5

4K 129 20
                                    

Jennifer
Paggising niya kinaugahan ay wala na siyang piring at hindi na din nakaposas ang mga kamay niya. Agad siyang bumangon para hanapin iyong kapatid ni Maam Michelle na kung bakit ba hindi man lang niya naalalang itanong ang pangalan. Ang huling natatandaan niya ay sa tabi niya ito natulog kagabi. Yakap pa nga siya nito, iyon nga lang may pagitan dahil nababahuan ata sa akin. At para din sa kaalaman ng mga mimosang mambabasa ✌✌✌😅😅 wala pong nangyari sa amin kagabi ni bakla, tawagin ko na lang siyang bakla hanggat hindi ko pa alam ang pangalan niya. Ayon nga, wala pong nangyaring ganap dahil nga siguro sa isyu ng wala kong ligo. Alam ninyo naman ang mga bakla masyadong maaarte at malilinis masyado sa katawan. Tinatanong ninyo kung disappointed ba ako? Syempre hindi. Antuwa ko nga. Pinag iisipan ko nga kung uugaliin ko na ang hindi palaging pagligo para maturn off siya lagi sa akin. Haha e di safe ang pagka bergin ko, berhen+virgin=BERGIN 😂.

Nalibot ko na ang buong bahay at wala ni ano mang bakas na nandito pa si bakla. Bumalik na lang ako sa kwarto at inamoy ko ang unan sa tabi ng unan na ginamit ko at infairness mabango pa sa ulo ko ang ulo ni bakla. Kaya naman para akong adik na muling humiga at isinaklob sa mukha ang napakabangong unan.

=============

Angela
Madilim pa ng tumawag ako sa bahay para magpasundo sa family driver namin. Isinend ko na lang ang address kung saan ako susunduin dahil ayoko namang abalahin pa ang Ate Michelle ko o ang mga Kuya ko. Lalo na si Kuya Christian na tiyak na aalaskahin na naman ako.

Tahimik nga din akong pumasok sa aking kwarto matapos kong magbilin sa mga kasambahay na wag na wag akong aabalahin. I feel so tired and sleepy kahit pa nga wala namang nangyari. Ewan ko pero nakuntento na lang ako sa pag uusap namin kagabi, kahit pa nga halos ito lang naman ang imik ng imik, aliw na aliw ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, ewan ko. At ng makatulog na ito ay tinabihan ko pa ito at idinantay ko pa ang kamay ko sa tiyan nito na parang pagyakap, pero may distansya syempre dahil natatakot akong ma feel nito na babae naman talaga ako.

Hindi pa man ako nakakapahinga ay parang gusto ko na ulet bumalik doon sa bahay niyong babae. Inalis ko iyon sa isip ko at pinilit ko ng matulog.

==============

Jennifer
Nagising ako mga bandang ala una ng hapon dahil nagrerebolusyon na ang mga bituka ko sa sobrang gutom. Bumangon na nga ako at bumaba sa kusina para humanap ng makakain. Pagbukas ko ng 2 pinto na ref ay bumungad sa akin ang napakadami at ibat-ibang klase ng mga pagkain at inumin. May 2 galon pa ng ice cream. First time ko makakita ng ganito sa sariling ref, dahil noon ay wala naman akong ref. 😂. Sa sobrang dami ng pagkain ay lahat halos ay tinikman ko at ng matapos akong kumain ay parang puputok na ang tiyan ko sa sobra kong kabusugan. Niligpit ko lang ang kinainan ko at bumulagta na ulit ako sa sofa naman at marahil sa sobra ngang kabusugan ay muli na naman akong nakatulog.

=========================

Angela
Madilim na ng magising ako at nakaramdam na ako ng gutom. Naalala kong kagabi pa pala ako huling kumain at gabi na ulit ngayon. Nag cr lang ako sandali at agad na akong bumaba patungong kumedor at sakto namang naghahapunan na ang buo naming pamilya.

"Nandiyan ka na pala, Angela. Maupo ka na dito at kanina ka pa daw umaga hindi kumakain." Bungad na paanyaya sa akin ni Mama.

Naupo na nga ako sa aking pwesto at agad naman akong pinagsilbihan ni Ate Rosa na aming kasambahay. Ngumiti at nagpasalamat ako dito saka nagsimula na nga akong kumain. Nakakatatlong subo palang ata ako ng magsalita si Papa.

"Kumusta naman ang naging lakad mo kagabi, Angela?"

Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko at uminom saka ako sumagot ng,

Unknown Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon