"Bakit, pre? Wala na ba talagang pag-asa na mahanap 'yung nagnakaw at nagsunog sa bahay nila?" The other detective sounded clueless. Itinigil niya sandali ang pagtatype sa keyboard.
"Walang lead! Ipinapasara na nga ni chief, eh. Sakit lang daw ng ulo. Wala naman nang maghahabol sa kasong 'yun bukod sa makulit na anak nu'ng namatay. 'Yung nanay niya luka-luka na. Hindi na makausap ah! Bankrupt na rin 'yung business ng pamilya nila! Kaya ano pa, 'di ba? Walang importanteng taong maghahabol, walang pera, walang lead, itago na lang sa baul!"
"Kawawa naman 'yung bata."
"Hindi na bata 'yun! May isip na siya! Pasasaan ba't makakalimot din 'yun!"
Matilda clearly heard everything from afar.
Mula noon ay nawalan na siya ng tiwala sa mga pulis. Hindi na siya muling nagtungo sa SCDO. Nagdesisyon siya na siya na lamang mag-isa ang hahanap ng hustisya. Holding only her faith and a bit of hope, sinimulan niya ang paghahanap ng ebidensya upang makilala at matagpuan niya ang mga may sala.
Sa muling pagbalik niya sa mansion na nasunog, she remembered and realized something. Naalala niya ang gabing may nasagasaan sila sa intersection. It was weird, dahil ang kalsadang pinanggalingan ng babaeng napilayan ay ang kalsadang patungo sa vacation house nila. Walang ibang bahayan sa paligid noon. Napalilibutan ito ng mga matatayog na punongkahoy. Kung tatahakin ang kalsadang iyon, walang ibang mararating kung hindi ang vacation house nila na nasa pinakadulong bahagi nito.
'Saan sila galing? Bakit sila lumabas mula sa kalsadang daan patungo sa vacation house namin?'
Her confusion became a hunch. She started to believe that the group of teenagers were somehow connected in the case.
Hinanap niya ang kanyang dating driver na si Mang Isko. Isang buwan ang nakalipas bago niya natunton ang matanda. Nagmakaawa siya ng buong puso, para lamang makipagkita sa kanya ito.
"Ma'am Matilda, eh... pasensya na ho kayo talaga. Natakot ako. Sa dami nang naghahabol ng pera sa mga magulang ni'yo eh... pati pamilya ko natunton nila. Kaya naman kinailangan ko talagang magpakalayu-layo kasama ang pamilya ko para hindi kami madamay. Pasensya na ho talaga, ngayon lang ako nakakuha ng tiyempo na makipagkita sa inyo." Mababakas sa mukha ng matandang driver ang pagiging totoo niya sa paghingi ng tawad.
"Okay lang ho. Naiintindihan ko kayo." Matapos ilagay ni Matilda ang isang sd card sa kanyang cellphone, agad niyang pinanood ang mga video na nakasave doon.
"Eh... ma'am, iyan lang ho ba talaga ang kailangan ni'yo? Mabuti pala at naitago ko pa 'yang memory card ng black box ng kotse ni'yo."
She paused the video sa frame na kita ang pangalan ng bus. "Maraming salamat ho, Mang Isko. Napakalaking tulong nito para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila."
BINABASA MO ANG
Matilda's Alibi [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang senior high school student sa Victoria High si Matilda Quijano. She started living a depressing life matapos mamatay ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa isang trahedya. Inilayo niya ang kanyang sarili sa lahat. Being an outcast and an odd...