"Ehem. Mukhang kailangan na nating umalis guys. Let's go. Salamat sa pakain mo Art una na kami." Biglang sabi ni kuya Bong. May pa bulong-bulong pang, "ayusin nyo yang relasyon nyo. Mag-usap kayo." Tsss .."Sige mauna na kami. Bye Art! Bye Miss beautiful!" Kaway-kaway pa tong Jepjep na to. FC talaga kahit kelan!
Nang makaalis na yung mga kumag, wala paring nagsasalita saming dalawa. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Baka magalit na naman to pag nagsalita ako.
"Sorry. Nagulat lang talaga ako kaya akala ko, a-ano. Sorry talaga Art." Nakayuko niyang sabi.
"Ayos lang. Nagulat lang din ako kaya nasagot kita. Nasaktan din ng konti pero ayos lang. Naiintindihan ko."
"Parati mo nalang sinasabing naiintindihan mo ko kahit di naman. Pero hayaan mo. Para naman maintindihan mo talaga, may revelation ka pang malalaman."
"Bakit parang gusto mong malaman ko buong pagkatao mo?"
"Bakit? ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun. Actually, interesado akong makilala ka pa ng lubusan. Sige. Mag-uusap tayo."
Pagkatapos naming kumain, naupo kami sa sofa. Tapatan na talaga to.
"I have this worst nightmare since I was a kid. May parating bumabalik sa alaala ko na di ako sure kung talagang nangyari. Bata pa kase ako nun eh. Grade 2 palang ata. Noon kase, may kapitbahay kaming batang babae na naging kalaro ko. Matagal din kaming naging magkaibigan non. One day, dumating yung uncle niya na kapatid ng papa niya. Nasa bahay nila kami nun naglalaro. Lasing yung uncle niya. Tapos..."
Bat siya tumigil? Teka. Nanginginig si Momo. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Are you okay? Kung ayaw mong magcontinue, then don't. Wag mo pilitin sarili mo."
"It's okay. Matagal ko na ring gustong maishare tong dark past ko sa ibang tao but sad to say, I never trusted anyone about this until I met you. Sorry Art but frankly speaking, I feel at ease when I'm with you. Gusto kong malaman mo buong pagkatao ko. I don't really know why pero, I trusted you with everything kahit na, i.judge mo man ako sa mga malalaman mo tungkol sakin. Ayokong maglihim sayo. Sorry for not asking your permission. Its just that, I wanted to be close to you Art."
Naks. Natouched ako dun. She loves it when i'm on her side. She wanted to get closer to me. Ako din. The feeling is mutual Momo.
"No need for you to ask Momo. I felt the same. I want to get closer to you too. So please. Allow me to know your world. I'd love to be part of your universe."
"Naks Arturo ah. Favorite song ko yan. Kantahan moko niyan next time ah? Pero magcocontinue muna ako sa story ko. So ayun na nga. Dumating yung uncle niya na lasing. Inutusan niya yung friend ko na kuhanan siya ng tubig." Bigla siyang tumigil. Natatakot siya at parang naiiyak na. "Tapos ako, a-ano di-dinala niya a-ako sa k-kwa-kwarto. Bigla niya akong hi-hinalikan tapos, hinubaran ng s-s-salawal. Tapos Damit pang ita-itaas. Iyak ako ng iyak nun. Sumisigaw ako ng tulong. Takot na takot ako nun Art. Takot na tak-"
Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. I grab her to hug her. I can feel that she's still stuck with her worst past. Iyak lang siya ng iyak. Putcha! Nagagalit ako! Tarantado yung gagong yun!
"Shhh.. I'm here. Don't be scared. Sino pa nakakaalam nito?"
"Ikaw palang sinabihan ko nito na nakinig sakin ng mabuti."
"Bakit? Sino pang sinabihan mo bukod saken?"
"Yung ex partner ko. Kwinento ko sa kanya to pero, tinawanan niya lang ako. Di naman daw kase totoo kase nightmare nga lang. Pero, ramdam kong totoong nangyari eh. Ramdam ko."
Gagong yun! Mangloloko na nga, tarantado pa! Haaays!!
"How about your family? Alam ba nila yan?"
"No."
Momo naman!!!
BINABASA MO ANG
Complicated It Is
RomanceHow to love normally when everything seems to be complicated? Highest rank #48 - complicated