Prologue

3K 55 4
                                    

NAKABIBINGI ang katahimikan sa buong silid at walang maririnig kundi ang tunog na nililikha ng aircon.

Tahimik din namang pinanonood ni Aurora ang mga kasama niya---ang mukha ng mga kaibigan at itinuturing niyang pamilya---na pare-parehong malungkot na nakatingin sa kanya.

"Girls, please tell me you're only joking. Hindi ko na nagugustuhan ang nakikita ko sa mga mukha ninyo." natatarantang pakiusap niya sa mga ito. Pakiramdam niya, anumang oras ay aatikihin na siya sa puso sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng mga ito. "Aurora..." malungkot na tawag sa kanya ni Elsa. Tumayo pa ito at lumapit sa kanya.

Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha niya na mayamaya ay naging hagulgol nang yakapin siya nito ng mahigpit.

"Bakit naman kayo ganyan? Akala ko ba, walang iwanan? Once a fairy, always a fairy, 'di ba?"

"Pero hindi naman habang buhay, ito na lang ang gagawin natin. We have our different lives and dreams to think about. Hindi naman porque hindi na tayo ang Tinkerbell na palaging nagpe-perform sa kung saan-saan, hindi na tayo magiging magkakaibigan. We are all sisters forever." paliwanag naman ni Musika. Nakauklo ito sa harap niya habang mahigpit na hawak ang mga kamay niya.

May punto naman talaga ang mga kaibigan niya. Hindi naman dahil magdi-disband na ang grupo nila ay mawawala na din ang pinagsamahan nila. Ang pagkakaibigan nila. Selfish lang talaga siya dahil ayaw niyang pakawalan ang mga ito.

Pangarap talaga niyang maging performer kahit noong bata pa siya at dahil sa pagkakabuo ng Tinkerbell---ang grupong binuo nila noong unang taon pa nila sa kolehiyo at ang naging permanenteng grupo nila sa iba't-ibang pagtitipon kung saan sila nagsasayaw---, naniwala siyang sa wakas ay matutupad na ang pangarap na iyon. Pero ngayon, pagkatapos ng tatlong taon ay gusto na ng mga ito na tapusin ang nasimulan nila.

Hindi din naman niya masisisi ang mga ito dahil ilang araw na lang at mga degree holders na silang siyam. May sariling pangarap din namang gustong abutin ang mga kaibigan niya. Masyado lang siyang naging attach sa mga ito. Bunso na kasi ang turing sa kanya ng mga kaibigan niya at madalas ay ini-spoil siya ng mga ito kaya naman nasanay siya ng husto.

"We promised, hindi mawawala ang communications natin sa isa't-isa. Mawala man ang Tinkerbell sa paningin ng mga taong nakakakilala sa'tin, alam naman natin sa mga sarili natin na buo pa din tayo, na miyembro pa din tayo ng Tinkerbell at heart." pangako ni Cindy.

"'Tsaka malay mo naman, in the near future ay may pumalit sa'tin. Iyong magiging mas magagaling pa sa atin. Hindi natin masasabi," segunda naman ni Sarah.

Nakapalibot na ang mga ito sa kanya at pinatatahan siya. Masakit man sa kanya na mawala ang Tinkerbell, hindi naman dapat niya ipilit ang isang bagay na siya lang ang may gusto.

Suminghot-singhot siya at pilit na kinalma ang sarili. Matagal na dapat niyang tinanggap na darating talaga ang araw na mangyayari sa kanila ang ganito. There is no permanent thing in this goddamn world. Sadyang napaka-unfair lang ng buhay. Well para sa kanya. Isa pa, puwede pa din naman siyang magpatuloy sa buhay kahit na wala na ang grupong inalagaan niya. Puwede pa din naman siyang sumubok na gumawa ng sarili niyang pangalan sa entertainment industry. Besides, if there's a will, there's a way kaya gagawa siya ng paraan para matupad ang mga pangarap niya kahit na mag-isa na lang siya.

"Sorry for being selfish, girls. Don't worry about me, magiging maayos din ako. Hayaan n'yo na lang muna siguro ako." aniya nang sa tingin niya ay nakalma na siya. Kumawala siya mula sa pagkakayakap ni Elsa at sa hawak ni Musika. Huminga siya ng malalim bago tumayo. Tiningnan niya isa-isa ang mga kaibigan niya. Oo at may nararamdaman siyang pagtatampo at sama ng loob sa mga ito dahil sa nangyayari sa kanila ngayon pero alam niya sa sarili na darating ang araw at mawawala din iyon. Masyado lang talaga siyang immature at selfish.

"We're sorry, Aurora. We're really sorry." paulit-ulit na ani Leah.

"Siguro, masama ang loob mo sa amin ngayon o marahil ay nagtatampo ka pero darating ang araw na maiintindihan mo din kami." segunda naman ni Anna.

"Siguro, mali na na-spoil ka namin pero hindi na naman natin maibabalik iyon at hindi namin pinagsisisihan iyon. You will always be our baby sister, Aurora. Ipinapangako ko iyan." wika ni Belle.

Pumikit siya at ilang beses na huminga ng malalim bago siya muling dumilat at ibinigay sa mga ito ang pinaka-magandang ngiting kaya niyang ibigay nang mga sandaling iyon. "Bago tayo maghiwa-hiwalay ng landas, puwedeng may request muna ako sa inyo?"

"Ano iyon? Sabihin mo lang, kung kaya namin gagawin namin." agad na sagot ni Elsa.

"I want us to just gather around the wishing well and make our last wish as a group." ino-obserbahan niya ang magiging reaksiyon ng mga kaibigan niya sa simpleng hiling niya. Wala naman siyang kahit na anong masamang intensiyon sa gusto niyang mangyari, gusto lang niyang sa huling pagkakataon ay magawa nila ang palagi nilang ginagawa kapag may mga mahihirap at komplikado silang desisyon o problemang kinakaharap sa buhay.

Alam niyang nag-iisip ang mga ito at aaminin niyang kinakabahan siya dahil baka hindi siya magawang pagbigyan ng mga ito. Kaya naman nakahinga siya ng maluwang nang sa wakas ay tumango ang mga ito. Lumabas sila ng cabin at pinalibutan ang wishing well na siyang naging saksi sa pagbuo ng grupo nila, ang naging sandalan nila sa lahat ng pagsubok na kinaharap nila sa buhay bilang grupo maging bilang mga indibidwal. Ang balon na nagbigay sa kanila ng lakas ng loob na harapin ang kahit na anong problema na makakaharap nila.

At katulad ng palagi nilang ginagawa, naghawak-hawak sila ng kamay at halos sabay-sabay na pumikit.

Sana, kung anuman ang naging desisyon namin ngayon, hindi namin pagsisihan sa hinaharap. Sana gabayan n'yo po ang mga kaibigan ko sa landas na gusto nilang tahakin. Sana gabayan n'yo din ako sa pagtupad ko sa pangarap ko. At sana, dumating ang araw na mabuo ulit ang Tinkerbell.

Alam niyang sobra-sobra anghinihiling niya pero dahil iyon na ang huli, nilubos na niya. Kahit minsan ayhindi sila binigo ng balon na iyon kaya nasisiguro niyang hindi din siyabibiguin no'n sa mga hiniling niya dito. Hihintayin na lang niya ang tamangoras at panahon na matupad ang mga hiling niya.

Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon