Chapter 8

1.4K 39 2
                                    

THE reunion was a blast. Muling nakita at nakakuwentuhan ni Tasha ang mga dating kabarkada at kaibigan, at masaya nilang binalikan ang nakaraan nila bilang mga estudyante ng San Gabriel. There was Imelda, the school nerd, Rosy, ang class clown, si Lerma, the dancer at si Diane, the beauty queen. Iba-iba na ngayon ang buhay ng mga ito – may resident nurse, restauranteur, may teacher, may housewife. Sa apat, si Imelda at si Rosy ang pinakamalapit sa kanya dahil hanggang high school niya nakasama ang mga ito.

Sabay silang pumunta roon ni Red, pero nanatili muna ito sa opisina ng kanilang prinsipal, para na rin makaiwas sa mga tao. He said that it wasn't really necessary but for the school staff, it was SOP.

They almost didn't make it because Red kept on telling her na huwag na lang tumuloy at i-enjoy na lamang nila ang isa't-isa sa bahay at ilang beses pa niya itong kailangang pilitin para lamang pumunta sa reunion na iyon.

Maraming tanong sa kanya ang mga dating kaibigan – tungkol sa kanyang pagsintang-pururot blogpost, tungkol kay Rafael, at tungkol sa 'misteryosong' kasama niyang dumating kanina.

Laking pasalamat niya at hindi na niya kailangang sagutin ang mapanuring mga mata ng mga kaibigan dahil biglang dumilim ang paligid sabay ng pagbukas ng mga ilaw at spotlight sa entablado. Umakyat roon ang kanilang student council president na si Diane, katabi ang kanilang prinsipal. Ilang minutong nagsalita ang mga ito, ipinahayag ang kasiyahan sa pagiging matagumpay ng kanilang batch reunion, at pagkatapos ay ipinakilala na ang pinakahihintay ng lahat, ang kanilang sorpresa'ng panauhin, ang pinakasikat na alumnus ng San Gabriel Elementary School - si Red Esquivel.

Agad na naghiyawan ang mga tao sa paligid, at nagulat si Tasha na pati ang mga kaibigan niyang kasama sa mesa ay tumayo at tumili nang umakyat na roon si Red. Nakasuot ito ng kanilang itim na batch T-shirt na may tatak sa harapan, at white denim pants. Pero napakasimpatiko pa rin nitong tingnan kahit na ganoon kasimple ang suot nito. Lalo pang lumakas ang hiyawan nang tumayo na ito sa gitna at kinuha ang mikropono mula sa prinsipal.

Red was immediately in his element the moment he started singing. Hindi na ito ang Red na nakakabiruan niya, hindi ito ang Red na 'boyfriend' niya, kundi ito na si Red Esquivel ng Red Jazz. With all those times she spent with him, Tasha almost forgot about him being the Sly Crooner, the new singing sensation. Yeah, he's a famous lead singer of a famous jazz band, an international concert performer pero hindi iyon ramdam ni Tasha. For her, Red is just the same 'ol Jared, the shy and 'sungit' boy who's madly in love with her.

Alam ni Tasha na hinahanap siya ng mga mata ni Red habang kumakanta ito. At nang mapadako ang paningin nito sa direksiyon niya, pasimple siya nitong kinawayan at nginitian, na talaga namang nagpakilig sa mga taong malapit sa kinauupuan niya. At sa ilang saglit, naramdaman ni Tasha na tanging para sa kanya ang kinakanta ni Red, na siya lamang ang kinakantahan nito.

"O my God, puwede ko ba siyang iuwi?" tila nangangarap na sabi ni Rosy, ang class clown. May katabaan na ito ngayon, pero masayahin pa rin. Sama-sama sila sa iisang mesa, na malapit sa entablado. Natapos na't lahat kumanta si Red pero nakatayo pa rin ang mga ito na para bang naghihintay ng encore.

"Fall in line, Rosy," sabi naman ni Imelda na titig na titig kay Red doon sa entabladeo. Bukod sa pagiging valedictorian ng klase sa buong apat na taon nila sa high school, ito rin ang Lt. Col. ng CAT batch nila. Matangkad ito, balingkinitan. Sa kanilang magkakabarkada, ito pa lamang ang may asawa. "Grabe, kung alam ko lang na magiging ganyan ka-guwapo at ka-sikat iyang si Jared Santiago na mukhang tingting noon, naku, nagpapicture na ako sa kanya ng pagkarami-rami!"

Napailing na lamang si Tasha. Paano na lamang kapag nalaman ng mga ito kung sino si Red sa buhay niya? Kanina pa tapos kumanta si Red pero iyon pa rin ang paksa ng usapan nila.

Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara CeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon