Nagising ako na hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at wala pa din akong nakikita. Nasi-cr na ako kaya nakakahiya man ay tumawag na ako.
"What do you want?" Tanong sa akin ng robotic na boses.
"I need to use the comfort room."
Walang imik na kinalag nito ang posas ko sa headboard yata. Inalalayan din ako nito. Alam ko na hindi ito ang kwarto na ginagamit ko, dahil mas spacious ito at may aircon pa.
"Just knock once you are done."
Tumango nalang ako saka isinara ang pinto. Hindi ko na iyon inilock dahil hindi naman siguro nito ako para silipan pa, pero ewan din niya sa kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng babaeng robot na iyon.
Nang makatapos na nga siya sa cr ay kumatok na siya gaya ng bilin nito, pero umalis yata ito dahil walang tugon sa kanya gayong inulit pa niya ang katok. Maya-maya ay bumakas na din iyon.
"Why are you knocking from the inside? And why are you wearing a blindfold?" Tanong ng isang may katinisan na boses na nasisigurado niya na nanggagaling sa isang bata. Ito marahil ang apo na ikinikwento sa kanya ng kanyang among babae.
Hindi niya tuloy alam kung ano ang kanyang isasagot sa mga katanungan nito.
"What are you doing here, Jell? I told you not to go in here."
Narinig niyang sabi ng robotic na boses.
"Why is your voice like that, Mommy?" Sa halip ay tanong ulit ng bata.
"Stop asking questions, Jell. Just go to your Lala now."
"But, Mommy-"
"No buts, kiddo. Just go."
"Not until you promise me that you'll answer all my questions later."
Hindi ko maiwasang mangiti sa way ng pag-uusap ng mag-ina.
"Go, Jell! I'm warning you."
"No, Mommy. Make a promise first."
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng babaeng robotic ang boses.
"Fine!" Tila pagsuko na nito sa anak.
"Later, Mommy. Bye Ms. Blindfold."
Ewan niya pero nagtaas siya ng kamay para magba bye din dito. Magaan kasi agad ang loob niya dito, kahit pa nga boses lang nito ang narinig niya.
"Come on." Sabi nito na iginiya na ako kung pasaan.
"Is she your daughter?" Tanong ko pa din kahit alam ko na naman ang sagot. Gusto ko lang siguro na may mapag usapan kami habang naglalakad.
"Yes." Tipid na sagot nito.
"How old is she?"
"Three."
"Where is her father? If you dont mind me asking."
"I refuse to answer that."
Nilingon ko ito kahit pa nga hindi ko naman ito nakikita.
"Stop asking questions!" May pagka rude na sabi nito kaya naman nanahimik na nga ako.
Hanggang sa iupo na nito ako sa silya na palagay ko ay sa dining.
"I'm going to feed you, okey?"
Tumango na lang ako, as if naman kasi may choice ako di ba. Naisip ko tuloy kung ganito din kaya ang feeling ni Jenn noon? Namimiss ko na siyang talaga. Kumusta na kaya sila ngayon ng anak namin? Wala sa sariling napabuntong-hininga na lang ako.