhu.

After looking,picking,fitting and paying, FINALLY! Tapos na siya sa pagshoshopping niya! Sa isang pants, 2 shirts, 1 denim skirt at 1 jacket, inabot kami ng tatlong oras.  Talaga ba girls? Sa tatlong oras di ba kayo napapagod kakalibot at kakahanap nang damit na bibilhin? Tindi niyo!

"Kain tayo Arturo. Gutom na ako. San mo gusto?"

"Kahit saan Momo basta kasama kita."

"Naks! Bumanat! Kala mo naman expert. sus. Tara na nga! Pafall ka masyado."

Kunwari pa eh. Kinikilig naman. Halata masyado. Hahaha at ako pa talaga ang pafall. Sige Momo push mo yan.

Kumain kami sa korean restaurant. Gusto niya daw kase kumain ng samgyupsal. Nako.  Feeling korean. Tawag pa ng tawag sakin ng "Oppa! saranghae!" Ano yun? Di ko magets eh. Di kase ako mahilig sa korean-korean. Ano ba yun?

Pagkatapos kumain, tambay muna kami sa parang mini park ng mall. Napagod daw siya kakalakad pero di napagod kakashopping. Aba matindi.

Ahmmm .. Magtatapat naba ako?

"Ahhh Momo? Ano kase. May ... sasabihin sana ako."

"Ano yun Arturo? Magtatapat kaba sakin ng feelings mo?"

Putcha! Pano niya nalaman? Halata ba? Pero teka. Total, alam naman na niya, sasabihin ko na din.

"Panu mo nalaman? Pero, Oo. Magtatapat sana ako naunahan mo pa."

"Alam mo Arturo, wag mo ng ituloy. Masyadong Komplikado kung itutuloy mo."

Anong komplikado? Bakit?

"Bat naman magiging komplikado? Single ka, single din ako. San banda yung komplikado dun?"

"Kapag ba, sasabihin ko yung totoo, Lalayuan moko Arturo?"

Lalayuan ..
Bakit? Ano ba kase yung totoo Momo?

"A-anong totoo pinagsasabi mo Momo?"

"Total nagkaaminan na, Aamin na din ako ng totoo."

Kinakabahan ako sayo Momo! Ano ba gusto mong sabihin sakin? Bat naman kita lalayuan kung sakali?

"May anak na ako Arturo."

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon