Chapter 2: Cheats, fears, sweat, and tears.

1.3K 69 3
                                    

​     ISANG sorpresang pagsusulit ang ibinigay ni Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​ ISANG sorpresang pagsusulit ang ibinigay ni Mr. Pulboros sa Grade 12- Apollo. Majority ng klase ay hindi handa. Mangilan-ngilan lamang ang makikitaan ng gana sa pagsagot sa test paper.

​ Habang seryosong sinasagutan ni Matilda ang huling numero, napansin niya na pasimpleng may pinagpapasa-pasahan na maliit na papel ang mga kaklase niya. At nang makarating ang papel na iyon sa estudyanteng katabi niya, narinig niya ang mahinang pagtawag nito sa pangalan niya.

​"Matilda..." Bakas ang takot sa mahinang boses ni Reinalyn Dumaga. Nais niya sanang ipasuyo ang maliit na papel at iabot ito kay Floral Perez—ang estudyanteng nakaupo sa harapan ni Matilda. Bakante kasi ang upuan na nasa harapan niya, kaya't wala siyang ibang choice kung hindi padaanin iyon sa katabing dalaga.

​ Matilda didn't even move an inch. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang seatmate na tumatawag sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang pagsagot sa pagsusulit.

​ Reinalyn gasped in annoyance. Hindi siya makapaniwala na hindi siya pinansin at ayaw makipagcooperate ng supladang kaklase. Gayunpaman, gumawa pa rin siya ng paraan upang maipasa ang maliit na papel sa naghihintay na kaibigan. Though medyo malaki ang gap between them—talagang sinadya ng professor nila para walang makapagkopyahan, inextend ni Reinalyn ang braso at kamay niya upang siya na lamang mismo ang mag-abot ng papel kay Floral.

​ Sakto naman na natapos si Matilda sa pagsagot sa kanyang test paper. Walang hesitation siyang tumayo upang ipasa iyon sa nakabantay na guro sa bandang unahan ng classroom. Nagcause iyon ng ingay dahil sa umisod na upuan niya.

​ Nadako ang atensyon ni Mr. Pulboros sa direksyon na pinanggalingan ng ingay. Nanlaki ang mga mata niya nang mahuli niya sa akto ang dalawang estudyante niya na may kahina-hinalang papel na iniaabot sa isa't-isa. "Dumaga! Perez! Anong ginagawa ni'yo?" Galit na lumapit ang kalbong guro sa dalawang estudyante sa likuran ng classroom. Inagaw niya ang maliit na papel at ineksamin iyon. He found out na isa pala iyong kodigo. Biglang tumaas ang dugo sa kanyang ulo at batok. He became a red tomato dahil sa sobrang galit. "Kayong dalawa! Out..." Sandali niyang tinapunan ng tingin ang dalawa. "Now!"

​ Reinalyn at Floral had no choice kung hindi sundin ang high blood na professor.

​ Nagpatuloy si Matilda sa paglalakad patungo sa unahan ng classroom. Iniwan niya sa table ng guro ang kanyang test paper, 'tsaka siya bumalik sa sariling upuan na parang walang nangyari.

​ Nang matapos ang third period class nila, sinugod ni Reinalyn at Floral si Matilda.

​"Hoy! Kailangan mo ba talagang gawin 'yun? Nananadya ka eh 'no?" Nanlilisik ang mga mata ni Reinalyn habang nakatitig sa dalagang nakasubsob sa armdesk na tila ba'y natutulog.

​ Floral gasped out loud. Hinawi niya ang kanyang tuwid at hanggang balikat na buhok papunta sa likod. "Bingi ka ba?" Dahil sa inis ay sinipa niya ang paa ng upuan ni Matilda. "Dahil sa'yo, kailangan naming mag-special exam kay tandang kalbo!"

​ Dahan-dahan na dumeretso ng upo si Matilda. Irritation was written on her face. Hindi niya nagustuhan ang pang-iistorbo ng mga kaklase niyang bully. Gusto niya sanang makaidlip kahit sandali lamang ngunit hindi na iyon posible dahil sa ingay nila. She glared at the two female students na nasa harapan niya.

Matilda's Alibi [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon