"Chief, ako ang may hawak ng kaso ni Ciello Magpantay!"
"P'wede ba, Lotega? Nakatambak na ang kasong pinahahawak ko sa'yo! H'wag mong sayangin ang oras mo sa kasong ibinigay ko na sa iba!"
Malakas na inihampas ni Detective Lotega sa wooden desk ng kanyang superior ang bagong case report na ibinigay sa kanya nito.
Nakakutob si Chief Dover na hindi pa rin titigil ang matandang subordinate kaya't bago ito makalabas ng kanyang office... "Lotega, sa oras na mabalitaan kong nakikisawsaw ka sa kaso ng mga estudyanteng nawawala, suspension ang aabutin mo."
It was a threat, ngunit inilabas lamang iyon ng matandang detective sa kabilang taenga niya.
"Sir!" Sinalubong siya ni Detective Santiago. "Nairequest ko na kayo ng bagong stun gun. Katakot-takot na sermon ang inabot ko sa custodian ah! H'wag ni'yo nang iwawala ulit 'yun, ha? Ayoko nang bumalik dun!"
"May ipapagawa pa ako sa'yo. Kuhanin mo 'yung case report ng nasunog na vacation house noong December 31, 2018 sa Barangay Katipon ng Sanghae."
Napakamot sa ulo ang batang detective. "Para saan, sir? Hindi na sakop ng jurisdiction natin 'yun ah."
"Itikom mo 'yang mabahong bibig mo. H'wag ka nang magtanong. Gawin mo na lang."
***
"Dito na lang. Hindi ako magiging komportable kung ihahatid mo pa ako hanggang sa mismong bahay ko."
Sandaling tinanaw ni Jin ang hindi sementadong daan na kailangang tahakin ni Matilda upang tuluyang makauwi.
Agaw-dilim na ang kalangitan. Nagmimistulang matataas na anino ang mga punongkahoy na nasa magkabilang paligid ng daan.
"P'wede mo na bang ibalik sa akin ang bag ko?"
Bagamat hindi sang-ayon si Jin na hayaang mag-isa na lamang ang dalaga hanggang sa intersection na kinaroroonan nila, wala siyang nagawa kung hindi ang ibalik ang backpack nito bilang respeto.
"Kwits na tayo. Ngayon, lubayan mo na ako." Nang masukbit ni Matilda ang bag sa kanan niyang balikat, nagpatuloy na rin siya sa paglalakad.
"Matilda..."
Matilda ignored him. She continued on walking without even looking back.
"Mag-ingat ka..." He sighed nang makuha niyang hindi siya lilingunin ng dalaga kahit na anong tawag pa ang gawin niya. "...lagi."
***
Alas-diyes ng gabi, nasa kalagitnaan nang pag-aaral si Christopher San Jose nang marinig niyang nag-aaway na naman ang kanyang mga magulang. Inihinto niya ang pagsusulat at nahiga na lamang sa kanyang maliit na kama. Magtatalukbong na sana siya ng kumot nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone.
It was a text message from his friend, Hasmin Castillo.
Hasmin: Top... wag mong sabihin sa iba na nagtxt ako sau... naaalala mo ba ung cnabi ko dati na gusto ko ng umalis dito sa victoria?... ngayong binalewala lang ni Jin ang nararamdaman ko... gusto ko ng gawin un... kung totoong mahal mo ko tulad ng sabi mo... di mo ko hahayaang mag-isa... magkita tau sa stoplight ng highway intersection sa brgy apolio... maghihintay ako... Hindi nagtaka si Christopher sa mensaheng natanggap niya. Alam niya na ganoon magtxt si Hasmin—gumagamit ng tatlong tuldok sa bawat katapusan ng pangungusap. Agad na nag-alsabalutan si Christopher. Punong puno ang isang malaking backpack niya ng mga damit at kung anu-anong bagay na mahalaga para sa kanya. Binasag niya rin ang kanyang alkansya at kinuha ang lahat ng laman noon.
Sa bintana ng kanyang kwarto siya dumaan upang makalabas ng bahay nang hindi nakikita ng kanyang mga magulang. Balewala para sa kanya ang malakas na buhos ng ulan. He was too determined and excited na makasama ang babaeng matagal na niyang gusto.
Nang marating niya ang lugar ng tagpuan, basang-basa na siya mula ulo hanggang sa sapatos niyang suot. He waited patiently under the stoplight.
Madalang ang mga sasakyang nagdaraan. Tanging ang ilaw lamang mula sa stoplight at posteng malalaki ang agwat ang pinagmumulan ng liwanag sa naturang highway.
Ramdam ni Christopher ang lamig na bumabalot sa kanyang katawan dahil sa malakas na ulan. Nanatili siyang nakatayo at naghihintay doon sa loob ng halos sampung minuto. Then he saw a woman in white dress.
Nakatayo ito sa kabilang kalsada at nakapayong na dilaw. Natatakluban ng payong ang mukha nito.
Dahil sa lakas ng ulan ay hindi masyadong makita ni Christopher ang kabuuan ng misteryosong dalaga, ngunit nakilala niya ang suot nitong puting damit. "Hasmin? Hasmin!" Patawid na siya upang lapitan ang babae, ngunit biglang may dumaan na isang matulin na kotse. Naudlot ang kanyang pagtawid at natanaw niyang tumatakbo na ang babaeng tinawag niyang Hasmin.
Nang tuluyan siyang nakatawid, sinundan niya ang dalaga papasok sa isang hindi sementadong kalsada. "Hasmin! Hasmin, hintayin mo ako!"
Then his feet led him in front of an eerie old mansion.
"Hasmin? Bakit ka pumasok d'yan? Akala ko ba aalis na tayo ng Victoria?"
Nang wala siyang nakuhang sagot mula sa dalaga, tinigasan niya ang dibdib at pinasok ang madilim na mansyon.
Before he could even make another single step inside, mayroong kuryenteng bigla na lamang dumaloy sa buong katawan niya. In that short second, nawalan siya ng lakas sa buong katawan. It was like his body was paralyzed. Nahulog ang kanyang katawan sa sahig at bago tuluyang magsara ang kanyang mga mata, naaninag niya ang mukha ng babaeng gumawa noon sa kanya.
OOO
BINABASA MO ANG
Matilda's Alibi [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang senior high school student sa Victoria High si Matilda Quijano. She started living a depressing life matapos mamatay ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa isang trahedya. Inilayo niya ang kanyang sarili sa lahat. Being an outcast and an odd...