6

3.8K 113 14
                                    

Binilisan na niya ang pagpapaligo dito dahil iba na talaga ang nararamdaman niya. Tinuyo na niya ito at sinuotan ng bathrobe, at ganoon din ang ginawa niya sa kanyang sarili. Inalalayan niya ito palabas ng banyo at pagdating sa kwarto ay binihisan na niya ito.

"Ahm! M-mag ba-bra ka pa ba?" Nag-aalangan at nakayukong tanong niya kahit pa nga hindi naman siya nito nakikita.

"Hindi na lang siguro para hindi ka na mahirapan na magkabit at magtanggal."

Ikinapula ng mukha niyang maige ang naging sagot nito, kaya agad na niya niya itong sinuotan ng puting sando na alam niya na magpapabakat sa mga utong nito. Na question niya tuloy ang sarili kung bakit ito pa ang damit na nahugot niya sa kabinet. Pinantyhan at shinortan na din niya ito agad. At siya man ay mabilis na din nagbihis.

Nakaupo ito sa kama at siya naman ay nakapamaywang na nakatayo. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin dahil tila may gusto siyang gawin na alam naman talaga niya kung ano pero pilit niyang itinatanggi ito.

"Lumapit ka kaya dito."

Maya-maya ay narinig niyang sabi nito. Tiningnan lang naman niya ito.

"Gawin mo na kung ano ang binayadan sa akin ng Ate mo." Dagdag pa nito.

At tila ba biglang napahiya ang kambal niya dahil para itong umurong at lumambot. Lumapit na nga siya sa kama pero doon siya sa kabilang panig pumwesto. Sumandal siya sa headboard habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok.

Sumampa na din ang babae at medyo lumapit ito sa kanya. Kinapa siya nito at huminto ito sa may gilid niya, nakahawak pa din ito sa isang binti niya. Dahan-dahan na lumalapit ang mukha nito sa kanya. Nakatingin lang naman siya dito, pero ng malapit na sa labi niya ang labi nito ay bumaba siya ng kama kaya naman sa unan ito napahalik.

"Ano bang ginagawa mo?" Naiinis pero naiilang na tanong niya.

"Ako na ang gumagawa ng aksyon dahil baka naman isipin ninyo na napakalaki ng ibinayad ninyo sa akin tapos wala ka namang mapakinabang."

Lalong nadagdagan ang inis niya kaya naman dinakot niya ang mahabang buhok nito at hinila iyon palikod bali nakatingala na ito ngayon sa kanya pero alalay lang naman, sinisigurado pa din niya na hindi ito masasaktan.

"Wala akong iniisip na ganyan at pwede ba wag mong pababain masyado ang tingin mo sa sarili mo." Madiin niyang sabi dito.

Napatingin siya sa nakaawang na labi nito at muling bumalik na naman ang kakaiba niyang nararamdaman, kaya naman patulak na binitiwan niya ang buhok nito saka siya muling bumalik sa pagkakasandal niya sa headboard ng kama. Ito naman ay nanahimik na sa kanyang tabi pero ipinosas pa din niya ito sa headboard para hindi na siya ulit nito malapitan.

Maya-maya ay naramdaman niyang nakatulog na ito iniayos niya ito ng higa at ng maramdaman niyang basa pa ang buhok nito ay iblinower na niya iyon at pagtapos ay natulog na din siya sa tabi nito at muli ay nakadantay ulit ang kamay at paa niya sa katawan nito.

===========

Jennifer

Nang magmulat siya ng mata ay kadiliman pa din ang sumalubong sa kanya at naramdaman din niya ang katawan na tila nakasiksik sa kanya. Iniangat niya ang kanyang ulo ng bahagya at naramdaman niya ang tila ulo nito na nakaunan sa may dibdib niya. Ramdam niyang mahimbing pa itong natutulog. Kaya naman pinipigilan niya ang gumalaw. Naamoy niya ang mabango nitong samyo kagaya ng naiwan nitong amoy sa unan kahapon. Parang gusto niya tuloy damhin at paraan ng kanyang mga daliri ang buhok nito. Magnanakaw sana siya ng halik sa ulo nito ngunit naramdaman niya na kumilos na ito at umalis sa pagkakaulo sa dibdib niya kaya naman pasimple na lang siyang nagtulog-tulugan ulit. Malay ba nito kung gising na siya e hindi naman nito nakikita ang mga mata niya.

Unknown Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon