Chapter Two

791 23 0
                                    

NAYAYAMOT na nilaro-laro ni Sangmi ang buhok niya habang patuloy na naglalakad. Inaantok na siya at pagod na din ang utak niya pero hindi pa siya puwedeng magpahinga dahil kailangan niyang puntahan si Miss Aurora para sa sorpresa nito sa kanila. Iyon daw kasi ang utos nito sabi ni Red sa kanya.

Parang gusto na nga niyang maniwala na totoo ang sinasabi ng mga ahead sa kanila ng isang taon, na ang pangatlong taon sa kolehiyo ang pinaka-mahirap at pinaka-matrabahong taon para sa isang college student. Well, sanay na naman siya sa mga mahihirap at mata-trabahong gawain dahil unang taon pa lang niya sa kolehiyo ay ganoon na ang nararamdaman niya.

Siya lang naman kasi ang ginawang leader ng mga hampaslupang mga kaibigan niya ng grupo nila. Kahit na ilang beses siyang tumanggi ay hindi siya pinakinggan ng mga ito at dahil majority wins, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang responsibilidad niya. Hindi naman sa ayaw niyang maging leader ng Tinkerbell at HID, ayaw lang niyang ma-disappoint ang mga ito sa kanya kapag hindi niya nagawa ng maayos ang mga tungkulin niya bilang leader ng mga ito at natatakot siyang masyadong maging bossy hanggang sa dumating ang panahon na maiinis na ang mga ito sa kanya dahil masyado niyang minamanduhan ang mga ito. Pero nang kausapin naman siya ni Miss Aurora at sabihin kung ano ang mga dapat niyang gawin bilang leader ng grupo ay bahagya siyang napanatag.

Nang makarating sa faculty ay kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok sa loob. At dahil nasa bungad lang naman ang table ni Miss Aurora, agad niya itong nakita. "Ma'am!" tawag niya sa pansin nito. Hinawakan pa niya ito sa balikat para maramdaman nito ang presensiya niya. Nasisiguro kasi niyang naka-headset ito.

Gusto niyang mapailing-iling dahil abala na naman ito sa panonood ng mga paborito nitong koreanovela. Iyon ang nagiging hobby nito kapag wala itong masyadong ginagawa sa mga libreng oras nito.

Napaigtad ito at marahas na bumaling sa kanya. Sanay na siya sa mga ganoong ekspresyon ng mukha nito kapag naiistorbo sa panonood lalo na kung maganda naman talaga ang pinanonood nito. "What?" mahinang sikmat nito sa kanya.

Sumimangot siya. "Ma'am, naghihintay po silang lahat sa greenhouse para sa announcement ninyo." pagbibigay alam niya. Sa tatlong taong pagkakakilala niya kay Miss Aurora, kilala na niya ang pagkatao, ang ugali pati na din ang mga mannerisms nito. Kaya naman kahit isa sa mga miyembro ng org nila ay walang natatakot sa binibini. Ganoon pa man, malaki pa din ang respeto nila rito dahil kahit na pare-pareho silang mga pasaway, hindi sila sinukuan ni Miss Aurora at habang buhay nilang tatanawing utang na loob iyon dito.

Sumimangot din ito. "Istorbo ka naman, Sangmi eh. Dalang-dala na ako sa acting ni Heechul my love ko pagkatapos, bigla ka na lang darating." reklamo ng guro.

"Kasi naman po, dapat po sa bahay ninyo ginagawa ang panonood ng mga koreanovela na iyan, hindi dito sa school."

Her teacher snorted. "Ewan ko sa'yo. Palibhasa bitter ka lang dahil kaunti lang ang acting projects ng pinakamamahal mong si Donghae." parunggit nito sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya. "Okay lang po, at least guwapo at hindi tumatanda ang mukha. Mas talented pa po kaysa sa Heechul ninyo." ganti niya.

"Ma'am, nakikipagtalo ka na naman sa estudyante mo. Hindi ka naman mananalo diyan kay Sangmi, pumapatol ka pa." singit ng isang professor sa pagtatalo nila.

"Good morning, Sir Edsel." bati niya sa guro bago muling bumaling kay Miss Aurora. Nakasimangot pa din ito. "Ma'am, punta na lang po kayo sa greenhouse ha? Kasama iyong bago naming mga aapihin." nakangising nagpaalam na siya bago nagmamadaling lumabas ng silid.

Wala talagang panalo sa kanya si Miss Aurora kapag KPOP ang labanan dahil sanay na sanay na siyang nakikita ang mga iyon noong nasa Korea pa siya kaya naman alam niya kung ano ang ipanglalaban niya sa tuwing uumpisahan na siyang asarin ng guro.

Love Revolution 1: Sangmi, The Queen Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon