Nakahiga na kami ngayon nitong babaeng ito na nakatulog na agad pagkatuyo ng buhok. Ako naman ay gising na gising pa at frustrate na frustrate. Nakatihaya lang ako at nakatingin sa kisame. Iniisip ko kung paanong galaw ba ang dapat kong gawin na sinasabi nito.
Kumunot ang noo ko ng biglang pumasok sa isip ko iyong kwento noon ng tinatawag ng mga classmate namin na syota ng bayan.
"Oh my god! Girls, napakasarap humalik ni Dane. Torrid kung torrid talaga, with matching tongue. At ang kamay, ang likot-likot, kung saan-saan sumusuot."
Ganoon ba dapat ang gawin ko? Tanong ko sa sarili ko.
Ngumusu-nguso pa ako para magpractice, tapos inilalabas ko pa ang dila ko pero parang ang sagwa naman, e. Kaya tumigil na lang ako.
Yumakap at sumiksik na lang ulit ako dito sa katabi ko at maya-maya pa ay nakatulog na din ako.
Kinabukasan ay madilim pa ng magising ako, pero hindi muna ako bumangon, basta lang tinanghudan ko muna itong magandang babaeng may piring na nasa tabi ko. Trinace ko ng daliri ko ang may katangusan na ilong nito. Bahagya iyong nagusot dahil siguro nakiliti. Napangiti tuloy ako, ang cute cute naman kasi niya ngayong umaga. Uulitin ko pa sana ang pag trace sa ilong nito kaya lang ay napa sigaw ako ng kagatin nito ang daliri ko.
"Ouch! Bakit ka naman nangangagat?" Tanong ko habang hinihimas-himas ko ang daliri ko, ansakit e.
"E, bakit ka kasi nanggigising, e."
"Hindi naman kasi kita ginigising. Para natutuwa lang ako sa ilong mo, e." Ngunguto-nguto kong reason.
"E, sorry na. Masakit pa ba? Akin na kikiss ko na lang para mawala na ang sakit."
Inilapit ko nga naman sa labi nito ang daliri ko at ikiniss nga nito at hinipan-hipan pa. Napakagat-labi ako sa pagpipigil ng kiliti at ngiti.
"Enough, okay na." Kinuha ko na ang kamay ko dahil parang nag iiba na ang epekto sa akin ng paghalik-halik nito sa daliri ko.
Dumiretso bangon na din ako at kinalagan ko ito at inalalayan na makabangon din.
"Aalis na nga pala ako. Iiwan ko na lang ang susi ng posas dito sa side table. Ikaw nalang ang mag free sa self mo pagnakaalis na ako, ha."
Tumango lang ito.
"Magbilang ka ng 1 to 30 saka mo alisin ang piring mo. And please lang sumunod ka. I'll be going na."
Iyon lang at tumalikod at umalis na nga ako. Pakinig ko pa habang pababa ako ng hagdan ang pagbibilang nga nito, kaya naman napangiti ulit ako hanggang sa iistart ko ang kotse ko ay nakangiti pa din ako. Bale nauna pang sumikat ang liwanag ng ngiti ko kesa sa araw ngayong umaga, and it's all because of that Girl.
=====================
Nang marinig ko ang pagbaba na ni bakla sa hagdan ay agad ko ng tinanggal ang piring ko at pati na din ang posas ko. Pero medyo natagalan ako sa pag a-unlock niyon, kaya naman ng sumilip ako sa bintana ay buntot na lang ng kotse ang nakita ko. Nakaramdam tuloy ako ng panghihinayang. Akala ko pa naman ay makikita ko na ang kinaku-curiousan kong itsura nito, hindi pa rin pala. Di bale maghihintay ako sa kanyang pagbabalik, nandito lang ako ano man ang mangyari. Para yatang kanta ito ah. 😅
Kumilos na ako para mag intindi ng aalmusalin ko.
===================
Pag-uwi ko sa bahay ay eksaktong nag-aalisan na ang lahat para magtungo sa kanilang mga trabaho.
"O, little sister, kumusta naman si Jennifer?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Mitch.
"Huh?" Kunot-noong balik tanong ko, dahil wala naman kasi akong kakilalang Jennifer, pero naisip ko na baka iyon ay ang pangalan niyong babae na pinupuntahan ko.
"Iyong girl doon sa bahay na pinupuntahan mo. Don't tell me until now hindi mo pa din alam ang name nya."
Ngumiti lang ako ng nagpapa cute saka, "Alam ko na ngayon, Ate. Sinabi mo na, e."
Hahampasin sana ako nito pero mabilis na akong nakatakbo papasok sa bahay.
"Ba bye, Ate." Nilingon at kinawayan ko pa ito.
Natatawa na lang sa amin sina Papa at Mama pati na si Kuya Michael na siyang driver lagi ni Ate Mitch.
Humalik ako sa pisngi nina Papa at Mama bilang pagbati.
"Kumain ka na ba, Iha?" Tanong sa akin ni Mama.
"Not yet, Ma... pero aakyat na po muna ako."
"Sige, padadalahan na lang kita sa kwarto mo ng pagkain."
Tumango na lang ako saka tuluyan na nga akong umakyat patungo sa kwarto ko. Pagpasok ko doon ay agad kong kinuha ang laptop ko na napakadalang ko naman na gamitin. Nang maopen ko iyon ay agad akong nagtungo sa Google. Itinype ko sa search bar ang gusto kong malaman.
'How to make a move in kissing a girl?'
Pinagkabasa-basa ko talaga ang mga steps at tiningnan ko na din ang mga illustration para siguradong hindi ako magkakamali. Nag search na din ako ng movie na love story at inumpisan ko na agad na panoodin.
Marahil may mga magtataka sa pagiging sobra naman yata ng kainosentihan ko. Well, like what i have said masyado akong nakadepende sa buong family ko at kung ano lang ang sabihin nila, iyon lang talaga ang ginagawa ko. Pinalaki ako na malayo sa mga realidad ng mundo dahil nga 'medyo' medyo lang naman na kakaiba ako.
Natapos ko na ang movie na pinapanood ko at ng iistretch ko ang katawan at leeg ko ay nagulat ako kay Ate Rosa na nasa may bandang likuran ko pala at mukhang nakinood din.
"Nakakagulat ka naman, Ate Rosa. Kanina ka pa ba dyan?"
"Medyo. Pasensya ka na. Pinadalhan ka kasi ng pagkain ni Mama mo, tapos nakaawang naman ang pinto ng iyong kwarto ka pumasok na ako. E, nakita kong nanunuod ka ng pelikula kaya nakinood na din ako." Mahabang paliwanag nito.
Ngumiti lang naman ako. Wala naman kasing kaso sa akin iyon, e. Pero hindi ko akalain na focus na focus pala ako sa pinapanood ko, katunayan ang hindi ko pagkapansin sa pagpasok ni Ate Rosa.
"Gusto mo pa bang manood, ate?" Tanong ko ng tumayo na ako para kainin ang dala nito. Inabot ko dito ang laptop ko.
"Naku! Hindi na at may mga gagawin pa ako." Tanggi nito na may kasama pang pag iling.
"Eh, dito ka muna, Ate. Samahan mo na muna ako hanggang sa matapos akong kumain, please." Paglalambing ko.
Nag-aalangan man ay pumayag na din ito.
"Ate Rosa, nagka boyfriend ka na ba or may boyfriend ka ba ngayon?" Simulang tanong niya dito, baka kasi makakuha siya dito ng impormasyon.
"Oo syempre, pero ngayon ang jowa ko e iyong tomboy na lady guard sa supermarket." Kwento agad nito na tila pa kinikilig.
"Parehas lang ba yun?" Pamilyar naman siya sa girl to girl relationship dahil nga galing siya sa all girls school pero ni minsan ay hindi niya naranasan ang ganoon dahil ayaw niya. Madami siyang binasted noon na mga lumiligaw sa kanya na mga babae at tomboy ang reason niya ay straight siya, pero straight nga ba talaga siya? Gayong simula pa ng ipanganak siya ay kakaiba na siya.
"Parehas lang din naman. Mas masarap pa nga magmahal ang mga tomboy dahil mas nagkakaintindihan kami at napakalalambing pa."
Napapangiti ako kay Ate Rosa dahil sa way ng pagke kwento nito ay para bang may kung anong iniimagine ito.
Hanggang sa matapos akong kumain ay walang ginawa si Ate Rosa kundi kwentuhan ako tungkol sa jowa nito, kaya naman kahit paano ay may mga bago akong nalaman at mas naunawaan.
Pag-alis ni Ate Rosa dala ang pinagkainan ko ay agad akong naligo at nag bihis. Babalik na ulit ako sa bahay ni Jennifer.