Chapter Five

557 21 0
                                    

"HI SANGMI!"

Bahagyang nginitian ni Sangmi ang pagbating iyon ni Moose. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa labas ng cabin habang hinihintay ang mga kaibigan niya. Pupunta kasi ang mga ito sa bahay nila nang araw na iyon para muling makipag-bonding sa mommy niya at para na din makapag-practice na sila para sa nalalapit nilang performance sa Kfest maging sa birthday party na dadaluhan nila sa susunod na araw.

Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ng mga kaibigan niya nang sabihin niya sa mga ito ang problema sa nararamdaman niya kay Moose at sa tingin niya, tama naman ang mga ito sa dapat niyang gawin. Dapat niyang bigyan ng pagkakataon ang binata na ipakita ang intensiyon nito at kung gaano siya nito kagusto. Gusto din naman niya ito at iyon ang ipinagkaiba no'n sa ibang mga lalaking nagpakita ng interes sa kanya noon na pilit niyang tinatanggihan at iniiwasan.

Well, she's not getting any younger kahit ba sabihing nineteen years old pa lang siya at madami pa siyang panahon para magkaroon ng boyfriend pero kasi, iyon na ang pagkakataon niya para maranasan kung paano ang maging isang normal na babae. Iyong babaeng hinahatid-sundo, binibigyan ng kung ano-ano at ginagawan ng kung ano-anong bagay na romantiko sa paniningin ng iba... katulad ng ginagawa ni Moose para sa kanya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Sangmi at nagsalubong ang kilay nang makitang sunod-sunod na pagkurap ang kasalukuyang ginagawa ni Moose. Bahagya pa ngang nakaawang ang bibig nito.

"Anong nangyari sa'yo? May problema ba?" tanong niya. Nasa pagiging elyen mode na naman yata ang kulot na 'to.

Umiling lang ito ngunit patuloy naman siyang pinagmamasdan. At syempre, nagsimula na naman siyang ma-concious sa hindi niya malamang kadahilanan. Sa lalaking 'to lang siya nakaka-experience ng ganoon gayong sanay naman siyang nagpe-perform sa harap ng madaming tao at sanay na din siya sa atensiyong ibinibigay ng mga lalaki sa kanya.

"Staring is rude, Moose. Stop it." saway niya sa binata. Sumandal siya sa balon at itinukod ang dalawang kamay doon nang nakatalikod. Hindi na talaga siya mapakali dahil sa tinging ibinibigay nito sa kanya.

Sa gulat niya ay bigla na lang itong napahawak sa dibdib nito at huminga ng napakalalim. "I think I'm in love with you."

Napalunok siya at pakiramdam niya ay nahulog sa malalim na balon ang puso niya dahil sa ibinulalas nito. Ano ba ang sinasabi nito? Nababaliw na ba ito? Ang sabi lang nito, gusto siya nito pagkatapos ngayon mahal na siya nito?

"Are you actually aware that that is the first smile you gave me?" namamanghang tanong nito.

"What?"

"Nginitian mo ako, 'di ba?" bigla itong napakamot sa batok. "Ang bilis mo naman makalimot. Ilang minuto pa lang ang nakararaan nang nginitian mo ako tapos kinalimutan mo na agad? Nakakasakit ka naman talaga ng damdamin, Sangmi." eksaheradong bumuntong-hininga pa ito at pumalatak.

Hindi niya napigilang magpakawala ng hagikgik dahil sa kasalukuyang hitsura nito. Animo natalo ito sa lotto kung maka-react na alam naman niyang exaggeration lang.

"My God, Sangmi! Please, maawa ka naman sa kawawa kong puso. Mas sanay ako na sinusungitan at iniiwasan mo ako, hindi ko alam na mas nakaka-in love ka pala kapag naging at ease ka na sa'kin."

Hindi na siya nakapagpigil. Natawa na siya ng malakas. How she likes this cute, annoying and witty guy. "Tumigil ka na nga, Moose. Saktan kita diyan eh." awat niya dito. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap dahil sa pagpapatawang ginagawa nito sa kanya.

"Tumigil ka muna sa pagtawa. Seryoso ako, Sangmi. You are definitely bad for my poor heart. Maaga akong mamamaalam sa mundo kapag ganyan ang ginagawa mo sa'kin." angal pa din nito.

Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon