Chapter 3

1.6K 48 2
                                    

"S-SINO ito?" nakapikit pang tanong ni Tasha. Hawak niya ang cellphone at pilit na kinapa ang alarm clock sa night table at pilit na inaninag ang oras mula roon – 5:30 AM. And it's a Saturday.

"Ang pagsintang-pururot mo, gusto mong makita?"

Biglang napaupo si Tasha sa kama at tuluyang nahulog ang alarm clock niya sa sahig. "S-sino ito?"

"Red," walang emosyong sabi ng nasa kabilang linya.

Nang marinig ang pangalan na iyon ay parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. "Mr. Esquivel, wala ka bang relo? Hindi mo ba alam kung anong oras pa lang?" It has been weeks since their unfortunate encounter and she somehow missed him – no, she hates him.

"Nagising ba kita?" natatawa nitong tanong.

"Obviously," iritable niyang sagot. "Ano na namang kalokohan ito?"

"Gusto mo bang makita ang Rafael mo o hindi?" seryoso ang boses nito.

"G-gusto pero-"

"Okay, meet me in front of The Forum later at four, sharp. Ayoko ng late."

"P-pero Red-"

Pero dial tone na ang sumunod niyang narinig. Nanginginig sa galit niyang ibinagsak ang cellphone sa kama, kinuha ang salamin sa mata doon sa night stand at tumayo na. Ayaw sana niyang maniwala na alam nga nito kung nasaan si Rafael pero ano naman ang dahilan nito para magsinungaling? Para mang-good time? Para makabawi sa ginawa niya rito? Pero wala naman siyang ginagawang masama rito and as far as she's concerned, si Red pa nga ang may kasalanan sa kanya dahil sa pagnanakaw nito ng halik doon sa rooftop.

Sinubukan niyang tawagan ang numero ni Red na rumehistro sa kanyang cellphone nang tawagan siya nito. Sasabihin niyang hindi siya sasama rito at hindi siya naniniwalang nahanap nito si Rafael. Pero nakailang re-dial na siya, kung hindi busy ang tone ay walang sumasagot roon.

Argh, I hate him!

Noon, hindi niya alam kung bakit ganoon na lang sambahin si Red ng mga kababaihan. For her, everything about Red Esquivel is overrated. Maganda ang boses nito, magaling itong sumulat ng kanta, mag-direct ng music videos at sabi nga ni Jene ay makatulo-laway ang ka-guwapuhan nito at kakisigan. Perfect, just perfect.

At ngayon, malalaman niyang si Red at si Jared ay iisa? Si Jared na nag-iisa niyang taga-hanga noon na hindi niya alam kung may split personality disorder dahil minsan mabait ito, minsan ay sobrang sungit.

Yes, Red Esquivel, the now popular Sly Crooner used to be Jared Esquivel Santiago, the weird and the grumpy, wimpy boy in her past.

~~

EKSAKTONG alas kuwatro ng hapon ang matanggap ni Tasha ang tawag mula kay Red at kasabay noon ay ang pagparada ng isang malaking puti'ng van sa tapat ng The Forum, kasunod ang isa pang itim na cargo van. Matapos niyang ilagay sa kanyang knapsack ang cellphone ay ininom na niya ang natitirang iced tea at tumayo na para puntahan iyon.

Bumukas ang panggitnang pinto ng van at dumungaw mula roon ang naka-shades na si Red. Nang makita siyang palapit ay bumaba ito.

"Pasok na," sabi ni Red kay Tasha at pagkatapos ay tinapik nito ang gilid ng van.

"R-Red, h-hindi ako sasama. Nagpunta ako rito para sabihin sa iyo na hindi ako sasama."

Tinanggal ni Red ang suot na shades na ipinalangin ni Tasha na hindi na lang sana. Dahil mahirap makipag-usap rito kapag tinititigan siya ng ganoon ng binata.

"Ano'ng hindi ka sasama?" mahinang tanong ni Red at pagkatapos ay tumingin sa loob ng van. "Akala ko ba gusto mong makita ang Rafael mo?"

"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako ginu-good time lang?"

Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara CeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon