Hindi na siya halos umuuwi sa bahay nila o kung umuwi man siya ay lagi lang saglitan. Minsan ay kumukuha lang siya ng damit o di kaya ay iidlip lang saglit. Ganoon lang lagi sa loob ng mahigit ng dalawang buwan.
Masasabi na nga niya na para na silang naglilive in ni Jennifer. Iyon nga lang hindi pa din niya inaalis ang piring nito sa mata pag kasama siya pero hindi naman na niya ito pinuposasan pa.
Ngayon ay umuwi siya sa mansion nila at inabutan niya ang kanyang Mama na abala na naman sa pagko cross stitch sa kanilang sala.
"Hi, Ma. Good morning." Masayang bati niya dito sabay halik pa sa pisngi.
"Aba! Alam mo pa pala ang pauwi dito sa bahay! O baka naman dumaan ka na naman lang dito!"
Alam naman niya na nagtatampo na ang kaniyang pamilya sa halos hindi na pagkakita sa kanya, pero kasi iba ang saya niya sa tuwing si Jennifer ang kasama niya at namimiss niya ito agad kapag malayo ito sa kanya. Kaya naman nagagawa niyang tiisin ang pamilya niya ang rason pa niya ay since birth naman ay kasama na niya ang mga ito. Maanong mawalay siya ng kahit ilang buwan lamang.
"Talaga bang doon ka na titira sa babaeng iyon? Ay siya ipapaimpake ko na lahat ng mga gamit mo at ipapadala ko doon!"
Niyakap niya ang kanyang nagtatampong Ina atsaka niya ito nilambing-lambing.
"Mama naman, pagbigyan ninyo na muna po ako. Masaya lang po talaga ako ngayon na kasama si Jenn."
"At paano kapag nabuntis mo iyon? Naisip mo ba, ha?"
"Ayaw ninyo po ba iyon, magkakaapo na kayo sa akin."
"Hmp!" Ismid nito sa kanya pero mas hinigpitan lang niya ang pagyakap dito.
"Hayaan ninyo po, Mama. Mamaya po ay dito ako matutulog at isasama ko na din po si Jenn para makilala ninyo na po siya, pakisabi na din po kina Papa, mga Ate, at mga Kuya, ha. I love you, Mama kong maganda." Iyon lang at iniwan na niya ito para kunin niya ang talagang pakay niya sa pagpunta dito.
Ang singsing na ibinigay sa kanya noon ng Lolo Tony niya, Papa ng kanyang Papa. Sabi nito noon bago ito namatay na ang singsing daw na iyon ang ibigay niya sa kanyang nais na makasama sa habang-buhay, at kaya hawak niya iyon ngayon ay dahil mayroon na siyang pagbibigyan niyon. Si Jennifer na siyang may dala ngayon ng kanyang sanggol. Magdadalawang buwan na kasi itong buntis. Iyon din ang isa pang rason kung bakit hindi siya umuuwi dito sa bahay nila.
Nang makuha na niya ang singsing sa taguan niya ay agad na din siyang nagpaalam sa kanyang Mama. Niyakap pa niya ito ng may katagalan at buong higpit saka nagsabi na babalik naman siya mamaya kasama nga si Jenn. At pagkatapos ay tuluyan na nga siyang nagpaalam.
======================
Mrs. Gatchitorena
Hindi maintindihan ni Mrs. Gatchitorena ang kanyang nararamdaman ng yakapin siya ng kanyang bunso para bang talagang namamaalam na ito. At eksaktong humangin ng may kalakasan, nilipad niyon ang may kakapalang kurtina na sumagi at ikinapatak ng frame na kinalalagyan ng family picture nila at ng damputin niya iyon ay napansin niyang ang basag niyon ay humati sa parteng mukha ni Angela, ng kanyang bunso. Napaantanda tuloy siya sabay sabi ng,"Diyos ko kayo na po ang bahala sa bunso ko."
Kawiwika pa lang niya niyon ng magring ang cordless phone na nasa malapit lang sa kanya at ng sagutin niya iyon ay nanlambot siya, napaupo siya sa single sofa at nabitiwan na rin niya ang telepono.
=====================
Jennifer
Nasa kwarto lamang siya at nanonood ng tv habang hinihintay niya ang pagbalik ni bakla pero nakatulog at nagising na siya ay wala pa din ito. Gayong ang sabi nito ay madali lang daw ito.