3

4K 131 16
                                    

Nakausap na niya si Ms. Gatchitorena, naipaliwanag na niya dito ang side niya at kung bakit siya laging hindi makapag focus sa kanyang trabaho at naunawaan naman siya nito at agad na pinatawad at ikinancel na din nito ang suspension niya, makakapasok na siya ulit bukas, pero mayroon daw kapalit iyon na malalaman daw niya sa susunod ulit na pag uusap nila. At ipinagtaka pa niya ng tinanong siya nito kung may asawa o nobyo na ba daw siya at noong sabihin niyang wala ay itinanong naman nito kung may mga naging karelasyon na ba daw siya dati. Na sinagot din naman niya ng wala, dahil iyon naman talaga ang totoo. Wala siyang panahon sa love life dahil sakit lamang iyon sa kanyang ulo, tama ng sa Ate Ana na lang sumakit ang ulo niya. Ngumiti pa sa kanya si Ms. Gachitorena saka nag wika ng, "Kung ganoon ay virgin ka pa." .

Kinabukasan ay ipinatawag siya sa clinic sa hindi niya malamang dahilan.

"Doctora, ipinatawag ninyo daw po ako." Nag-aalangang tanong niya sa Doctora.

Tumunghay naman na ito saka seryosong nagwika ng. "Yes, Miss Tampucao. Kailangan lamang kitang eksaminin. Pakihubad nalang ng pants at underwear mo at saka mahiga ka sa bed, may kumot naman doon and if comfortable ka na ay sabihin mo sa akin."

Kahit naguguluhan ay sinunod pa din niya ang instructions nito dahil ito ang tipo ng tao na matatakot kang suwayin.

"Ayos na po, Doctora." Aniya ng magawa na niya ang mga sinabi nito.

Pumasok na nga ito sa silid na may tabing at kumilos na para gawin ang sinasabi nitong pag iiksamin sa kanya. Halos saglit lang naman ang ginawa nito sa kanya at ng tanungin niya kung para saan iyon ay follow up na check up lang daw iyon at after niyon ay pinabalik na siya agad sa production.

========================

"She's clean and healthy, Ate." Report sa kanya ni Doctora Christina Gatchitorena.

"That's great. Malinis din ang background niya. Wala akong nakikitang mali sa kanya. She's the perfect one."

"Perfect one? Ano bang binabalak mo, Ate Mitch?"

"Siya ang perfect na maging parausan ng bunso natin. Pangit mang pakinggan pero that's the only term na alam ko, e."

"What? And you think papayag iyon ng ganun-ganun lang?"

"I will offer her money and a lifetime assurance na mabubuhay siya ng maayos kahit hindi na siya mag work. At sa current situation niya ngayon dahil sa sister nya, I don't think, makakatanggi pa siya." May tusong ngiti sa labi na sabi niya, tila ba ay tiyak na tiyak na siya sa kanyang naisip na solusyon sa problema ng bunsong kapatid.

"Goodluck dyan sa plano mo, Ate." Panghuling wika ng kapatid niya saka siya iniwan doon sa kanyang opisina.

===================

Ini excuse na naman siya sa linya dahil ipinatatawag daw siya ulet, at ngayon ay sa opisina naman ng V.P. / Manager. Nayayamot at nagtataka man ang kanilang line leader ay wala naman itong magawa kundi palitan muna ulit siya sa kanyang pwesto.

Kinakabahan man ay agad pa din siyang kumatok sa nakapinid na tanggapan.

"Pasok."

Tugon mula sa loob, kaya naman binuksan na nga niya ang pinto.

"Pinatatawag ninyo daw po ako, Maam."

"Yes, maupo ka." Iminustra nito sa kanya ang upuan sa harap ng lamesa nito. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Ms. Tampucao. Gusto kong kunin ang serbisyo mo para sa bunso naming kapatid. Hindi basta-basta itong hinihingi ko sa iyo kaya naman hindi din basta-basta ang halaga ng perang iooffer ko sa iyo." Hindi pa man siya nakakaimik ay muli na itong nagpatuloy sa pagsasalita. "Dalawang milyon bilang paunang bayad, May monthly allowance din, pabahay, pasasakyan, at higit sa lahat hindi mo na kailangang magwork dito sa aming pabrika. Ang kapatid na lang namin ang pagsisilbihan mo. At ako na din ang magbabayad sa utang ng kapatid mo."

Nakakalula ang mga sinasabi sa kanya ng anak ng may-ari ng pabrikang kanyang pinagtatrabahuhan, pero tila yata hindi niya magugustuhan ang serbisyong kapalit niyon. Dahil hindi naman siya subrang kamangmang, kung pagbabasihan kasi ang pag iiksamin sa kanya ng Doctorang kapatid din nito at sa mga tanong nito sa kanya kahapon, ay tila puri niya yata ang kapalit ng mga nakakalula at nakakatuksong offer nito.

"Mawalang galang na po, Maam. Maaari po bang diretsuhin ninyo na din kung ano ang serbisyo na kapalit ng mga inooffer ninyo."

"Tama nga na ikaw ang napili ko, dahil hindi ka rin nga talaga basta-basta, Ms. Tampucao."

Seryosong tumingin lang siya ng tuwid sa mga mata nito.

"Okay! Sex ang serbisyong tinutukoy ko. Mahigpit na ang pangangailangan ng kapatid namin kaya kailangan ko na din agad ang sagot mo, Ms. Tampucao."

Handa na sana siyang sumagot ng hindi siya pumapayag. Ngunit bago pa man siya nakapagsalita ay agad na nitong dinugtungan ang sinabi.

"At kung sakaling tanggihan mo ang offer kong ito ay hindi ako mangingiming tanggalin ka sa trabaho at ipapakulong pa kita, sa mga kuneksyon namin at pera, madali lang para sa akin na gawan ka ng kaso, at iyong kapatid mo na nasa kamay ng mga inutangan nito, sisiguraduhin kong mapapatay talaga. Wag mong iisiping iniipit kita ha. I'm just giving you a choice. So, is it a yes? or a no?" Nakangiti pa nitong tanong sa kanya na tila ba nakakaloko.

Unknown Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon