Napariin ang pagkakahawak ni Detective Lotega sa case report ng nasunog na vacation house noong December 31, 2018 sa Probinsya ng Sanghae. Disappointed siya na makitang basta na lamang isinara ang kaso without doing a proper investigation. It was clear na mayroong theft and arson na naganap, but according to the case report, walang nakuhang matibay na ebidensya na outsider ang arsonist at hindi rin kumpirmado kung may nakuha talagang materyal na bagay sa loob ng vacation house. It was stated there na aksidente ang nangyaring pagkasunog at pagkamatay ng tatlong katao.
"Sir, saan ba tayo pupunta?" Inosenteng tanong ni Detective Santiago sa kanyang superior.
"Sa Sanghae. May kailangan akong tapusin na imbestigasyon."
Nagtataka man kung ano ang ibig sabihin ng matandang detective ay tahimik na lamang siyang nagpatuloy sa pagmamaneho.
***
October 30, 2019
Halloween party ng buong Victoria High at kanya-kanyang pakulo ng costumes ang bawat estudyante. It was an event na mayroong gradong nakasalalay kaya't lahat ng mayroong pakialam sa grado ay napilitang pumunta.
Matilda was present at the party. Suot niya ang isang itim na bestida at itim rin na maskara.
Upon arriving at the school's gymnasium, bumungad sa kanya ang nakakabinging tugtog mula sa mga naglalakihang speakers. Almost everyone was dancing to its beat. Nakakaliyo ang disco lights na tila ba sumasayaw rin.
Suddenly, the school's principal stole everyone's attention. He made a long boring speech na siyang ikinababa ng energy ng mga estudyante. Gayunpaman ay wala silang ibang choice kung hindi ang makinig.
Nakita ni Matilda ang paglabas ng gymnasium nina Lean at Reina. She followed them, secretly.
As the two suspicious students stopped from walking, Matilda quietly hid behind a big tree upang makinig sa kung anumang pag-uusapan ng dalawa.
"Anong gagawin natin? Pati si Christopher nawawala na! Ngayon mo sabihin na coincidences lang ang lahat!" Naroon ang galit sa boses ni Reina.
"P'wede ba, Reina..." He was annoyed. Bakas iyon sa mukha niya at sa paraan ng pagtitig niya sa kaibigan. "H'wag ako ang tanungin mo! Tandaan mo, hindi lang ako ang may kasalanan. Lahat kayo pumayag sa planong 'yon. Isa pa... ang sabi naman ng mga magulang ni Top, nawawala pati mga damit at personal na gamit ng anak nila. Posibleng naglayas nga lang talaga ang mokong! Alam nating nahihirapan na ang kaibigan nating 'yon sa problema ng mga magulang niya. Ilang beses na nga niyang sinabi sa atin na gusto na niyang magpakamatay, 'di ba? Hindi mo 'yon naaalala?"
Bahagyang hinampas ni Reina ng handbag sa dibdib ang binata. "Ewan ko sa'yo! Tingnan natin kung sinong susunod sa ating dalawa."
Agad na nagtago si Matilda nang makita niyang pabalik na si Reina sa loob ng gymnasium.
BINABASA MO ANG
Matilda's Alibi [COMPLETED]
Mysterie / ThrillerIsang senior high school student sa Victoria High si Matilda Quijano. She started living a depressing life matapos mamatay ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa isang trahedya. Inilayo niya ang kanyang sarili sa lahat. Being an outcast and an odd...