Chapter 6: Ruined life of an innocent one

1K 58 4
                                    

DECEMBER 31, 2018...

​"Dad? Ang unfair mo! Why did you cancel our flight? You promised me na sa Maldives natin i-spend ang new year's eve! What are you doing in Sanghae? Why do I have to go there?" Hindi maintindihan ni Matilda Quijano ang biglaang pagbago ng isip ng kanyang ama. Hindi niya kayang tanggapin nang ganu'n-ganu'n na lamang ito, lalo pa at nakahanda na ang mga gamit niya para sa vacation nila na out of the country. She was disappointed and irritated at the same time. "This is insane! I already told my friends na sa Maldives tayo pupunta! Why do you have to embarrass me? Now they'll think, I'm just making things up!" She was literally shouting inside the car habang kausap niya sa cellphone ang kanyang ama. Kulang na lamang ay mabingi ang kanyang personal driver na si Mang Isko.

​"Matilda, calm down! You can just tell your friends that our plan was canceled. Mahirap bang gawin 'yun? O kung gusto mo, ako na lang ang mag-eexplain sa kanila. Give me their numbers--"

​ "Dad? Are you insane? I really hate you! Kapag 'yang favorite weirdo twins ni'yo ang nagrequest, nag-aagree kayo agad! You're really unfair!"

​"That's not true. Listen, Johnny and Jenny will tell you something."

​"Forget it! Pababalikin ko na lang sa Yonhwa 'tong sasakyan--" She was not interested na kausapin ang nakababata niyang kapatid na kambal na parehong anim na taong gulang pa lamang. Ngunit bago pa niya maibaba ang cellphone, malinaw niyang narinig ang sigaw ng dalawang bata.

​"Dad will give you the old mansion in Victoria!" The twins' voices were so innocent. Naroon ang excitement at saya na nararamdaman nila para kay Matilda.

​ Samantala, nabalutan ng kasabikan ang dibdib ng dalaga dahil sa kanyang narinig. Tila ba nagkaroon ng kinang sa kanyang kanina lamang ay matamlay na mga mata. "Are you freakin' kidding me? Dad? Totoo ba 'yun? Can I really have that mansion?"

​ Rinig ang genuine na tawa ng kanyang ama sa kabilang linya. Muli ay nasa kanya na ang cellphone. "Yes, Matilda. Nailipat ko na sa pangalan mo ang property. You can now renovate it and turn it into a guest house or whatever you like. So stop whining and get here as soon as possible. Ikaw na lang ang hinihintay namin. Naiinip na ang mga kapatid mo. Hindi daw makapagblow ng candle si Maddy hangga't wala ka dito." He was talking about the twins' dog, Maddy. Kaarawan kasi nito.

​"Alright! I'm already on my way naman na. I think it will take me about... another 2 hours to reach Sanghae." 'Di tulad kanina, bakas na ang saya sa masigla niyang boses.

​"Okay, we'll wait for you. Sabihin mo kay Mang Isko, mag-ingat siya sa pagmamaneho."

​ Tulad ng estima ni Matilda, dalawang oras nga ang nakalipas bago sila nakarating sa Sanghae Province.

​ Matilda was sleeping lightly, when Mang Isko hit the brake agressively. Sa lakas at biglaang friction ng auto, nagising ang dalaga. Gulat at kaba ang bumungad sa kanya nang makita niyang mayroon silang nabunggo. She rolled down the window beside her at doon niya sinilip ang aksidente.

​"Ciello!" A group of teenagers called the young woman na nakaupo ngayon sa gitna ng kalsada.

​ Nabaling ang tingin ni Matilda sa grupong iyon na nakasakay sa isang public bus na kasalukuyang nakahinto rin sa intersection na kinaroroonan nila. Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso nang makita niyang maraming nakawitness sa aksidente. Lahat kasi ng sakay ng bus ay nakasilip na sa bintana.

​ Kinakabahang lumabas ng kotse si Mang Isko. Nilapitan niya ang dalagang nabangga niya at aktong tutulungang makatayo upang madala sa pinakamalapit na hospital, ngunit ganoon na lamang ang gulat ng matanda nang bigla na lamang tumayong mag-isa at magtatakbo nang iika-ika ang injured na biktima. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang panoorin itong makasakay ng public bus. Nang makabalik sa loob ng kotse si Mang Isko, agad na binato siya ng katanungan ng kanyang kinakabahan rin na amo.

Matilda's Alibi [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon