December 31, 2018
"Wala nang urungan 'to. Nasabi ko na kay boss na papunta na tayo ngayon sa Sanghae." Paglilinaw ni Lean. Nahalata niya ang hindi kasiguraduhan sa bawat mukha ng kanyang mga kaibigan. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago muling nagsalita. "Isipin ni'yo na lang 'yung lola ni Jin. Nasa kamay natin ang buhay niya. Kung hindi natin 'to gagawin, wala nang ibang mapagkukuhanan ng pera ang kaibigan natin. Siguradong mamamatay ang lola niya nang hindi naooperahan. Narinig ni'yo naman 'yung doctor, 'di ba? 'Yun na lang ang paraan para mabuhay si lola. Isa pa, wala naman tayong sasaktan. Malinaw ang pagkakasabi ni boss na walang tao ngayon sa bahay na papasukin natin. Basta... pagkatapos nating makuha ang pera, kailangan nating sunugin ang buong bahay para walang makitang ebidensya ang mga pulis. Madali lang naman, 'di ba?"
Naniwala sina Ciello, Reina, Hasmin, at Christopher sa paliwanag ni Lean. Buong tapang silang dumayo sa probinsya ng Sanghae upang magnakaw.
Nang makarating sila sa target na bahay sa liblib na parte ng Barangay Katipon, napag-alaman nila na mayroong tao sa loob nito—kabaligtaran ng ipinangako ng boss na bukambibig ni Lean. Everyone, except Lean, wanted to back off at h'wag nang ituloy pa ang plano.
But Lean insisted what he wanted. "Sige, ganito na lang. Maghintay kayo dito. Ako na lang ang papasok at kukuha ng pera."
Tulad ng sinabi ng matigas na binata, nagpaiwan nga sa liblib na kakahuyan ang apat na magkakaibigan.
Lean courageously penetrated the house without being noticed. Nakarating siya sa second floor at pinasok ang master's bedroom kung saan nakatago ang vault. He opened it using the passcode na ibinigay sa kanya ng kanyang boss. Nakuha niya ang lahat ng perang nakatago doon nang walang kahirap-hirap. He also escaped without any trouble.
Nang makabalik siya sa pinagtataguan ng kanyang mga kaibigan, lahat sila ay nakarinig ng isang putok ng baril na tila ba'y nagmula sa bahay na pinasukan n'ya. Then he received a message from his boss.
'Sunugin mo. Kung hindi mo gagawin, alam mo na kung anong mangyayari sa inyong lahat.'
It was a threat na hindi nagawang tanggihan ni Lean. Binuhat niya ang dalawang galon ng gasolina. Nagbingi-bingihan siya sa pagpigil sa kanya ng mga kaibigan. Tinungo niyang muli ang bahay at sinabuyan iyon ng gasolina sa loob atsaka sinindihan gamit ang isang lighter.
Agad na lumaki ang apoy sa loob ng vacation house ng mga Quijano.
Nagtatakbo si Lean palayo nang marinig niya ang pag-iyak ng taong nasa loob ng bahay na nasusunog. Nakasalubong niya si Ciello—yakap-yakap ang isang aso.
Nakatulala si Ciello sa bahay na nasusunog. Malakas ang pintig ng puso habang pinapanood niyang lamunin ng apoy ang buong bahay. Natauhan lamang siya nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan. She started to ran away too, kahit kinakain na siya ng kanyang kunsensya.
BINABASA MO ANG
Matilda's Alibi [COMPLETED]
Misterio / SuspensoIsang senior high school student sa Victoria High si Matilda Quijano. She started living a depressing life matapos mamatay ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa isang trahedya. Inilayo niya ang kanyang sarili sa lahat. Being an outcast and an odd...