Chapter 1: Life is hard. Endure it. Survive.

2.2K 96 13
                                    

​     LIFE is a dirty game for an 18 years old, senior high school student, Matilda Quijano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​     LIFE is a dirty game for an 18 years old, senior high school student, Matilda Quijano. Unlike the majority of young adults, she already knew the fact that surviving in this world is a tough battle. It's a fight against everyone and most especially... a fight with yourself.

​     Sa pagsikat ng araw sa maliit na probinsya ng Victoria, awtomatikong nagsisimulang muli ang buhay ng mga normal at ordinaryong tao. Gumigising sila upang pumasok sa trabaho o 'di naman kaya ay sa eskwelahan. Panibagong simula, panibagong pag-asa, iyon ang nasa isip ng karamihan.

​     Ngunit para kay Matilda, ang muling pagsikat ng araw ay parte lamang ng kanyang mahabang pagdurusa. Isang laban na tila ba'y hindi matapos-tapos dahil sa walang tigil na pag-ikot ng mundo.

​     Sanay na ang katawan ng dalaga sa maaga nitong pag-gising kahit na tatlong oras lamang ang kanyang tulog at pahinga. Hindi mo siya mariringgan ng kahit na anumang reklamo sa buhay. Larawan ng isang matatag, matigas, at matapang na babae ang makikita sa kanyang pagkatao. Malayo ang kanyang imahe sa dating Matilda Quijano. Kung mayroon mang dapat sisihin, iyon ay ang mapaglarong buhay. Ang mapaglarong buhay ang siyang humulma at nagpabago sa kanya sa pamamagitan lamang ng isang kisapmata.

​     Isang malakas na pag-iyak ang siyang pumaibabaw sa katahimikan na namamayani sa loob ng malaking bahay. Dahil luma na at halos walang laman na kagamitan ito, rinig na rinig ang hagulhol ng babae na nagmumula sa ikalawang palapag.

​     Despite of that alarming noise, nagpatuloy si Matilda sa kanyang ginagawa. Kalmado niyang hinintay na lumambot ang instant noodles na nasa cup. Ramdam ng kanyang nagbabalat at puro kalyong palad ang init na umaakyat sa manipis na librong ginawa niyang pantakip doon.

​     Makalipas ang tatlong minuto ay nagtungo siya sa pangalawang palapag. Dala niya ang instant cup noodles sa kanang kamay at isang baso na kalahati lamang ang laman na tubig sa kaliwa naman. Binaybay niya ang mahaba at madilim na pasilyo.

     Sa kanyang bawat hakbang, mas lumalakas ang iyak na kanyang naririnig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Sa kanyang bawat hakbang, mas lumalakas ang iyak na kanyang naririnig. Huminto siya sa huling pinto sa kaliwang bahagi at sandaling inilapag sa sahig ang mga hawak. Binuksan niya ang pinto gamit ang susi na suot niya bilang kwintas.

​     Nang tuluyan niyang itulak papasok ang pinto, awtomatikong tumigil sa pag-iyak ang babaeng nasa loob. Ipinasok ni Matilda sa madilim na kwarto ang baso ng tubig at instant cup noodles. Maingat na inilapag niya iyon sa maalikabok na sahig, hindi kalayuan sa nakabukas na pinto.

Matilda's Alibi [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon