Chapter 1

7 0 0
                                    

"Hi! you're Arthur right? can I take a photo with you? I'm a fan by the way." sabi nung isang babae dito sa bar kung saan ako madalas may gig kasama mga tropa ko.

"Hanep ah! pogi kana nyan tol?" sabi netong mukhang kulugo kong kaibigan na si Jep-jep.

"Bumubusina na naman tong insecure kong kaibigang jep-jep!" Tawanan yung mga kumag sa sinabi ko. Pero tong Jep-jep na to, naasar. tinapunan ba naman ako ng mani? hayuf.

"Bat naman ako maiinsecure sa single na kagaya mo?" banat na naman ng jep jep.
"Nakuuu tol! suntukan na yan! Di naman kayo magkamag-anak eh. Sige na! di kami mangengealam pramis!" Nagsalita pa tong tukmol na si David!

"Hoy kaibigan kong banal! baka ikaw masabunutan ko jan kita mo! Umupo na nga kayo! May last song pa tayo." Naks! Nagsalita na yung nanay ng grupo namin. Si kuya Vhong a.k.a.  Master BONG! HAHA

"Eh, bat ba kase wala ka paring gf tol? dry kana masyado nyan. Ilang decades naba? 24? Magcocollege na cguro mga anak namin tol bago kapa magkagirlfriend." Eto na naman to si banal na David.
"Oo nga tol. Turuan nalang kita mamaya mag dating app! Meron na nga din sa facevook eh. Kawawa ka naman kase. kakahiya din. Ikaw lang yung walang partner. Mamamatay kana yata sa inggit eh." Ang ingay talaga ng Jep-jep na to!

"Alam nyo guys, chill lang kayo. makakahanap din ako. Di naman ako gaya nyong mga atat. Makapalit nga kayo nagjowa, para lang nagpapalit ng brief eh!" ganti ko.

"Uy ako brief ko blockbuster! now on its 2nd week!" sigaw ni David. Tibay! Proud sa pagiging mabantot nya.
"Ewww kadiri! lumayo ka nga saking mabantot ka!" Jep-jep na naman.

"Tumigil na nga kayo! Ingay-ingay nyo kala nyo naman ang babango nyo!" nanay Bong!

Para talagang mga bakla bunganga netong mga kaibigan ko pero mahal ko tong mga to. charaught! No choice lang talaga ako kaya sila nalang mga tropa ko. Hahaha

After ng gig namin, umuwi na ako sa apartment ko. Napaisip ako sa sinabi ng mga loko kong kaibigan. Oo nga no? ilang taon naba simula nung last break up? Ay. 1 year palang pala. Pero ang dry na nga! Ngayon ko lang narealize. Haha. Masubukan nga yung sabi ni jep-jep na dating app. Pero Yung sa facevook muna. Hmmm ...

Opening Facevook ...
Dating App ...

Ano ba to? Bahala na si Jep-jep.

Complicated It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon