Chapter 3

4 0 0
                                    

Weeks have pass at naging close kami ni Momo. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin pangalan nya. Haha. Yes guys. Sya si Momo yung babaeng nakilala ko sa dating app. Cool nya kausap yung tipong di ka mababagot. Ang daming alam! Pero may pagkamataray.

"Uy! nonood siguro ng porn to? ngiting-ngiti eh kala mo naman taken. HAHA!" Ang ingay talaga netong Jep-jep nato! bahala sya jan. Nag eenjoy akong kachat si Momo eh.

Andito nga pala kami ngayon sa Music bar. May gig kami. Actually, hindi lang kami yung may gig ngayon. Tatlong banda, (isa na kami dun) then limang soloist. 7pm pa magstastart yung Jamming session namin 5:30pm palang. Almost 2 hours to prepare.

"uy! busy? may gig kayo ngayon?" Biglang chat ni Momo.

"uy namiss ako! hahaha oo bakit? punta ka?"

"Sige. san ba?"

Nakanang! seryoso?? pupunta sya? eh dalawang beses ko na tong inaya, panay tanggi to eh! Ano kayang nakain bat biglang gusto pumunta? hmmm ..

"Anong nakain at pumayag ka ngayong pumunta? himala ah."

"Restday ko po kase ngayon sa work. kakabagot eh. sarap uminom." Tignan mo to. Nung huling yaya ko restday din nya yun eh! May problema ba to bat biglang gusto uminom?

"Oh. mukhang may problema ah. Wala ka bang nabiktimang bata ngayon Momo?? Kaya biglang alak ka jan?" Kilala nyo naman siguro yung Momo na tinutukoy ko diba? Hahaha yan yung pang asar ko sa kanya. Wait nyo lang rebat nitong si ateng mataray. HAHAHAHAHA

"Tang ina mo! makaasar ka kala mo sinong pogi ah? Juskooo! kung di maganda boses mo laos kana boy! feeling mo pogi pogi mo! ANG PANGET MO!"

See? Bilis magalit sabay lait. Ang sakit. Pero okay lang. Pogi naman talaga ako eh. Kunwari pa tong aswang na to. HAHAHAHA

"Joke lang! eto naman galit agad. punta ka na nga lang dito! alam mo naman san to eh."

"Wag na! nawalan na ako ng gana! galing mong manira ng mood eh hayuf ka! Mabilaukan ka sana pagkanta mo mamaya!"

Tignan mo tong babaeng to. Gusto pa yata akong ipahiya. Ah! Alam ko na.

"Sorry na. sige ganito nalang. Punta ka dito, libre ko drinks mo."

"Talaga? Sabi mo yan ah. punta na ako jan."

Oh diba matindi? Sa almost 1 month pa lang naming pagcocommunicate, alam ko na ibang kahinaan nitong babaeng to. Sa daldal ba naman nya. Last time pa dapat yung 1st meet namin eh. Nasabihan ko na din ng ililibre ko sya. Tuloy dapat yun kaso, nagkaemergency daw. Ewan anong emergency yun.

Teka. 1st time pa nga pala naming magmimeet!! Putcha! Anong gagawin?! Kinakabahan ako! Naknang! Anong isusuot ko?! Napansin ata ng mga mokong yung pag-aaligaga ko.

"Naks. May date koya? May darating ba?" Sabi ni banal na David.

"Wow. Lumalovelife kana ba koya? San mo napulot?" Bumanat na naman ang Jep-jep.

"Oh. Napano ka? problema mo? May chix ba?" Yung Nanay Bong nakisali pa.

"Epal nyo talaga kahit kelan eh. Ano ba dapat kong isuot?"

Biglang tumahimik yung tatlo. Kala ko umalis. Yun pala nagpipigil ng-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" Wow. sabay talaga silang tatlo. Hanep. Sarap talaga pag uuntugin eh!

"Bahala na nga kayo jan!"

"Congrats tol! Galingan mo sa pagpili ng pormahang malupet mo jan! Hahahahahaha." Huling habilin ni Jep-jep bago ko sya patayin. Joke. umalis din ang mga epal sa buhay ko!

6:51 na. Ilang minuto nalang, magsisimula na yung gig namin. Sa tagal-tagal kong tumutugtog at kumanta, ngayon palang ako kinabahan ng ganito. Nubayan! Baka pumalya pa! Kainis naman.

Beep...
*1 message received ...

"Hoy tukmol! andito na ako!"

Shet! Andito na sya! Saan sya? Di ko mahanap. Di ko makita. San ba? Naknang! Nakakabakla yung excitement minsan! haaaysss ..

"Geh. Upo ka lang jan. Puntahan kita mamaya after ng 1st set namin. Order ka lang. nasabihan ko na yung waiter. Just tell them my name."

"Naks ah. Yaman kana nyan? Okay cge. Yung sinabi ko kanina ah? Baka mabilaukan ka sana. HAHAHAHA!"

Kita mo to. Nang aasar pa. Baka mainlove to pag narinig akong kumanta. Babastedin ko talaga. Kala nya.

"Hey! Arthur? Hi! Can I have a picture with you? I'm such a fan! I love your voice!" Sabay beso pa. May mga tao talagang FC! Feeling Close! Haaays .. Pero yaan na. Pagbibigyan ko nalang. Hirap ng mabash.

A good evening to everyone. I'm Art by the way and this is my bandmates Jep, David and Bong. We'll start this night with a song. Won't keep you waiting so, let's go.

Hiyawan yung mga fans ko. Ay! Namin pala. Baka magalit pa tong mga tukmol kung aakuin ko tong mga fans namin na fans ko naman talaga. Hahaha

Now playing ...

Buwan by Juan Karlos

1st song muna kami each group tapos yung mga soloist. 3 songs lang per group eh.

After naming kumanta, nagpaalam muna ako sa tatlong to kase pupuntahan ko muna si Momo.

"Huy babae! san ka banda?"

"Naks! galing ni Arturo ah? Ganda ng boses. Lakas makabasag ng eardrums! Hahaha!"

Kung di ka lang talaga maganda, papatulan na kita! Papatulang jowain. ayiiiie!

"Kunwari kapa. inlove ka na nga eh. San kaba kase?"

Huy!

Ay naknang! Nanggugulat pa talaga tong babae na to! Nasa likod ko lang pala. Maka huy naman to.

"Ang panget mo magulat! Napaka epic nun Arturo! Hahahahaha!"

Yes. Arturo tawag nya sakin. Ewan ko ba dito. Pauso din to eh. Pero shet. Ang ganda nya sa personal! Ang simple lang. Wala masyadong arte sa katawan. Nakamake up ata to pero parang wala na ewan. Naka maong shorts sya ng medyo maiksi pero abot hanggang tiyan. Nakaplain white tshirt sya yung medyo malaki sa kanya.  Naka old skool shoes pareho kami. Tapos nakamedyas ng medyo mataas na may nakalagay "bullshit". Nakaeyglasses din sya. Nag-aeyeglasses din kase ako. Pero ang ganda nya talaga. Mas maganda pa sa personal. Isang picture nya lang kase nakita ko eh. Yun yung profile picture nya sa dating app.

"Huy Arturo! Alam kong maganda ako pero pwede upo na tayo? Tulala kana jan eh."

Napatunganga pala ako. Kakahiya! Sinundan ko nalang sya paupo.

Ang epic ng 1st meeting namin. Tanga-tanga Art! Utak brad! Chill! Wooooh!!

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon