Epilogue: This is not the end.

1.6K 82 58
                                    

​'Sa maikling panahon na nakilala kita, nalaman ko na isa kang mabuting tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Sa maikling panahon na nakilala kita, nalaman ko na isa kang mabuting tao. Sa darating na VBL, sa susunod na sabado, magkita tayo. May sasabihin ako sa'yo. Maghihintay ako. Hihintayin kita, Matilda.'

     ​Hawak-hawak ang pag-asa na darating si Matilda, patuloy sa pagtibok nang mabilis ang puso ni Jin. Ni hindi na niya magawang makapagfocus para sa magbubukas na laban nila. He kept on looking around the court, searching for his love.

​     Until the game finally began.

     ​The whole day of VBL was intense and tiring. Bakas iyon sa mga mukha ng bawat players from different teams.

​     Around 10 in the evening, natapos ang last game at itinanghal na champion ang team ng Victoria High.

     ​"Coach, libre naman d'yan!"

     ​"Sige, sige. Sagot ko na ang hapunan ni'yo!"

​     Napuno ng hiyawan ang buong court dahil sa pahayag na iyon ng kanilang coach.

​     Sa peripheral view ni Jin, he clearly saw Matilda on the court's entrance. Dahil doon ay agad siyang nagtatakbo palabas. Sa kabila ng tawag sa kanya ng kanyang mga kasamahan, patuloy siya sa pagtakbo upang hanapin at sundan ang dalaga.

​     The night was getting deep at hindi sapat ang liwanag na ibinibigay ng mga poste sa paligid.

​     Kahit na anong gawin niyang paghahanap sa labas ng event place ay wala siyang makitang Matilda Quijano. Alam niya sa kanyang sarili na ang dalaga talaga ang kanyang nakita at hindi lamang iyon isang ilusyon. Alam niya sa puso niya na dumating ito.

​     But it was also clear that she didn't want him to see her.

​     That was when Jin realized that he didn't actually won the game. Panalo nga siya sa basketball ngunit talo naman sa laro ng pag-ibig.

     ​"Jin! Ano bang ginagawa mo dito? Kanina ka pa pinapatawag ni coach! Manlilibre siya ng hapunan. Tayo na!"

​     Hindi na nakatanggi si Jin sa ginawang pag-akbay sa kanya ng kagrupo. Carrying a heavy heart, he left.

​     Napakahirap sa parte ni Matilda ang ginawa niyang pagpigil sa sarili upang hindi lapitan ang lalaking sinadya niya sa lugar na iyon. Mayroon rin siyang gustong sabihin dito, ngunit hindi siya nagpadala sa nararamdaman. With a clenching fists, she went out of her hiding place.

     ​'Pagkatapos ng lahat, I realized something. Hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Minsan kung ano pa 'yung ayaw na ayaw kong mangyari, iyon pa ang ibibigay sa akin ng mundo. Ilalayo niya 'yung ipinagdadasal ko para maging patas sa iba. Kailangan niya akong saktan, bugbugin, bawian ng buhay... para sagipin ang iba.'

​     Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya si Jin. Bagamat likuran na lamang ng binata ang kanyang tanging nakikita, the guilt and pain was torturing her.

     ​'Nagkakamali ka, Jin. Hindi ako isang mabuting tao. I have sinned. Heaven and earth will curse me. Habambuhay akong parurusahan. Mas mabuti pa kung... kalimutan mo na ako. Kalimutan mong may nakilala kang isang Matilda Quijano.'

​     Pinunasan niya ang tumulong luha sa kanyang pisngi.

     ​'I'm sorry... and thank you. Nel Jin Lagram, isa kang magandang panaginip sa gitna ng walang katapusang bangungot ng buhay ko.'

​     Matilda smiled painfully as she walked away.

***

​     The bus stopped on the last station sa malaking probinsya ng Hostaria.

​     Bakas ang contentment sa magandang mukha ni Matilda nang siya ay bumaba sa transportasyon. Sandali siyang huminto sa paglalakad sa terminal. Inayos niya ang pagkakasuot ng itim na face mask sa kanyang bibig at ilong. Bahagya niya rin ibinaba ang suot na sumbrero upang mas matakluban pa ang kanyang mukha. Behind those hideous things she was wearing, she smiled. Then she continued to walk away.

​     The dark past will forever haunt her, but she was determined to use that experience and pain as a strong wall that will protect her from future harms.

​     Handa na siyang tahakin ang panibagong buhay na ihahatid sa kanya ng mundo at ng kalangitan.

END

Thank you for reading!

Additional Promotion:
I'm currently working on a new crime fiction novel titled 'Come Home, Epiphany'. If you're interested add it to your library to receive notification every time na may update.  🖤🖤🖤

  🖤🖤🖤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matilda's Alibi [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon