Chapter 10

1.2K 33 8
                                    

  "ANO ang dahilan niyang mga ngiti mong iyan, girl?" panunuksong tanong ni Jene nang maabutan siya nitong nakangiti habang nagta-type sa laptop. Sa totoo lang, ilang araw na siya nitong nahuhuling nakangiting mag-isa. "Kailangan ko na bang tumawag ng doktor?"

Muli, ngiti lang ang isinagot niya rito. Ilang buwan na rin simula nang magkaayos sila ni Red at nagpatuloy ang pinag-usapan nila, na ililihim nila ang tungkol sa relasyon nila para sa career nito. It was a mutual decision, and she thought that it's best that way. Bukod sa katotohanang maraming maaapektuhang fans sa pagkakaroon ng nobya ni Red at ayaw niyang pumasok sa mundo nitong maingay at magulo, sigurado siya na kapag ipinakilala siya nitong girlfriend ay maraming magagalit sa kanya, at hindi na siya tatantanan ng media. She's fine with being Red's 'hush-hush girlfriend' and she could actually live with that.

"Miss Tasha, may bisita po kayo."

Malaki ang pagkakangiti ni Kyla nang sabihin nito iyon. Kapwa sila napatingin ni Jene rito, lalo na sa lalaki'ng nasa likod nito. The guy was wearing black shirt, distressed denim pants, and sneakers. Those aviator sunglasses and dark brown fisherman cap didn't help his disguise. Hindi napigilan ni Tasha na mapangiti.

Iniwan na ni Kyla ang binata roon sa harap niya. Nakatingin sa kanila ang ilan nilang kasamahan, ang iba ay nag-uusyoso kung sino ang bagong dating.

"Clever disguise," natatawa niyang mahinang sabi rito.

Naupo si Red sa upuan sa harap ng kanyang mesa, nakangiti. "Thank you. Sabi naman sa'yo, magaling akong mag-disguise."

How cute could he be? Gusto niya itong yakapin, pero hindi maaari. Napailing na lang siya at tiningnan ang mga tao sa paligid bago muling nagsalita. "Anong ginagawa mo rito? Mamaya na 'yung awards night hindi ba?"

"Yeah, dumaan lang ako sandali. I miss you already," sabi nito. "I was supposed to get you some flowers kaya lang-"

"Shh, baka may makarinig sa 'yo," mahinang sabi ni Tasha sabay lagay ng hintuturo sa tapat ng bibig. Nang tapunan niya ng tingin si Jene ay pasimple itong nakatingin sa kanila.

Ngumiti si Jared at tumayo na rin. Alam nitong hindi ito maaaring magtagal roon. Pagkatapos siya nitong bigyan ng lihim na 'flying kiss' ay patakbo nitong tinungo ang elevator. At nang tuluyan nang nawala sa paningin niya si Red ay siya namang lapit ni Jene sa kanya.

"OMG, ano'ng ginagawa ni Red my labs rito?" tanong ni Jene. Ang kaninang kunot na noo ni Jene ay napalitan ng abot-taingang ngiti.

Sabi na nga ba niya, hindi kailanman magtatagumpay si Red sa pagdi-disguise nito.

"Sinasabi ko na nga ba, may kababalaghang nangyayari sa inyong dalawa ano? Kaya ba kakaiba ang kislap ng mga mata mo these days, ha, girl?"

Siguro nga, mahirap itago ang kaligayahan niya ngayon, lalo na sa tuwing napag-uusapan ang tungkol kay Red. Gusto niyang sabihin kay Jene ang lahat, at ipagsigawan sa mundo na nobyo niya si Red Esquivel pero hindi niya kayang ipahamak ang career nito. "Gusto mong manood ng concert nina Red sa susunod na linggo?" Iyon lang ang paraang alam niya para tigilan siya ng kaibigan sa maintriga nitong mga tanong.

Lumiwanag ang mukha ng kaibigan at mabilis itong tumakbo palapit sa kanya. "Diyos ko! Itinatanong pa ba 'yan, girl?" malakas nitong sabi.

Nagtatalon si Jene nang iabot niya ang ticket para sa concert nina Red. Niyakap pa siya nito at pagkatapos ay niyakap at hinalikan ang ticket na ibinigay niya. Walang mapaglagyan ng tuwa si Jene nang malamang may pagkakataon itong makita nang malapitan si Red, makausap at makapagpa-picture ito at makapag-autograph sa the Sly Crooner.

Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara CeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon