Chapter 11 (Ending)

1.7K 71 8
                                    

AFTER ONE YEAR...

"NARINIG mo na ba ang balita, girl?"

Napatingala si Tasha nang biglang lumitaw sa tabi niya si Jene. May hawak itong magazine na agad ibinigay sa kanya. Itinuro ng kaibigan ang bahagi kung nasaan ang tinutukoy nito. Babasahin na sana nito iyon pero inunahan na siya ni Jene.

"...Red Esquivel, together with the Red Jazz is now set for their first world tour. According to their manager, Mr. Raul Servantes, the tour has been planned for years and they're actually pleased now that Red has finally agreed..."

"Alam mo ba ang tungkol rito?" nakalabing tanong ni Jene sa kanya matapos nitong maupo.

Tapos na niyang basahin ang article tungkol kay Red pero nanatiling nakatingin roon sa magazine si Tasha. Aalis na si Red, at hindi malayong matagalan ang balik noon – tatlong buwan, apat, o baka abutin pa iyon ng taon. At aalis si Red nang hindi pa rin sila nagkakausap.

Sayang. Akala pa naman niya ay 'happy ever after' na ang kasunod ng lahat pero totoo pala na ang happy ending ay nangyayari lamang sa fairy tales. Totoo'ng buhay iyon kaya kailangan na lang niyang kalimutan si Red at ang lahat ng may kaugnayan rito kahit pa alam niyang imposible, lalo na't and sikat na The Sly Crooner ang kasama sa usapan.

"So, hahayaan mo na lang siyang umalis nang ganun-ganoon na lang?" narinig niyang tanong ni Jene. "Akala ko ba mahal na mahal mo?"

"N-niloko niya 'ko, Jene," mahina niyang sabi. Kahit maraming buwan na ang nakararaan ay hindi pa rin niya malimutan ang ginawa ni Red.

"Pero ginawa lang niya 'yon dahil mahal na mahal ka niya. OMG, Tasha. Umayos ka nga. Okay lang sana kung ibang lalaki lang 'yon eh pero hindi, girl. Si Red Esquivel ang pinag-uusapan natin dito – si Red Esquivel. Isang taon na 'yung nangyari, Tasha, puwede bang kalimutan na? Sa tinagal-tagal ka niyang minahal at sa dinami-rami niyang ginagawa para lang patunayan sa iyo na sobrang mahal ka niya, OMG ka talaga kapag hinayaan mo siyang mawala sa buhay mo. Hindi nga siya ang pagsintang-pururot mo pero siya 'yung totoong nagmamahal sa 'yo. In fact, indi ka lang niya mahal na mahal, girl. Obsessed na obsessed siya sa iyo. Susmio, si Red Esquivel, O-B-S-E-S-S-E-D sa iyo, Tasha! Choosy pa ba?"

~~

"...'YUNG tao'ng akala mo ay kilalang-kilala mo na, pero hindi pala; 'yung pakiramdam na siya na talaga ang para sa iyo, pero isang araw, gugulatin ka na lang ng tadhana..."

Iyon ang blog post ni Tasha na alam niyang tungkol sa kanya. That was a year ago, right after the spat they had. Masakit pero hindi niya mapigilan ang sariling paulit-ulit iyong basahin, na para bang makakatulong iyon para mag-milagro at muli siyang mahalin ng dating kasintahan.

Isinara niya ang kanyang computer tablet at lumabas na ng kotse. Dapat ay tanggap na niya na ganoon ang kinahinatnan nila pero mas mahirap pala ang sitwasyon kaysa sa inakala niya.

Mula nang mawala sa buhay niya si Tasha, pinilit niyang maging abala - mga rehearsals, gigs, guestings, photoshoots...good time, parties, mga babae. Ganoon naman talaga ang buhay niya noon, bago pa niya muling makita si Tasha at muli nitong guluhin ang kanyang utak. Pero ang malaking problema niya ngayon ay kahit anong gawin niya ay hindi na niya maialis sa utak niya ang dalaga dahil sumiksik na ito sa kasuluksulukan ng kanyang puso.

Hanggang ngayon ay sising-sisi pa rin siya at hindi niya alam kung bakit niya naisip gawin ang lahat ng ginawa niya kay Tasha. Basta ang alam lang niya, ayaw niyang mawala ito sa kanya, katulad ng nangyari noong high school sila, at naulit ang lahat ngayon.

Kaya naman nang mabasa niya ang blog post ni Tasha tungkol sa reunion, he made sure that he'd see her again, that he has to see her first bago nito makita si Rafael.

Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara CeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon