Chapter Eleven

1.3K 36 0
                                    

TINATAMAD na pumasok si Sangmi sa greenhouse ngunit agad siyang napahinto nang makita ang madaming tao na nagkalat sa loob. Anong ginagawa ng mga ito doon? Mga miyembro lang ng H.I.D ang maaaring pumasok doon bukod sa may-ari ng eskuwelahan, sa apo niyon na si James at sa nobya nitong si Nicolette.

"Hi, Sangmi." bati sa kanya ng isang babaeng estudyante na abala sa pagdidilig ng mga halaman malapit sa balon.

Tinanguan lang niya ito at tuloy-tuloy na inilibot ang tingin sa paligid. Nang mamataan niya si Eena ay agad niya itong nilapitan. "Anong meron at madaming tao dito? Alam ba ni Miss Aurora 'to?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Pagdating ko kani-kanina lang, nandiyan na iyang mga 'yan eh." balewalang sagot nito. Sinundan lang niya ito nang magtungo ito sa round table malapit sa balon at umupo sa isang upuan doon.

"Where are the others?"

Sa halip na sumagot ay itinuro lang nito ang loob ng cabin at agad naman siyang naglakad papunta doon. Sina Jazza at Rei ang naabutan niyang nag-uusap sa sala. "Anong meron sa labas? Bakit madaming tao?" bungad na tanong niya sa mga ito.

"Hindi din namin alam eh. Pagdating namin dito, ganyan na. Hintayin na lang natin si Miss Aurora at baka nagpaalam naman sila." sagot ni Jazza.

"'Wag mo na lang silang pansinin, Sangmi. Hindi naman sila nanggugulo, 'tsaka nililinis nga nila iyong buong greenhouse eh. Pati iyong gilid ni Tinkie, malinis na din." segunda ni Rei.

Nagkibit-balikat na nga lang siya at dumeretso sa kusina. Ayaw niyang nakikihalubilo masyado sa mga tao ngayon, mas gusto niyang mag-isa lang siya at nananahimik sa isang tabi. It's like moving on the second-time around ang peg niya at gusto na niyang makalimot dahil ayaw na talaga niyang masaktan. Quotang-quota na siya eh.

Papunta na sana siya ng dance studio nang makarinig siya ng kakaibang tunog na nagmumula sa labas ng cabin. "Ano iyon?" narinig niyang tanong ni Jazza. Pagkatapos ay narinig na niya ang nagmamadaling yabag ng mga kaibigan niya.

Hindi na sana niya papansinin iyon at itutuloy na lang ang page-emo niya nang makuha ng partikular na kanta ang atensiyon niya.

"Jeongmal neo utgyeo namjaneun da ttokgatae. Mwol moreugo nunchieopgo, nawoncham gigamakhyeo michigesseo. Meorireul bakkugo saerosan gudureul singo. Eotteonyago mureobwado, dodaeche mwoga mwonji moreuneun neo.

"Naemameul pureojulttaen neoui Credit Card, daesin show me a truthful heart. Eonjena nemameun boildeut maldeut, naege jom pyohyeonhaejullae. Saranghandan mal han madi, eonjekkaji mangseorigo isseulgeoni. Oh, neul buteoneun naege jom malhaejwo."

Kunot ang noong napahakbang siya papunta sa labas ng cabin. Sinong may saltik naman kaya sa utak ang magpapatugtog ng ganoon kalakas na music sa loob ng greenhouse? Kahit silang mga miyembro ng H.I.D ay pinagbabawalang magpatugtog ng ganoon kalakas. Kaya nga sa dance studio lang sila nakakapag-soundtrip kapag trip nilang mag-ingay dahil sound proof ang buong silid na iyon.

Nakita niyang nagsasayaw sina Charm, Iane at CC kasama sina Chase at Sean sa gitna ng malawak na hardin. Napataas ang isang kilay niya. Ano naman kaya ang trip ng mga ito?

Napaigtad naman siya ng biglang tumayo si Eena at biglang nag-heart pumping sa harap niya nang hindi siya tinitingnan pagkatapos ay balewalang naglakad ito patungo sa mga sumasayaw.

Noon naman nagpalit ang tugtog. "Jinagabeorin eorin sijeoren pungseoneul tago, naraganeun yeppeun kkumdo kkueotji. Ppalgan pungseoni haneureul nalmyeon naemaeumedo areumdaun gieokdeuri saenggangna.

Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon