"KRUNG-KRUNG, have you seen Moose? Ilang araw na kasi namin siyang hindi nakikitang pumupunta dito sa greenhouse at kailangan namin siyang makausap para sa susunod na gig namin."
Nagkibit-balikat lang si Sangmi sa tanong na iyon ni Tyler. Wala siyang gustong kausapin nang mga sandaling iyon at tinatamad siyang gawin ang kahit na ano kaya naman naisipan niyang tumambay na lang sa cabin at tumunganga habang wala pa siyang klase. Minsan, mahirap din pala ang may mahabang break time, nakakapraning at nakakasira ng ulo lalo na kung sa kaibuturan ng puso mo, may isang tao kang nami-miss at gustong makita at makausap.
"Mukhang may saltik na naman sa utak iyang babaeng iyan, wala sa sarili eh. Hayaan mo na lang muna." narinig niyang ani Jazza kay Tyler. Ang sumunod niyang nakita ay ang pagsimangot ng binata at ang pagtalikod nito sa kanya.
Ibinalik na lang niya ang atensiyon sa pagtunganga sa kisame na wala namang kainte-interesanteng bagay na makikita.
"Hoy, anong problema mo? 'Wag mong sasabihing wala dahil sasapatusin na talaga kita. Namumuro ka na sa'kin eh." nanggigigil na tanong ni Jazza nang umupo ito sa tabi niya.
"Nothing. I just don't feel like doing anything." tinatamad na sagot niya. Malamang, talagang maguguluhan at magugulat at lalong maiinis ang mga ito sa ganoong mood niya dahil ngayon lang siya nagpakita ng mga ganoong attitude sa harap ng mga ito.
Napangiwi siya nang bigla nitong hilahin ang dulo ng buhok niya. "'Wag mo sabi akong niloloko eh. Kalbuhin kita, gusto mo? Spill it out or I'll call the girls para mas madami kang audience kapag nagsabi ka ng kung ano man iyang ini-emo mo." banta nito na lalo niyang ikinangiwi. Umiling-iling pa ito. "Nakakapanibago ang mga ganyang attitude mo, parang hindi ikaw iyan eh." dagdag pa nito.
As much as possible, ayaw niyang may nakakaalam ng kahit na anong problemang pinagdadaanan niya sa buhay. Ni wala ngang nakakaalam kahit isa sa mga kaibigan niya ng problema niya tungkol sa kanyang ama at ang dahilan kung bakit mailap siya sa mga lalaking nagpaparamdam ng pagkagusto ng mga iyon sa kanya. Kay Moose na nga lang niya nagawang sabihin ang lahat, nagtalo at nagkainitan pa silang dalawa. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila na iyon apat na araw na ang nakararaan ay hindi na siya nito pinansin. At dahil ma-pride din naman siyang tao, hindi na din niya ito pinansin. Kahit na nagkikita sila sa mga klase ay hindi niya ito pinagkakaabalahang kausapin o tingnan man lang.
Talaga?
Okay sige, madalas sa madalas ay sinusulyapan niya ito kahit na hindi nito alam upang malaman kung tumitingin ba ito sa kanya o nami-miss din ba siya nitong kausap o kasama ngunit sa tuwina ay nanlulumo lang siya dahil hindi naman iyon nangyayari. Dahil kung nami-miss din siya nito, dapat ay nag-uusap na sila ngayon. Siya ang babae, hindi niya pinangarap na siya ang gagawa ng unang hakbang para makipagbati sa isang lalaking nakatampuhan niya.
Mag-jowa ba kayo para isipin mo pa iyan? tanong ng isang bahagi ng isip niya.
Hindi nga. Pero kahit na, dalagang Filipina pa din ako. sagot naman ng kabila.
Ipinilig na lang niya ang ulo upang alisin ang imahe ng lalaking iyon sa utak niya. Baka umiyak pa siya sa harap ng kaibigan niya dahil lang sa isang walang kuwentang rason.
Huminga siya ng malalim. "Magkagalit yata kami ni Moose." Sa wakas ay sagot niya sa tanong ni Jazza.
"At affected ka? Aba himala! Hindi ka naman ganyan sa ibang mga lalaking dumaan sa mga galamay mo ha? Anong meron at ganyan ka ngayon kay Moose? Are you in love with him?"
"Of course, not! Madalas lang kasi kaming magkasama at ang akala ko magkaibigan kami kaya ako naaapektuhan ng ganito na hindi niya ako pinapansin o kinakausap." agad namang sagot niya. Hindi siya in love kay Moose. Hindi siya in love kay Moose. At isa pang hindi siya in love kay Moose!
BINABASA MO ANG
Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)
Romance"Love is not enough for two people to be together." MAN HATER. Paasa. Pabebe. Pa-fall. Ilan lang iyan sa mga bansag sa Koreanang si Sangmi Kwon, presidente ng Hendrix International Dance Troupe at leader ng grupong Tinkerbell. Pero wala siyang pakia...