"SANGMI, aalis ka na?"
Tumigil sa paglalakad si Sangmi at hinarap ang kanyang ina na nakaupo sa sofa. Nagmamadali na siyang umalis dahil dadaan pa siya kay Tinkie bago siya pumunta sa meet-up place nilang magkakaibigan. Napag-usapan kasi nilang sabay-sabay silang pupunta sa venue para siguradong maku-kumpleto silang lahat.
"Opo sana. Bakit po, may problema ba mommy?" agad na tanong niya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa pag-aalalang nababasa niya sa mukha ng kanyang ina.
Naging malikot ang mga mata nito ngunit agad namang ngumiti. "Nothing. Sige, mag-iingat ka. Huwag kang masyadong magpapagabi." Tumayo pa ito at lumapit sa kanya pagkatapos ay hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
"Mommy, anong problema? Hindi ako makakaalis knowing na may hindi ka sinasabi sa'kin." pangungulit niya. Hindi maganda ang kutob niya sa kung ano man ang sasabihin sa kanya ng mommy niya pero mas hindi siya mapapalagay kung alam niyang may dinadala ito nang mag-isa.
Huminga ito ng malalim. "Hindi ba puwedeng mamaya mo na lang malaman pagkatapos ng event na pupuntahan mo?"
"No, mommy. Ngayon na. Sige na, okay lang. Pagkatapos mong sabihin sa'kin, aalis na din ako." pange-encourage niya sa ina.
Muli itong humugot ng malalim na hininga bago tumingin sa mga mata niya. "Your daddy will be home one week from now."
Natigilan siya. Ang daddy niya, uuwi ng Pilipinas? Bakit? Anong meron at naisipan nitong pumasyal sa bansang matagal na nitong hindi tinutungtungan?
"Sangmi..."
Tinitigan niya sa mga mata ang kanyang ina. Punong-puno ng pag-aalala at kalungkutan iyon na ayaw na ayaw pa naman niyang nakikita. Pero ayaw din naman niya itong paasahin na maganda ang magiging pakikitungo niya sa kanyang ama kung sakaling totoo ngang uuwi ito sa bansa. Matagal na siyang nawalan ng amor at pakialam sa daddy niya. Mula pa nang saktan nito ang mommy niya. Hindi din naman ito gumagawa ng paraan para magkaayos silang dalawa kaya mas madali para sa kanya na magalit at magtanim ng matinding sama ng loob dito habang lumalaki siya.
"Mamaya na lang po natin pag-usapan iyan, mommy. Ayoko pong sirain ang araw ko bago ang event." malamig na aniya sa ina. Hinalikan niya ito sa pisngi bago siya tuluyang lumabas sa bahay nila.
Kung ano man ang dahilan ng daddy niya para umuwi sa Pilipinas, wala siyang pakialam. Ayaw lang niyang nakikitang malungkot at nasasaktan ang mommy niya kaya para dito, titiisin niya ang presensiya ng lalaking dahilan kung bakit hindi niya ginustong magmahal at natatakot siyang ibigay ang kanyang puso sa isang lalaki.
"HOY BABAE! Ngumiti ka naman, kanina pa nakabusangot iyang mukha mo eh. Baka makaapekto iyan sa performance mo mamaya, madadamay tayong lahat. Ngumiti ka na, please?"
Pinilit ni Sangmi ang sariling ngumiti kahit na hindi pa din gumagaan ang pakiramdam niya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya at parang gusto na lang niyang umiyak pero alam niyang hindi puwede dahil magpe-perform na sila in less than thirty minutes.
"Yuck! Hindi pala bagay. 'Wag ka na lang ngumiti kung ganyan lang din ang ibibigay mo sa'min. Sumimangot ka na lang ulit." maarteng sabi ni Eena. Katatapos lang siya nitong kilayan at inuumpisahan na nitong lagyan ng blush on ang magkabilang pisngi niya.
"Girls, dalian n'yo na diyan at madami nang tao sa may bandang stage. Baka hindi tayo makadaan mamaya eh." tawag ni Rei sa pansin nila.
"Nandiyan na. Gigilingin ko lang 'tong kaibigan mong ngayon pa napiling mag-tantrums." sagot naman ni Eena.
Bumuntong-hininga si Sangmi at tiningnan si Eena sa mga mata. "Don't worry, aayusin ko ang performance. I won't let this stupid problem of mine get in the way." pangako niya sa kaibigan. Wala pa siyang binaling pangako sa kahit na kaninongkaibigan niya at hangga't maaari, ayaw niyang nag-aalala ang mga ito sa kanya kaya naman pinipilit niyang maging okay sa harap ng iba. Kay Eena lang hindi dahil dito talaga siya kumportableng magsabi ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"Love is not enough for two people to be together." MAN HATER. Paasa. Pabebe. Pa-fall. Ilan lang iyan sa mga bansag sa Koreanang si Sangmi Kwon, presidente ng Hendrix International Dance Troupe at leader ng grupong Tinkerbell. Pero wala siyang pakia...