7

3.5K 123 2
                                    

Angela
Hindi niya iniexpect na magiging komportarble agad siya sa babaeng ito. To the point na nagawa niyang makipagshare sa pagkain na gamit ay isang kutsara lang. After nilang kumain ay agad na siyang umalis sa kusina at dumiretso na din siya ng alis ng walang paalam.

Umuwi siya sa kanilang bahay at agad siyang nagtungo sa silid ng kanyang parents. Kumatok siya ng sapat lang para marinig ng nasa loob.

"Pasok." Tugon ng kanyang Mama.

Binuksan na nga niya ang pinto at nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nag ko cross stitch.

"O, Angela." Nakangiti siyang binati ng kanyang Mama.

Agad siyang lumapit dito at parang bata na umunan siya sa binti nito. Ugali na kasi niya ang magpa baby sa kahit kanino sa kaniyang pamilya lalo na pag may gumugulo sa isip niya.

Itinigil na muna ng kanyang Mama ang ginagawa nito atsaka inisantabi para siya naman ang intindihin.

"Bakit kaya naglalambing ang bunso ko?"

"Wala po, Mama. Na miss ko lang po kayo." Totoo naman din na miss na niya ang maglambing sa kanyang Mama, pero hindi lang naman kasi iyon ang dahilan. Naguguluhan kasi siya sa mga bago lang na kanyang mga nararamdaman.

"Ay sus! Ang baby angel ko talaga, binata na este dalaga na pala e nagpapababy pa din."

Lumabi lang siya sa tinuran ng kanyang Mama. Pero naisip niya, hindi nga kaya binata na siya kaya nakakaramdam na siya ng mga kakaiba? Napabuntong-hininga na lang siya.

"Nak, uulitin ko sayo ha, kahit na ano man ang pinoproblema mo, nandito lang lagi si Mama."

Tumango lang siya. Yumuko ang kanyang Mama para halikan siya sa noo at pagtapos ay pinaghele siya nito tulad ng lagi nitong ginagawa noong bata pa siya. Kaya naman nakapahinga ang utak niya at ilang saglit pa ay nakatulog na nga siya.

==================

Jennifer
Pagtapos naming kumain ay naramdaman kong tumayo na ito agad at parang lumabas na ng kusina, pero narinig ko ang pagbukas-sara ng front door kaya naman dali-dali kong tinanggal ang piring ko at sumilip ako sa bintana. Likod na lang nito ang nakita ko dahil pasakay na ito sa kotse. Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa kaalamang umalis na ulit ito at mag isa na naman siya sa bahay na iyon. Mabigat ang loob na niligpit niya ang kanilang pinagkainan at napansin niya na isang pares lang ng kutsara at tinidor ang gamit, kung gayon ay tama nga pala ang naimagine niya kanina na ang ipinangsusubo nito sa kanya ay sya ring ginagamit nito para sa sarili. Wala sa sarili na nahawakan niya ang kanyang labi at napangiti siya, ngiting animo ay kilig na kilig.

* * *

Lumipas ang dalawang araw na hindi siya pinupuntahan ni bakla. Nag-aalala na siya. Paano kung hindi pala siya nito nagustuhan? Paano kung kinausap niyon si Maam Michelle na wag na lang ituloy ang serbisyo niya? Paano kung bawiin iyong mga ibinayad sa kanya? Ano na ang mangyayari sa kanila ng Ate niya? Mabaliw-baliw na siya sa kaiisip, lalo pa nga at wala naman siyang magawa kundi ang manood ng tv. Hindi naman kasi siya makaalis dahil baka biglang dumating si bakla.

Napabuntong-hininga na lang siya. Saka niya inilubog ang sarili sa bathtub.

=================

Angela
Feeling niya ay okay na siya, kaya naman naisipan na niyang puntahan ulit sa bahay iyong babae. At balak na niyang galawin ito ngayong gabi dahil baka iyon lamang ang paraan para tuluyang kumalma ang kalooban niya.

Madilim na naman sa buong kabahayan ng pumasok siya. Hindi niya tuloy alam kung sadya lang bang nagtitipid ito o sadyang ayaw nito ng maliwanag. Dumiretso na siya sa kwarto nito at nakita niya mula sa nakabukas na pinto ng banyo na nakababad ito sa bathtub. Nakapikit ito at mula sa kinatatayuan niya ay tanaw na tanaw niya ang kagandahan nito. Bigla tuloy ang pagragasa ng init sa buo niyang katawan at ang tanging parte ng kanyang kakambal ay muli na namang nabuhay.

"Tama na iyan, baka masyado ka ng ginawin." Sabi niya.

Mula sa kinatatayuan niya ay sigurado siyang hindi siya nito nakikita kaya naman malakas ang loob niyang bulabugin ang pananahimik nito.

"Ikaw na ba yan, bakla?" Paninigurado nito.

Talaga nga palang inisip na nito na bakla siya. Natatawa na lang tuloy siya.

"Yeah, its me. Papatayin ko ang ilaw diyan sa cr at pupuntahan kita dyan. So, stay where you are, okey."

Hindi ko na hinintay ang tugon nito agad ko ng pinatay ang ilaw gamit ang remote na connected sa lahat ng gamit dito sa bahay na ginagamitan ng kuryente.

Pumasok na nga ako sa cr at kinuha ko ang towel nito sa rack tapos ay nilapitan ko na ito. Inalalayan ko itong makatayo at ako na din ang nagbalot dito ng twalya saka inakay ko ito patungong kwarto. Iniupo ko ito sa gilid ng kama saka ko ito piniringan at pinosasan na hindi naman na nito kwinestyon pa. Pagkatapos ay tiningnan ko ito at napakagat ako sa labi ko ng mariin dahil napaka alluring at sexy nito ngayon sa paningin ko.

Hinaplos ko ang pisngi nito gamit ang knuckle ko tapos ay iniangat ko ang baba nito at dahan-dahan ay lumapit ako dito hanggang sa tuluyan na ngang lumapat ang labi ko sa mamasamasang labi nito.

==================

Jennifer
Nanlalaki ang mga mata ko sa ilalim ng piring ng halikan ako ni bakla, tila ata ngayong gabi ay kukubrahin na nito ang aking kasariwaan. Pero may katagalan na ding nakalapat ang labi nito sa labi ko pero hindi naman ito gumagalaw, para lang istatwa. Lumayo tuloy ako ng kaunti.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Anong bakit? E, hindi ka naman gumagalaw kaya akala ko'y nakatulog ka na."

"Paanong galaw ba?"

Napasapo ako sa noo ko, pero naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko.

"Wag mong tatanggalin." Narinig ko pang sabi nito.

"Hindi naman talaga. Sasapuhin ko lang ang noo ko dahil nawiwirduhan ako sayo."

Binitiwan na nga nito ang kamay ko.

"Ha? Bakit ka naman nawiwirduhan sa akin?"

"Virgin ka din ba?" Tanong ko na lang sa halip na sagutin ko ang tanong nito.

Hindi ito sumagot pero tila alam ko na ang sagot.

"Wag ka mag alala pareho lang tayo na mangangapa kung sakali." Sabi ko, pero ikinagulat ko ang reaksyon nito. Ramdam ko na bigla itong lumayo sa akin.

"M-mangangapa? K-kakapain mo ako? H-hindi pwede!" Malakas pa ang boses nito na tila naghihisterical.

"E di hindi kung hindi." Itinirik ko ang mga mata ko sa ilalim ng piring dahil napaka OA naman ng reaksyon nito. "Oo nga pala, nalimutan ko na sabi nga pala ni Ma'am Michelle ay bawal daw kitang hawakan, hmp!"

Hindi ito umimik pero maya maya ay naramdaman kong binibihisan na ako nito.

'Mukha atang wala pa ding mangyayari,ah. Hay! Buti naman.' Nangingiti kong sabi sa sarili.

Unknown Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon