Chapter 3: The fools will play...

1.2K 64 9
                                    

​     NANG matapos tadtarin ni Matilda Quijano ang inihaw na manok na inuwi niya galing sa event na ginanap sa ET Restaurant, dinala niya iyon deretso sa babaeng nakakulong sa pangalawang palapag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​ NANG matapos tadtarin ni Matilda Quijano ang inihaw na manok na inuwi niya galing sa event na ginanap sa ET Restaurant, dinala niya iyon deretso sa babaeng nakakulong sa pangalawang palapag. Ni hindi siya nagtira para sa sarili. At pagkabalik niya sa kusina, doon niya lamang pinagtuunan ng pansin ang nagpoprotestang sikmura at mga bituka niya. She searched every drawers and luckily found one chicken flavored noodles at the bottom. Kahit papaano ay nabuhayan siya ng loob, knowing na hindi siya magtitiis ng gutom sa gabing iyon.

​ Mabilis niyang inihanda ang luma at mauling na kaldero. She went outside the old house upang lagyan iyon ng tubig galing sa makalawang na poso na nasa likurang bahagi ng bahay. Then she went back inside. Ipin'westo niya ang kaldero sa nakahandang mga kahoy sa loob ng maagiw na chimney sa salas. Hinagilap niya ang lighter. Bigla na lamang sumirok ang kanyang pinanghahawakan na pag-asa nang kahit na anong gawin niyang pindot doon ay hindi iyon sumisindi. Wala na iyong laman.

​ Her tired body fell on the cold, and dusty floor. Walang kalakas-lakas niyang ibinato sa kung-saan ang walang silbing lighter. She heard the growl from her empty stomach. Ramdam niya din ang mahapdi at makirot na paghilab nito. Pinilit niyang tumayo at kuhanin ang kaisa-isang noodles na mayroon siya. Binuksan niya iyon at nanginginig ang mga kamay na inilabas ang noodles mula doon. Desperadong malagyan ang kanyang kumakalam na tiyan, pinilit niyang lunukin ang hilaw na pagkain. Pikit mata niyang inubos iyon.

​ Ngunit kahit na anong pilit, hindi naiwasan ng kanyang katawan na magprotesta. She coughed up the raw noodles. Nagmadali siya sa pagkuha ng bottled mineral water na mga nakatambak lamang sa ibabaw ng kitchen counter, ngunit lahat ng kanyang madampot ay wala ng laman. She then realized na dinala na niya sa babaeng nasa second floor kanina ang huling isang baso ng tubig na mayroon siya.

​ Dahil wala na siyang ibang pamimilian, nagdesisyon siya na inumin na lamang ang tubig na kinuha niya mula sa poso. The water had a metallic smell and taste. Obviously, hindi maganda ang maidudulot nito sa katawan niya. Ngunit upang mabuhay at makasurvive sa walang tigil niyang pag-ubo ay kinailangan niyang inumin iyon.

​ After surviving her dilemma, she found herself sitting on the ground while hugging herself tight. Nakaramdam siya ng awa sa sarili. It was not the first time she felt that kind of emptiness and sympathy for herself. Ang katotohanan ay hindi nawawala ang ganoong pakiramdam sa dibdib niya. Ngunit mayroong mga oras na tila ba'y nanununtok ang pakiramdam na iyon sa puso niya katulad ngayon. She was helpless. She wanted to release that feeling upang kahit papaano'y makatulog siya at makapagpahinga. But as the time ticks, lalo siyang nilalamon ng kalungkutan. Sadness was slowly crawling onto her veins. Leaving her numb, and that was the most saddening part. She can't cry. She don't know how to.

***

​ Paulit-ulit na katok ang ginawa ni Detective Lotega, hanggang sa magbukas ang pinto ng bahay ni Carlo Malay—kasintahan ni Ciello Magpantay.

​ Isang payat na lalaki ang bumungad sa pinto at iritadong humarap sa matandang detective. Kapansin-pansin ang nakatattoo na cobra sa kanang braso niya dahil sa suot na sandong maluwag. Magulo, malangis, at hindi kaaya-aya ang amoy ng kanyang hanggang balikat na buhok. Bakas sa mapungay at mapula niyang mga mata na wala siyang tulog sa loob ng ilang araw. He was wearing only his black boxer shorts bilang pang-ibaba. He leaned on the door, at tiningnan nang masama ang matandang istorbo. "Anong kailangan mo?"

Matilda's Alibi [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon