"May anak na ako Arturo."
Di agad nagsink in sa utang ko yung sinabi niya. Natulala ako.
May anak na siya?
Teka. Asan na siya? Bat nawala bigla??
Di ko namalayan sa kakaisip ko ng sinabi niya, iniwan pala ako ni Momo sa kinauupuan namin kanina. Di niya ako tinitext o chinachat. Nagtatampo kaya yun? Nagulat lang naman ako eh.
Baka layuan moko kapag nalaman mo ang totoo.
Naku naman! Dahil lang sa may anak kana, lalayuan na kita? Pero may anak na siya. Sinong ama ng bata? Sila pa kaya? Single ba talaga si Momo? Naguguluhan ako! Gusto ko siyang komprontahin pero di ko alam kung pa'no. Aantayin ko nalang na kusa niyang sabihin sakin lahat ng katotohanan sa kanya.
Days, Weeks, Months have passed.
Walang Momo na nagparamdam! So ano? Nang-iiwan din siya sa ere gaya nung 1st love ko? Anlabo naman! haaaysss ...
"Huy Arthur! prepare kana jan! Ano na naman problema mo? Wala ka namang lovelife!" Kala mo naman masaya ang lovelife kung makapagsalita tong David na to!
"Ano ba kase pinobrolema mo jan tol? nakabuntis ka ba? Sino? Kanino? Saan? Kelan? Bat di namin yan alam?" Nakuuu Jep utak mo!
"Wala akong nabuntis! Ikaw nga jan buntis yung girlfriend eh! Mukha mo!"
"Eh, ano ba kase? minsan nahuhuli ka naming lutang eh. Nagdadrugs kaba tol? nakuuuu! Manganganak pa girlfriend ko tol. lumayo-layo kana samin ah! Baka biglang tokhang dito, bahala kayo jan!"
"Alam mo jep-jep, ang taba talaga ng utak mo eh noh? bahala na nga kayo jan!"
After ng gig namin, umuwi na ako. Nabobother talaga utak ko eh. Di ako mapakali. Yung feeling na may gusto akong gawin pero di ko naman alam kung ano. haaaaysss ...
Kumusta na kaya si Momo?
Namimiss ko na siya ...
Ano ba dapat kong gawin? Di naman ako galit after nung sinabi niya sakin na may anak siya eh. Nabigla lang talaga ako. Kase naman, di ko inaasahan yun.
*beep
*1 notification.
*Momo just posted a photo."Having quality time with my son! xoxo 💕"
Ngayon ko lang napansin. Dummy account pala ni Momo tong facebook na ginagamit niya na friend ko. Kaya di ko alam na may anak na siya. 1st time niyang magpost ng picture kasama anak niya. Masaya siya. Masaya sila.
Sino kaya kumuha ng picture? Siguro yung tatay ng bata.
Siguro, kailangan ko ng magmove on...
Mukhang masaya na din naman siya eh.
*beep!
*1 message received."Kailangan nating mag-usap."
-Momo.
Shet!

BINABASA MO ANG
Complicated It Is
Roman d'amourHow to love normally when everything seems to be complicated? Highest rank #48 - complicated