Chapter 7

3 0 0
                                    

Inaantay ko si Momo dumating dito sa apartment ko. Tinanong ko siya kanina kung saan niya gusto makipag-usap sakin. Gusto niya dito nalang sa apartment para my privacy at para di daw siya mailang kung may makakakita saming nag-uusap.

Ano ba kaseng pag-uusapan namin?

after 30 mins

"Arturo! Andito na ako!"

Shet! Dumating na siya! Kinakabahan ako habang nakahawak sa doorknob. Pagkabukas ko ng pinto, di ko alam kung anong emosyon ang makikita sa mukha niya. Para siyang matamlay, ang lalim ng iniisip. Di ko matantya kung anong nasa isipan niya sa mga oras na to. At ang daming dalang beer. May balak ba tong lasingin ako? Naku naku naku. Pag may alak, may balak diba? Hmmm...

"Tuloy ka Momo.Upo ka."

Pagkaupo niya, di agad siya nagsalita. Tatayo na sana ako para kumuha ng bowl para sa chips na dala niya ng bigla niya akong hawakan sa kamay ...

"Sandali. Dito ka lang." Sabi niya.

"Parang tanga to. kukuha lang ng bowl eh lalagyan ng chips mo." Binitawan niya naman ako agad. Parang nahihiya pa.

Pagkabalik ko galing kusina, nanunuod na siya ng tv. Tawa pa siya ng tawa kakanuod ng GGV. Nung napansin niya yung presensya ko, natahimik siya. Umusod para makaupo ako.

"Ano ba gusto mong pag-usapan natin? Tungkol saan ba?" Di na ako magpapaligoy-ligoy pa.

"I was just thinking, I owe you an explanation. It keeps on bothering me. Di ako mapakali everytime masasagi sa isip ko yung huling pagkikita natin. It felt like, I mean, I feel bad about it. Naglilihim ako sa isang tao. Sa isang ... Kaibigan."

Kaibigan...

Shet!

"Alam mo, okay lang naman eh. Nabigla lang naman talaga ako. Di ko inaasahan. Kung kelan ako magtatapat sayo, dun mo din pinagtapat yung lihim mo. Tanggap ko naman yun Momo eh. May isang tanong lang ako. Kayo paba nang tatay nung anak mo?"

Di siya agad nakasagot. Kinakabahan ako. Parang mawawasak ako. Ang sakit sa puso. Nasasaktan ako. Ano ba Momo! Bat ang tagal mong suma-

"No. Hindi na matagal na. 1 year mahigit na kaming hiwalay."

Di ko alam kung matutuwa ako o ano. Pero shet! inaamin ko naging masaya ako sa sagot niya. May chance na yata ako.

"Pero Art, masyadong komplikado yung estado ng buhay ko ngayon. Believe or not, gugustuhin mo nalang kumausap ng iba after mo marinig tong kwento ko. Ano? Gusto mo bang malaman? Handa kaba sa malalaman mo?"

Pathrill! kainis!

"Inaamin ko. Gaya nung unang pagtatapat mo, hindi ako handa. Pero willing akong makinig. So please. wag kanang pathrill jan. Sinimulan mo na eh. I'm sure I can't sleep hanggat di ko maririnig yang kwento mo. Curiousity might attack me! Di ako patutulugin for sure."

Uminom muna kami ng isang can bago siya nagsimulang magkwento.

"We broke up a year ago. The reason was too common. 3rd party. Nagloko siya. I was giving him my all but he still choose to cheat. Di man lang niya inisip yung anak niya. Napakaselfish niyang tao."

Tarantado! May anak na pero nakuha pang magcheat?! Anong klaseng lalaki ba to?!

"Eventhough we broke up, we're still living in the same house."

"WHAT?! Momo naman! bakit?? Di mo ba kayang iwan kaya nakatira parin kayo saciisang bobong? Come on Momo! Think! Pairalin mo isip mo! Wag puro puso!"

I feel so disappointed! Bat niya hinahayaan ang sarili niyang lokohin siya ng ibang tao?!

"I know. I can leave him anytime. I can always choose to leave him. But the thing is ..."

Ano Momo?! Ano bang problema talaga?

"Hindi alam ng Papa ko na hiwalay na kami."

"What?! Bakit?? Bat di mo sabihin sa parents mo yang katarantaduhan niyang asawa mo?! Momo naman! Fight for yourself! Kahit di para sa sarili mo! Kahit para sa anak mo! Maawa ka naman sa anak mo at sa sarili mo!"

Tangina! Nakakapanggigil!!

"Di moko naiintindihan eh! Art, may sakit si Papa! May sakit siya sa puso! Nung time na aaminin ko na dapat na hiwalay na kami, sinugod si Papa sa ospital. Naheart attack siya Art! Now tell me! How can I tell them the truth if telling them the truth might lead them to death?! Naiintindihan mo ba yung sitwasyon ko Art?! Ang hirap eh! Ang hirap hirap!"

Umiiyak siya. Umiiyak si Momo. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Bakit? Bakit nangyayari sa kanya to ngayon?

Instead of speaking, I hugged her. Ipaparamdam ko sa pamamagitan ng yakap ko na she's not alone. Na naiintindihan ko siya. Na andito lang ako para samahan siya. Naaawa ako sa kanya.

Bat ba kase siya niloloko nung hayop na yun?! Ano bang mali?! Sarap suntukin!

Hours have passed, tumahan na si Momo. Pero may luha paring dumadaloy sa pisngi. Inom lang siya ng inom. Lasing na nga ata to.

"Momo? di kaba uuwi? Lasing kana yata eh. Tara. hatid na kita sa inyo."

"Hahatid moko? bakit? Ayaw mo bang andito ako? Ayy! Oo nga pala. Baka dumating girlfriend mo, Sorry! Sige! Uwi na ako!"

Parang nagalit ah?

"Anong girlfriend pinagsasabi mo? Wala nga ako niyan eh. Tara na nga iuuwi na kita sa inyo. Baka hanapin ka na ng anak mo."

"Wala siya sakin ngayon. Nasa papa niya."

Ha?

"Kala ko ba, iisa lang kayo ng inuuwian? Diba, magkasama kayo sa iisang bahay?"

"Oo may bahay nga kami na inuuwian. Pero andun siya sa kanila dun sa bahay ng parents niya umuuwi ngayon. Alam na din naman nila katarantaduhan nung anak nila eh. Dun pa nga minsan natutulog yung babae sa kanila. Basta! Ang hirap iexplain! Nagkakasama lang naman kami tuwing magsasabi sila papa na papasyal sila sa bahay."

Ang gulo nga ng sitwasyon niya. Pero isa lang nasisiguro ko.

Si Momo at yung anak niya ang kawawa sa kwento niyang 'to.

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon