Naitulak ako ng malakas ni Jennifer, marahil ay dahil sa takot sa Mama ko.
"G-good morning po, Mrs. Gatchitorena."
"Kakain na. Bumaba na kayo. Ang aga-agang lampungan."
Pagkasabi niyon ay muli ng isinara ni Mama ang pinto. Napatingin naman ako kay Jenn na pulang-pula ang mukha sa hiya. Yayakapin ko sana ito pero itinulak lang ulit ako at saka tuluyan ng bumangon at pumasok sa cr.
"Tumayo ka na dyan, ha. Baka bumalik pa ang Mama mo. Nakakahiya!" May kalakasang sabi nito mula sa loob ng cr.
Bumangon naman na nga ako. Sumabay na ako sa morning rituals nito. At pagkatapos ay sabay na din kaming bumaba, para sumalo sa almusal.
"Jennifer, sasamahan ko kayo ni Angela sa ospital ngayong 10 AM. Nag pa schedule ako ng check up for you sa family friend namin na OB." Sabi ni Ate Chris kay Jenn na agad namang tumango.
"Bakit ka nga pala nasa kwarto ng babaeng yan? Ha, Angela? Di ba sabi ko bawal na muna kayong magtabi." Ungkat ni Mama sa nakita niya kanina.
"Christy naman magkaka baby na sila bakit pinagbabawalan mo pa ding magsama ang dalawa sa isang kwarto." Tanong ng Papa kay Mama.
"Hindi pa naman kasi sila kasal."
"Pero magkakaanak na nga sila di ba."
"Ah, basta! Hindi pwede! Hanggat hindi pa sila nakakasal."
Tumingin sa akin si Papa. "Narinig mo naman ang sinabi ng Mama mo."
"Kailan nyo ba balak magpakasal, Tol?"
"Bago sana lumaki ang tiyan ni Jenn, Kuya."
"That soon?" Nanlalaki na naman ang mata ni Mama na tila may plano na namang kumontra.
"Mas maaga nga ay mas maganda para pag labas ng apo natin ay legitimate na." Sabi ni Papa kay Mama.
"Iyon din nga po talaga ang rason kaya po ako nagmamadali na makasal na kami agad ni Jenn." Segunda ko naman. Totoo din naman nga kasi iyon pero syempre gusto ko rin talaga na mapangasawa na si Jenn ng legal baka kasi magbago pa ang isip nito at iwan ako. E, di kawawa naman ako.
"Pero sa church ninyo naman balak magpakasal, ano?" Si Ate Mitch.
"Oo, Ate."
"That's nice."
"Ay, bahala na nga lang kayo!" Sabi ni Mama saka nagdadabog ng tumayo at umalis.
Tatayo na rin sana ako para sundan si Mama, pero pinigilan ako ni Papa at ito na ang sumunod kay Mama. Tinanguan lang naman ako ng mga kapatid ko.
"Pagpasensyahan mo na si Mama, Jennifer. Na shock lang iyon na hindi na baby ang pinakamamahal niyang bunso." Sabi ni Kuya Michael.
Tipid lang naman na tumango at ngumiti ito. Hinawakan ko na din ang kamay nito para kahit paano ay maiparating ko sa kanya na magiging okey din ang lahat.
======
"Ano ba na naman iyong ginawa mo, Christy sa harapan ng hapag at ng mga anak mo? Bakit ba tutol na tutol ka doon kay Jennifer? Hindi mo ba naman naisip na kaya iyon ang napili ni Michelle na ireto sa kapatid niya ay dahil alam naman niyang mabuti at desente iyong tao."
"Alam ko naman iyon, dahil di ba nga gumawa din naman tayo ng sarili nating background check sa babaeng iyon."
"O, iyon naman pala, e. Ano pa ang tuong ipinagpuputok ng butsi mo?"
"Para kasing inaagaw na niya sa atin, sa akin, ang bunso natin. Alam mo naman kung gaano ako, tayo kaprotective kay Angela." Ma emosyonal kong sabi.